ako si joseph flores crisostomo isang tao na nakukulong sa isang mabait,banal at kagalanggalang na pangalan.isinilang ako noong kapanahunan ni pangulong ramos oktubre 18 taong 1992 nasa magandang kaanyuan at hindi pa ata nadidiskubre ang salitang makapag papaliwanag nang natatangi kong kagwapuhan nang ako ay lumabas na sa mundong ito.ngunit sa pagkakataon ngayon ay isang aksidente ang naganap kaya nagkaganto na ang aking itsura tinatawag na pasmang mukha ang sakit ko ngayon. ako ay nagmula sa bayan nang malolos lalawigan ng bulacan kung saan mo matatagpuan ang simbahan ng barasoain kung san itinatag ang ating unang republika ipagpatuloy mo na lang sa google ang istorya ng pinagmulan ko at ipagpapatuloy ko pa dito kung sino ako. ako ay nasa edad na nang ika 20 taon ng aking buhay natapos na ang yugto ko bilang isang tinedyer ngunit pipilitin ko maging bata sa pamamagitan ng fitrum feeling young looking yak!. nagatapos ako sa mababang paaralan ng sta. isabel oo mababa dahil laging baha pero ayos lang lagi naman walang pasok kaya ako ay tuwang tuwa. noon namang ako ay sekondarya na o yung tinatawag na hayskul level ay madalas na ko pumasok dahil nagkakaron na ako ng crush at pag pinagtapat kong crush ko kasunod agad nito ang pagcrash ng aking mukha dahil sa suntok ng babae.pinagtapusan ko ang high skul noong 2008 sa pambansang mataas na paaralan ng marcelo h. del pilar. at sa ikatlong yugto naman ng aking mahusay na pag aaral ay mapalad naman ako nakapasok sa unibersidad ng bulacan sa kursong food technology at hanggang sa kasalukuyan ay tinatahak ko na ang nalalapit kong pagtatapos. di ako makapaniwala na sa kabila nang lahat ng aking kalokohan ay mararating ko ang aking pagtatapos.
  • BergabungJanuary 5, 2013



Pesan Terakhir
otepsterific otepsterific Aug 09, 2013 02:33PM
salamat sa 12 followers haha
Lihat semua Percakapan

Cerita oleh otep