"NASA USO AKO"

48 1 1
                                    

Hindi magpapahuli, hindi magpapatalo

kahit walang makain, basta nasa uso ako

kahit walang pera basta bibili ako

gusto koy ganoon, gusto koy ganito.

uso ang kalbo? nagpagupit ako

nang mauso ang ubo bumili din ako

usong malungkot? malungkot din ako

pumatok ang gwapo; meron na ko nito.

bilis magpalit ng uso sa mundo

kaya nagtanong ako sa kaibigan ko

kung ako ba ay nasa usong gwapo?

sagot ay oo, nung di pa uso ang tao.

di mahalaga kung ikaw ay nasa uso

di rin mahalaga kung gamit mo ay bago

tanungin mo muna sarili

wala ba akong tinatapakang tao?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"NASA USO AKO"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon