3

1 1 0
                                    

Camping

"anak ok na ba lahat ng dadalhin mo, yung binili nating snacks mo baka nakalimutan mo"

kagabi ay naghanda na kami ng mga dadalhin dahil mamayang hapon ay simula na ng camping sa school, nabalitaan ko din kay claire na kasali ang grade 5.

"Yes mama ok na ang ang lahat"

Si mama lang ang nagaasikaso sakin dahil busy sa trabaho si papa isa kasi siyang manager sa isang malaking branch ng banko.

"Magiingat ka anak.." humalik ako sa pisnge ni mama at pagkatapos ay nagpaalam

Nagdala din ako ng tent dahil sa tent daw kami matutulog instead sa room mas maganda daw kasi at mas feel kapag sa tent.

Maliit lang ang tent na dala ko at sakto lang ito sa dalawang tao kaya naman ka share ko si Claire sa tent. Walang kaso kung ibang section siya as long as grade 4 student ka ok lang matulog kahit kaninong tent basta sa grade 4 din yung tent na tutulugan mo.

"Nakita mo na sila Jerald?" Tanong ko kay Claire ng dumating kami sa campus

"Di pa rin eh..siguro mamaya pa yon."

Dala ko rin pala ngayong yung damit na pinahiram sakin last time ni Patrick, Sana makita ko siya at ng maisauli ko na ito

"Nicole mamaya ikot ikot tayo"

"Bakit?"

Anu nanaman ba to?

"Hanapin natin ang section rosal!aba kaya nga ko sumali s camping na to para kay jerald tapos mababalewala lang" pag tatampo pa nito

''ang oa mo naman claire!"

"Sorry naman hahaha"

Agad naman kaming natapos sa pagkukumpuni  ng tent at ng ibang bagay. Mabilis ang naging oras at kumain na kami. Panay naman ang kulit ni claire na mag lilibot kami mamaya para hanapin si jerald syempre pati na rin si Patrick hahha
ang landiiiii ahhhaha

"Arat na nicole baka maabutan tayo ng curfew" may curfew kasi na dapat nasa loob na ng tent kapag  10 pm.. eh ang aga pa kaya di pa nga ko nakakapag toothbrush.

"Wait lang claire! Mag totoothbrush muna ko" atay na at

"Sige!bilisan mo ah!syaka dalhin mo yung isasauli mo sana nung nakaraan kay patrick"

"Ok" ayaw ko pa naman sanang isauli agad

Mag aalas otso ng matapos ako sa lahat ng nais kong gawin. Suot ang isang oversize shirt at maong short ay naglakad na kami patungong tent ng mga grade 5 bitbit ang t-shirt na pinahiram sakin ni Patrick.

"Syet ayon si jerald!"impit na tili ni claire

"Kapag may nagtanong sayo kung anung ginagawa natin dito sabihin mong may sadya lang ah!"bilin pa nito

Gagu lang claire!landi ah

"Nicole?" My ghad! Kilala ko yung boses na yon

Agad ko itong hinarap para kumpirmahin ang hula ko

"Patrick.."

Grabe feeling ko may nagtatakbuhang elepante sa stomach ko! Duh! Don't get me wrong!di ako natatae

"Anung ginagawa mo dito?"tanong pa niya

"Ah Kasi.."

Di pa nga ko tapos magsalita ng sumingit si claire

"Ah ikaw ba si Patrick?"feeling close te
"Nagpasama kasi itong si nicole sakin para isauli itong shirt mo" dagdag pa nito

Taena lang! Mang aagaw eksena!
Pashneya ka!

"Ahh oo patrick ikaw talaga sadya ko dito.." Inabot ko sakanya ang damit 

"Thank you ulit patrick..."shetik!buti di ako naiiyak

"Nagabala ka pa..Sana di mo na lang sinauli..pero salamat"

"Sus kung alam mo lang ayaw niya na yan isauli" agad kong pinandilatan si Claire dahil sa binulong bulong niya!bwiset buti di masyado narinig ni Patrick

"Sige pat alis na kami salamat ulit sa shirt"

"Welcome nicole" ngumiti ito saakin at agad na din nagpaalam

Agad ko namang hinila si claire dahil feeling ko wala na siyang balak bumalik sa tent dahil sa kakanakaw tingin kay jerald

"Di mo naman sakin sinabing gwapo yung patrick mo!"

"Di ka naman nagtanong!"

"Di ba?"

Hayst inunahan ko na ito sa paglalakad dahil napaka bagal, pawno niya naman mapansin yon e di nga maalis alis mata non kay jerald

Kinabukasan ay maaga kaming ginising ng adviser namin para maghanda sa mga activity namin ngayon. Suot ang p.e uniform ay pumila na kami sa linya ng grade 4 agad ko namang nakita ang mukha ng aking prinsipe sa katabing linya.

Nang nahagip niya ko ay nginitian niya naman ako syempre para na kong hihimatayin sa ginawa niya! Bwiset talaga!

"Kita ko crush mo bes!" Anunsyo naman ni claire

"Late ka na! Nginitian pa nga ko!"

" Edi Sana all! "

Tinawanan ko ito dahil sa busangot niyang pagmumukha. Never kasi siyang ngitian o nilingon man lang ni jerald maganda naman si Claire maputi at sexy wala nga lang boobs at cleavage syaka pango pa.

Grabi na talaga ko sa bff ko ahhahah

Love ko naman yan.

Natapos ang lahat ng activity sa umaga ng nakangiti ako syempre ikaw ba namang pinapanood ng crush mo.

"Wow ha! Porket anjan si Patrick kung makangiti parang tanga!"

Bwiset talagang crizel to panira ng mood

"Inggit ka lang!"

"Pwe bat ako maiinggit?e kaya ko naman maghanap ng mas gwapo jan sa crush mo, as if naman magugustuhan ka nyan eh para kang dora! Iww anu ka jeje? Maka bangs parang nanay ka ni dora"

Aba taena nitong crizel na to!

"Inaano ba kita crizel? Umalis ka nga sa harap ko!madilim na nga kili kili mo padidilimin mo pa paningin ko"

"Hoy crizel! Anu nanamang ginagawa mo kay nicole"
Singit ni claire geh!! Go go go! Sige iganti mo ko bes

"Pake mo ba? Sali sali ka namang pungok ka!"

"Aba!gagung bruha to!hoy babaeng maitim ang singit at kilikili! Tigil tigilan mo tong Bestfriend ko baka pati ngipin at mata mo paiitimin ko!"

Agad kaming tinalikuran ni crizel habang nagtatakbo samantalang itong bff ko di na matigil sa kakakuda kesyo negra daw si crizel ahhahahah

"Tama na claire! Paniguradong umiiyak yon" sabay kaming natawa naiimagine ko kasing umiiyak si crizel parang kweba ang bunganga non lalo na kapag sinasabi niyang mama huhuhu ahhahahhahahah

A/n.

Happy reading..

Marealize Mo Sana ( ELEMENTARY SERIES) On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon