Horror House

29 0 0
                                    

Horror House

October 12th, 2012

“Hindi ordinaryong horror house ang napasukan nila. Dahil ang mga nilalang na nananakot doon ay hindi naka-costume lang. Totoo ang mga ito at pumapatay.”

PANAY ang tawanan ng magkakaibigang Jet, Vanessa, Trina, Mia, at Beng habang palabas ng Sparkle Fun, ang amusement park na pinuntahan nila sa isang bayan sa Nueva Ecija. Mag-aalas-dose na ng hatinggabi noon.

Gawain na talaga nila na pumunta sa mga carnivals tuwing summer vacation. Dumarayo pa sila sa kung saan-saang lugar para subukan ang mga carnivals doon. Walang kaso sa kanila ang perang gagastusin sa pag-a-out of town dahil pare-parehong may-kaya ang mga pamilya nila.

“Syet, Vanessa! ‘Kala ko, tatalsik ang lahat ng tutuli ko sa tili ni Trina kanina. Ang tagal na nating sumasakay sa nakalululang rides, hindi pa nasasanay,” ani Jet sa kanya, ang nag-iisang lalaki sa barkada nila.

“Heh! Sa nalulula ako, ano ang magagawa ko? Ayoko namang tumanghod sa ibaba habang nagpapakasaya kayo sa rides, ‘no!” sikmat nito kay Jet.

“Pero sayang, ‘no? Wala silang horror house, lyon pa naman ang pinaka-finale natin bago umuwi,” ani Mia.

Naglakad-lakad muna sila tutal ay hindi pa naman sila inaantok. Karaniwan nang alas-tres ng madaling-araw na siia umuuwi sa tinutuluyan nilang paupahan kapag out-of-town trip ang carnival na pupuntahan nila.

Nang may makita silang parke ay tinungo nila iyon at naupo sila sa mga benches doon. Bilog na bilog ang buwan at may mga poste ng ilaw roon kaya hindi gaanong madilim. Ilang minuto lang ang pinalipas nila at nagpatuloy na uli sila sa paglalakad.

“Guys, look!” mayamaya ay sambit ni Jet. Sinundan nila ng tingin ang itinuturo nito.

Sa gawing kaliwa ng parke ay may mga hile-hilerang nitso na ginagapangan na ng mga halaman. Humahangga ang libingan sa isang dilapidated na kastilyo na tila tahanan ni Count Dracula at ng mga alagad nitong bampira.

“‘Welcome to Fright House,’” pagbasa ni Beng sa nakasulat sa lumang karatula na nasa malaking punong-acacia sa tabi ng kastilyo. Hawak iyon ng isang naka-barong na nakabigting bangkay na naaagnas na at litaw na ang buto sa mukha.

“Wow! Parang totoo ito, ah,” ani Beng na hinawakan pa ang kamay ng bangkay. “Wax yata ‘to,” sabi nito kapagkuwan.

“’Eto pala ang hinahanap natin, eh. ‘Kala ko, matatapos ang gabing ito na wala akong pagkakatuwaan,” sabi pa ni Jet.

Noong huling pasok nila sa isang horror house ay biglang hinila nito si Vanessa sa isang madilim na sulok para magkubli. Nang may dumaang zombie sa kinatataguan nila ay sukat ginulat nito iyon. Tawa ito nang tawa nang magsisigaw ang zombie dahil sa gulat. Sa huli ay nakilala nila ang zombie na siya palang may-ari ng maliit na carnival na iyon at rumelyebo lang dahil wala ang talagang magko-costume na zombie.

Nang makita nila ang booth sa gawing kanan ng kastilyo ay lumapit sila roon para magbayad. Nakita nila ang isang kuba na nakangisi sa kanila.

“Pare, magkano ang entrance bawat isa?” tanong ni Jet dito.

“Wala. Sa loob na lang kayo magbabayad,” nakangising sagot nito.

“Sigurado ka?” diskumpiyadong tanong ni Beng.

Tumango ito. Nagkibit-balikat na lang sila at pumunta na sa kastilyo. Nang lingunin ni Vanessa ang kuba na nasa booth ay napakunot-noo siya. Wala na ito roon.

Itinulak nila ang malaking pinto ng kastilyo. Umingit iyon. Madilim sa loob niyon at ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang aandap-andap na kandila na nasa mga’ lampara sa dingding. Nasorpresa sila nang makitang yari sa solidong bato ang loob ng kastilyo. Tila totoo talagang lumang kastilyo iyon.

Horror HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon