"Wag na wag ka mag shorts kapag lalabas ka"
yan ang lagi saking sinasabi ni Paul kapag aalis kami, maging family bonding man o simpleng pupuntang centro.
he's just very protective of me.
Nakakatuwa nga eh, kase mahal na mahal niya ako.
"Bakit ka naman sasama sa gala ng tropa mo, siguro mag iinuman kayo no?"
Protective lang talaga siya, baka kase mamanyak lang ako ng ibang lalake. Buti na rin yung safe ako.
"Bakit ka naka Liptint, pokpok ka ba?"
Pagod at puyat kase ako sa mga gawain sa school, sa bahay pati rin mga school works niya, Kaya siguro amputla ko.
"Bahala ka umiyak, matutulog na ako."
Anxiety attacks, alam ko kase eh. Kahit walang mag sabi, ramdam ko.
"Inom lang kami."
Sige lang, ayokong masakal ka sakin. Mahal kita.
"Bestfriend ko yun nag aya lang ng inuman, Beb talaga tawagan namin simula pa noong una."
Masakit shempre, bestfriend daw pero bakit ganon?
"Sorry, hindi ko na uulitin."
Sige pagsubok lang to satin alam ko, malalagpasan din natin to.
"Kaibigan ko lang nga yung si Aliya, wala lang yung picture na yun."
Inuman, picture, halikan... Sige kaibigan mo lang.
"Isang pag kakataon pa please."
Sana nga wag na maulit.
"Siguro may lalake ka ano?"
Siguro talagang totoo yung kasabihan na Cheaters are afraid to be cheated on kaya yung mga dapat kasalanan niya, sakin na napunta.
" Tangina mo pala eh, kung hindi ka nag iinarte edi hindi tayo mag kaaway simpleng bagay lang nag tatampo kana agad!"
Tatlong araw mo akong hindi kinausap, hindi ko alam kung asan ka. Pumunta ako sainyo kahit maulan, wala ka duon. Asan ka ba?
"Ayoko na pampalipas oras lang talaga kita, ayaw na kitang kausap."
Happy anniversary satin, gandang bungad naman niyan.
"Sorry lasing ako noon baby."
Oo, lagi ka naman lasing.
"Promise, last chance."
Sana nga...
"Ang pangit mo na, mag pa ganda ka nga."
Graduating tayo, pagod na ako sa lahat.
"Aayusin ko na ang sarili ko please, patawad."
Itigil na natin to...
"Tama na, Ayoko na"
sambit ko sa huling pag kakataon...
Love never fails, if it fail it's not love.