There were so many types of a guy.
First is the Heartbreakers: sila yung ang babait pero pag minahal mo na iiwasan ka kasi di ka kayang mahalin pabalik.. In short mga MANHID
Another is Playboys:sila yung mamahalin ka pabalik at magmamahal din sa iba pabalik.. Sila yung sobrang mapagmahal sa sobrang mapagmahal ang dami nyong minamahal
One more is Friendly: ito naman yung light lang kasama kaya lang restricted to kasi nga FRIEND WALANG TALO TALO.
The Family:ang sarap pag nakakilala ka nang lalaking ganito yung caring,protective,understanding at higit sa lahat... Kapatid lang ang turing sayo kaya isa din to sa mga tinatawag na restricted pero pag napaamo mo ang ganito girl! ANG SWERTE MO!
Next is Silent: ito yung tipong ang creepy! May kasama ka nga pero parang wala, ang cold ng treatment at mapapanis ang laway mo dito..
Mas masaya sana kung Funny: sila yung mga joker na guys, masarap kasama kasi may sense of humor. Yung tipong kakabagin ka nalang kakatawa.. The problem is pag umamin sayo ang ganito magtataka ka kung totoo ba o nagbibiro lang ito. Wala paring win win situation!
And the last one that i know is ito yung kinababaliwan nang halos lahat.. The Badboy!:never ako magkakagusto sa ganito, sila yung mapang api, mga manhid, ang ikakasaya ay ang ikakasakit mo at higit sa lahat i wonder if they also fell in love.. Cause yeah! I doubt that.
So... Why on Earth will i fall for Jacinto Zamora!? Bukod sa he's the latter ang yabang pa nya.. Kung nung nagpaulan nang masamang ugali ay malamang sa malang mulat na mulat ang nga mata nya!!
Mayaman nga ang sama sama naman ng ugali. He's the top bully of the campus. The one that you should be feared of at lahat ay yumuyuko sa kanya na akala mo hari sya, puro naman yabang!!
You know what, being named after a heroine doesn't suits him! Mas mabuti sana kung ang ipinangalan sana sa kanya ay mula sa history pa ni Jesus. Maybe that fits him..
Like.. Judas, o kaya Pontio, or better be Lucifer! Yun mas bagay yun sa kanyang hayop sya
"Amanda... Ayos ka lang ?"isang katok ang nagpatigil sa akin sa pag papantasyang pagpatay kay Jacinto sa utak ko.
"I'm fine Courtney.."
I said habang pilit pinupunasan ang mga luha ko. Hinimay ko nang dahan-dahan ang buhok kong nababalutan ng mga bubble gum.. Yes people! I am bullied in this goddamn school!
Wala naman akong kasalanan pero ako ang trip ni Jacinto na laging awayin. Kahit anong iwas ko hahanap at hahanap sya ng paraan para lang mabully ako.
Binuksan ko ang pinto ng cubicle na kinalalagyan ko nang mapagtantong bigo ako sa pag tanggal ng mga bubble gum sa buhok ko. Naiiyak ako, inalagaan ko ng maayos to ang buhok ko. Sinusuklay ko ng isang beses sa isang linggo.. Minsan lang din ako mag shampoo kasi sabi nila nakaka kalbo daw ang sobrang shampoo.. Nilalagyan ko pa nung shampoo ng kabayo para kumapal at maging shiny. Halos di ko na nga pinapatanggalan ng kuto para di masira ang biodiversity nila sa ulo ko kasi nga nakakasama pag ganun. Tapos... Tapos eto?!
This is so humiliating! Humanda talaga sa akin yung Jacinto na yun! Makakatikim talaga sa akin yun. Pero syempre joke lang.. Ke swerte nya naman kung matikman ako?! Anong akala nya sa akin easy girl? No way maghirap sya!
"Amanda you're spacing out.. Okay ka na ba?"tanong ng kaibigan kong mapagmahal sa akin, si Courtney.. Sa lahat ng tao dito sa school sya lang ang pinakamalapit sa akin.. Oo alam kong maganda sya. Sobrang ganda that she holds the title of Ms. Lorthon Bridge University... Samantalang ako haaay
Marami din namang nakapagsabi na maganda daw ako pag nag ayos lang kaya pinanghawakan ko yun.. Pero kahit anong pagpapaganda ko eh takot ata ang beauty products sa mukha ko.
It's not that I'm degrading myself pero maganda naman talaga ako kung di lang naging pangit kaya siguro paborito akong bullyhin ni Jacinto kasi nga nat-threaten sya sa itsura ko at ako pa ang magpabagsak sa kanya.
Kala mo naman ang gwapo! Kung wala siguro syang pampabelo malamang... Gwapo parin sya! Haist ano ba yan bakit ba naman kasi salung salo nya lahat ng kaswertehan sa mundo?!
"Mandy... You okay? You're creeping me out"takang tanong ni Courtney na parang ang laking kasalanan ang pinag gagawa ko.
"Huh bakit naman?"
"Eh kasi paglabas mo kanina ng cubicle ang asim nang mukha mo.. Then you're smiling like an idiot after that you smirk like in horror films.. Tapos bigla ka nanaman sisimangot. Okay ka lang?"
Napabuntong hininga nalang ako dahil doon at para na namang maiiyak pag naaalala ang buhok ko.
"Bes.. Yung buhok ko kasi nagrebond ng bubble gum"pagsusumbong ko. Nanlumo naman sya na tinignan ako at parang nakisimpatya pa.. Hinawakan nya ang buhok ko at na parang nandidiri..
"We don't have any other choice Mandy but to cut your hair"natigilan ako sa sinabi nya. No it can't be.. Masyado kong mahal ang hanggang bewang kong buhok para pagupitan ng shoulder length.. Pero sa kapal ng bubble gum na bumalot dito ay mukhang ganun na nga siguro ang kailangan.
***
Nakapikit lang ako habang nakatingin sa harap ng salamin ng salon"girl, di uso ang suklay sa inyo?"
Tanong ng bading na mag aayos sa buhok ko. Naiiyak na ako pero kung lalaitin nya man lang din ako ay baka mapatay ko pa ang isang ito. Pigilan nyo ako!
Pinagpatuloy nya na ang dapat gawin habang ako naman ay nakapikit at lumuluha.. Isinusumpa ko sa kaluluwa ng mga kutong malalagas mula sa buhok ko at pagkawasak ng biodiversity nila.. Darating ang panahon gagapang ka sa lusak Jacinto Zamora!
YOU ARE READING
Dear Diary(Love, Amanda)
RomanceMay mga bagay sa mundo na di natin inaasahang mangyari na akala natin masyadong imposible mangyari sa realidad pero... Nang matagpuan ko ang isang bagay na makakapag iba ng buong buhay ko naniwala ako.. na ang imposible pwede rin palang magkatotoo.