05

29 3 21
                                    

“Ano bang trabaho ang tinutukoy mo?”

Hindi agad nakasagot si Zeyon. Kumurap siya na tila hindi pa rin makapaniwala na tinanggap ko na ang offer niya. Huminga ako ng malalim at uminom sa iced tea na in-order niya kanina.

Nandito kami ngayon sa café sa tapat ng kumpanya nila dahil sabi niya ay magkita raw kami. Hindi kasi siya sigurado kung nagbibiro ba ako kagabi kaya kinaumagahan ay tinawagan niya agad ako para makipag-usap. Kakatapos lang ng klase ko at pupunta ako mamaya sa bahay ng mga Silvestri dahil Friday ngayon.

“Sigurado ka na ba?” Tanong niya sa akin. Pangatlong beses na niya ata iyong naitanong.

Tumango ako, “bakit? May nakakuha na ba ng offer mo?”

Mabilis siyang umiling. “Sa iyo lang ako nag-offer. Sinisigurado ko lang na hindi mo babawiin ang desisyon mo.”

“Kailangan ko ng trabaho,” pinal kong sagot sa kanya. “May kontrata ba akong pipirmahan o ano?”

“Gusto mo bang pumirma ng kontrata?” Tanong ni Zeyon sa akin. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa tanong niya. Totoo ba talaga ‘tong offer niya? “I mean, part time ka lang naman, hindi ba? Hindi naman kailangan ng kontrata para sa akin pero kung gusto mo ay magpapagawa ako.”

“Seryoso ba ‘tong trabaho na inaalok mo sa akin?” Naguguluhan kong tanong sa kanya.

“Of course,” he cleared his throat. “Magsisimula ka sa Lunes, okay lang ba?”

Tumango ako sa kanya. “Lulutuan lang naman kita ng pagkain, ‘di ba? Anong oras ko ba dadalhin sa iyo at anong lulutuin ko? Breakfast, lunch or dinner?”

“Breakfast, lunch and dinner. 6 AM for breakfast, 11 AM for lunch and 7 PM for dinner. Dito mo sa building dadalhin, kapag nasa meeting ako ay iwanan mo na lang sa front desk pero kapag wala akong ginagawa ay dalhin mo sa office ko,” paliwanag niya.

“May klase ako hanggang 11 AM at hindi ako pwedeng umuwi para magluto ng lunch mo. Okay lang ba na umaga ko na lang lulutin ang tanghalian mo para sabay sa breakfast mo tapos initin mo na lang kapag kakain ka na?” Tanong ko sa kanya. Hassle kasi kung uuwi pa ako at magluluto ng pagkain niya dahil sa cafeteria lang din naman ako kumakain.

Humawak si Zeyon sa baba niya na tila nag-iisip. “It’s okay pero pwede bang iba ang pagkain ko sa breakfast at sa lunch? I’m a little picky.”

“Sure.” Tumango-tango ako. Okay lang naman, maaga na lang siguro akong gigising para marami akong oras magluto dahil mapili nga si Zeyon.

“Anything else?” Tanong niya at sinilip ang relo niya. Mukhang may kailangan pa siyang gawin at nauubos ko na ang oras niya. Marami pa rin kaya siyang trabaho sa mga oras na ganito? Hapon na, dapat ay nagpapahinga na siya pero mukhang hindi pa ito ang oras ng uwian para sa kanya.

“Buong linggo ba akong maghahatid sa iyo ng pagkain or weekdays lang?”

“Weekdays only. Let me know kapag may kailangan kang gawin at hindi mo ako madadalhan ng pagkain,” sumimsim si Zeyon sa kape niya bago ako muling tiningnan. “Bibigyan kita ng budget para sa pagkain na lulutuin mo. Ikaw na rin ang bibili, okay lang ba ‘yon?”

“Okay lang,” tumango-tango ako. Sanay naman ako sa palengke kaya okay lang. Kung siya ang pabibilhin ko ay siguradong mali ang mabibili niya. Mukhang hindi pa siya nakakaapak sa palengke, e. “May allergy ka ba?”

Umiling si Zeyon, mabuti naman dahil baka masayang ang niluto ko. Hindi ako professional at dapat chef ang kunin niya kung gusto niya talaga ay iyong masarap na pagkain pero hindi ko talaga alam ang trip nitong mayaman na ‘to pero magpapasalamat na lang ako dahil mayroon na akong trabaho.

Extra Service (Service Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon