1

7 0 0
                                    

I'M NOT ALONE

Year 2018.

Sobrang stress ko sa work, sa responsibilities, sa career at sa iba pang bagay.

I always seek a guidance to the Lords/Gods that I know which is Black Nazareno, Sto Niño, Mama Mary and Saints. Sila ang nilalapitan ko kapag ako'y nahihirapan, nalulungkot at sumasaya sa tuwing may binibigay sila sa akin.

During that time, I got my first job after I graduated in College, sobrang saya ko non. Sinet ko na yung plan ko para sa sarili at para sa pamilya ko pero mas lamang ang para sa sarili ko. Makasarili.

Pero may kulang, may mali, hindi ako makuntento sa sinasahod ko kahit na kumikita ako ng above minimum. For 2 years of working sa first job ko ang tanging naipon ko lang ay mga materyal na bagay na ngayon (current year 2021) ay mga paluma na at naipamigay na sa iba.

Eto na naman, parang may mali sakin. Para akong naliligaw ng landas (not addiction), pakiramdam ko mali yung nilalakaran kong path, pakiramdam ko hindi ito para sakin at pakiramdam ko talagang may kulang sakin.

Dati "go with the flow" lang ako, pero nung nakikita ko na umaasenso na yung mga kasabayan ko, pakiramdam ko nahuhuli ako. Sabayan pa ng pressure sa responsibilty as a panganay. My parents, hindi sila tapos sa pag-aaral si papa lang ang kumakayod para mapagtapos kaming tres marias. (2018) tatlo na kaming nagwowork kasi may nakapagtapos na ng pag-aaral yung sumunod sakin. Pero kulang pa din, hindi ko alam kung bakit. Nakalimutan ko sabihin, our family is devoted in our religion.

Sinubukan ko mag exam for government work, para sa 1st take pumunta ako sa quiapo kasama si mama. As usual madaming tao. Pagpasok palang sa lugar na yon, para na kong nasusuka at nakakaramdam na ng hilo, may space naman ako para makalanghap ng hangin pero ganun pa din. Hanggang sa matapos ang sermon ng wala akong naiintindihan, ang ginawa ko nalang inilapit ako ang nalalapit kong exam.

Nagreview ako at muli kong inilapit sakanila ang nais ko.

3 months after examination.

 I failed.

I don't know kung bakit, nagreview naman ako. Sumang-ayon nalang ako sa mga sinasabi nila na tyambahan ang makapasa don.

Malungkot syempre, kasi yung isang susi na alam ko na makakatulong sakin ay di nagsuccess.



to be continue...

I'm not AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon