the big revelation...

2.3K 59 0
                                    

Hi mom..nagulat si mama nang makita akong lumabas ng car 2pm na, madaling araw kasi ako umalis..

Bakit ka nandito?..kakauwi mo lang last week ah...mama

Namiss ko kayo agad ma..hindi kasi tayo masyadong nakapag bonding eh..ayoko naman iwanan si zyra nung pumunta kami dito..sorry ma..habang nakayakap parin ako kay mama...namiss ko to..ito yung pinaka comfortable na feeling, sa arms ng mom mo..kahit matanda na ako feeling ko safe na safe ako pag yakap ako ni mama...

Anak magpapadagdag ka ba ng allowance mo?...sabay alis ni mama sa pagkakayakap saken..at nakatingin sa mukha ko...

Ma...bawal ba umuwi dito..bawal ba kayo mamiss..allowance agad...hahaha
Pero pwede din dagdagan ma...nagtawanan na kami ni mama

Ma di mo ba ako tatanungin kung kumain na ako?..gugutom na ako eh...

Anak hindi na tinatanong yun..palagi ka namang gutom eh..ewan ko nga kung san napupunta yung kinakain mo...mama

Nakaakbay ako kay mama papasok ng bahay..mas matangkad na ako kay mama..naaalala ko pa dati nung bata ako pag may pinupuntahan kami hawak niya palagi yung kamay ko...

Ma nandyan ba si Dad?..

Ou nandyan din kuya mo..nanonood sila ng Tv..sabado naman ngayon eh...

Talaga ma...buti hindi sila pumasok ngayon namimiss ko na sila...

Halos patakbo na akong pumasok

Dad i miss you po...sabay yakap from his back..daddy's girl here...hahaha i remember before grade six na ako pinapasan pa ako ni Dad..bunso kasi ako..pero ganun talaga si Dad samen..he said habang may chance pa gagawin niya yung mga yun dahil di daw magtatagal lalaki na kami..magkakaroon ng sariling pamilya at hindi na niya magagawa yun..at sabi niya, kung ano yung nakikita mo sa pamilya mo lalo na sa magulang mo yun yung magiging idea mo pag nagkaroon k na ng pamilya...

Dad bili mo ako ng Coke float at fries...tapos black forest cake...hahaha ewan ko ba kung bakit naglalambing ako sa magulang ko..namiss ko lang siguro sila...

Ikaw talaga..ang laki mo na...sige labas tayo mamaya ha...dad

Naku pababy na naman si bunso...kuya

Inggit ka lang kuya...tanda mo na kasi..mag asawa ka na nga..hahaha..ako

Ang saya namiss ko to...masyado akong nakatutok kay zyra this past months naalimutan ko yung mundo ko...

Nagbonding lang kami maghapon nila mom, dad at kuya naglaro kami ng basketball nila kuya at dad kahapon..kahit papiliin ako ulit ng magiging pamilya sila parin pipiliin ko...

Uwi na naman ako sa baguio..kung pwede lang iextend ang weekend eh...

Daan muna ako kila zyra bago umuwi

Habang papunta na ako sa kanila may nadaanan akong store, nakita ko kasi yung teddy bear na nakadisplay..naisip ko agad si zyra..binili ko na siya kulay white na teddy bear sobrang soft tapos may kulay red na ribbon sa may leeg..

She'll love this..bulong ko sa sarili ko

Nagdrive na ako papunta sa kanila..

When i reached their house kinuha ko na yung teddy bear medyo malaki siya almost 2ft..nagdoor bell na ko

Hello po nandyan po ba si zyra?..bungad ko nang bumukas yung pintuan at nakita ko yung kasambahay nila zyra..

Nasa kwarto po..tuloy po kayo...

Pumasok ba kami tumuloy ako hanggang sa may sala at nandun yung magulang niya..parang gusto kong umurong at umuwi nalang pero nakatingin na sila sa akin eh..and yeah theres no way to escape plusbang mahiwaga kong teddy bear...
Lord sana po bumukas yung lupa at lamunin ako...hahahaha

Ang tanga mo kasi Den uso cellphone..hindi mo manlang naisip tumawag sabi ng utak ko....

Uhmm...hello po..lakas loob kong sabi pero medyo nauutal ako...

Upo ka...sabi ng papa ni Zyra,..nakangiti naman siya kaya medyo gumaan yung atmosphere..parang mauubusan na kasi ako ng hangin...samantalang ang mom niya nakasimangot, malungkot at parang disappointed...

Anong relasyon niyo ni Zyra..tanong ng mama ni zyra

Natahimik ako..hindi ko malaman kung saan ako kukuha ng isasagot...

Tita...tito...uhm...

Saktong paglabas naman ni zyra mula sa kwarto..sigurado akong narinig niya ang tanong ng galit at disappointed niyang mama...

Tama kayo..tama yung iniisip niyo mahal ko si Den...nagmamahalan kami..mahina subalit sapat upang matinig namin dahil parehas kaming lahat na tahimik lang...

Masaya ako sa narinig ko..subalit may takot parin akong naramdaman..alam kong hindi dito matatapos ito...

Pumasok ka sa kwarto mo zyra mag uusap tayo...at ikaw umalis ka na..sabay turo saken...bigla kong naramdaman ang init sa mata ko..nanlulumo akong lumabas ng bahay nila..ni hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon upang iabot ang binili kong regalo para kay zyra..ang sakit para akong binagsakan ng langit at lupa..durog na durog ako at halos hindi na makahinga sa sobrang sakit..pagsakay ko ng kotse ko gustong gusto kong magwala..pinaharurot ko na ang sasakyan ko..uuwi na ako...

Alas kwatro na ng umaga gising parin ako..nakatitig lang sa may puting kisame..naghahanap ng sagot...isang bahagi ng pagkatao ko ang nagsisisi kung bakit ko pa hiniling na sana ipaglaban na niya ako dahil ngayon parang nawala yung kakaunti kong pag asa na maging masaya kami at malaya sa relasyon namin...ngunit isang parte naman ang nagsasabi na okay na din yung nangyari dahil hindi na kailangan pang magtago sa magulang niya dahil alam na nila...paano na kami..ayaw kong mag away sila ng mama niya pero ayoko din namang malayo siya sakin...ayokong papiliin siya..pamilya niya yun eh..

Pagkakamali nga ba to...

Mali bang mahalin ka...

Patuloy lang ako sa pag iyak...natapos ang maghapon na hindi ako pumasok dahil tuloy tuloy lang ako sa pag iyak na para bang hindi nauubos yung luha ko...

Kumatok si ate bago pumasok sa trabaho..nag kunwari akong tulog..ayaw kong malaman nila...ayokong masira at magbago yung tingin nila kay zyra...

Nahirapan ako sa chapter na yan...huuuuugot..ang hirap namang maging Denden...hehe tnx po sa pagbabasa at sa pag vote...wala pa kong maisip na mukha para sa mga character ko...

Alyssa Valdez adik din ako...

Hahaha

I love Ateneo Volleyball girls

Crush ko si Bea...:)

Wala lang share lang...

Kokontra panget...hehehe

Hope you like this chapter...

Loving You is my biggest mistake(gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon