Diane
"Papa, please, huwag ang kabayo ko. Nasaan si Bolt?"
"Huwag kang madamot, Diane. Hindi pa ba sapat na nasayo na ang lahat-lahat? Mapapalitan mo ang mga kabayo, pero subukan mong suwayin ako, mawawalan ka ng pamilya."
Napayuko ako at naitikom ko ang dalawang kamao ko sa galit. Si Lara ay nakamasid sa amin ni Papa kanina pa na may ngiti sa labi.
"What do you want?"
"Ang Soledad," sagot ni Papá.
Mabilis akong umiling. "Kay Mamá ang lupain na iyon."
Isang hakbang ang ginawa ni Papa at naabot nito ng sampal ang pisngi ko. Si Nana Puring ay agad akong dinaluhan. Wala ni isang luha ang pumatak sa akin.
"Kung gusto mo ay lumayas ka kasama ng kabayo mo. Tutal ay mas mahalaga sa iyo ang kabayo na iyon, eh 'di sumama kang lumayas."
"Bigay ni Lolo sa akin—"
"Wala akong pakialam kung sino man ang nagbigay no'n sa'yo. Kailangan ko ng pera at kung hindi mo balak magbenta ng ari-arian mo, p'wes ibebenta ko ang mga kabayo," bulyaw ni Papa sa akin.
"Huwag ka nang sumagot, Diana," wika ni Nana Puring sa akin.
Humakbang ako patalikod hanggang sa makaalis ako sa sala at tumakbo ako palabas ng mansion.
Umiiyak akong nagpunta ng kwadra— sa bakanteng kulungan ni Bolt ako nagpunta at tuluyang umiyak. Napaluhod ako sa tuyong dayami na naiwan sa kulungan ng alaga ko.
Wala na si Bolt nang dumating ako galing London. Hindi ko na naabutan ang kabayo ko.
"Señorita."
Nalingon ko sa pinanggalingan ng tinig. Nakatayo si Tonyo sa gate ng kwadra hawak ang kanyang salakot.
"Hindi mo na naabutan si Bolt."
"Alam mo ba kung kanino nila binenta ang kabayo ko?"
Lumingon si Tonyo sa paligid bago lumapit sa akin. Inabot niya ang isang calling card sa akin.
"Iyan ang tao na kumuha kay Bolt dito. Sabi niya kung may ibebenta pang kabayo ay tawagan siya. Itinago ko para ibigay sa iyo."
Kinuha ko ang calling card mula kay Tonyo. "Salamat Tonyo."
Tumango ito sa akin.
Sa Maynila ang nakalagay na address sa calling card. Walang masyadong details maliban sa pangalan ng ahente, phone number at ang office address.
Tumayo ako at nagpahid ng luha.
"Aalis kang muli, Señorita?"
Isang tango ang isinagot ko kay Tonyo na nakapagpalaglag ng balikat nito.
"Kung gano'n ay mag-iingat ka."
"Tawagan ninyo ako kung may problema dito. Iiwan ko ang numero ko kay Nana Puring at sa kabilang bahay," bilin ko kay Tonyo.
Lumuwas ako ng Maynila kinabukasan at hinanap ang ahente ng kabayo malapit sa Sta. Ana Manila.
"Aling kabayo ang tinutukoy mo?" tanong nito na hindi man lamang ako binigyan ng pansin. Para akong ligaw na tuta na sinusundan siya sa paglalakad niya kung saan man ito magpunta sa loob ng opisina.
"'Yong kabayo Sir na galing Negros," sagot ko.
"Wala na," sagot ng ahente at tinaboy ako nito gamit ang kamay.
"Nasaan na?" nanlalambot na tanong ko.
"Nabili na 'yon, Miss. Pwede bang umalis ka na at marami akong trabaho?" Mukhang naiinis na siya sa dami ng tanong ko ngunit kailangan kong mahanap si Bolt.
"Saan ko makikita ang kabayo ko?"
Napabuga ito ng hininga at tiningnan ako na parang hindi makapaniwala na akin ang kabayo.
"Sa Country Club," matabang na sagot nito.
"Aling Country Club?"
"Sa Tagaytay. Now leave me alone. Get lost."
Ilang linggo akong humanap ng paraan para makapasok sa Tagaytay Country Club. Hindi pala basta-basta makakapasok dito. Tanging mga members lang ang pwedeng makapasok at ang mga bisita nila.
Ilang beses ba akong kailangang mapahiya para sumuko?
It was my 4th week in Tagaytay when I found an advertisement. The Tagaytay Country Club is hiring a Vet.
Walang second thoughts na nagpasa ako ng resume para sa position.
Here's my chance. Wait for me, Thunderbolt.
BINABASA MO ANG
Speak for Me (book version)
RomanceDiane is one of the boys kind of girl. Dahil laki sa Hacienda kasama ng mga trabahador, natuto siyang magpakumbaba sa kabila ng antas niya sa buhay. When her grandfather died, her father sold everything including her horse. She packed her bag and we...