"Sino ba kasi siya?"
"Baka siya yung killer,"
"Oo nga,"
"Pero pano kung lalaki pala siya?"
"Baka girlfriend niya si Lucia,"
"Oo nga noh,"
"Grabe nakakatakot naman siya,"
"Besh sabay tayong umuwi mamaya ah, ayokong umuwi mag-isa,"
"Sige Besh, tawag 'ko si papa para may kasama tayo,"Halo-halong usapan ang narinig ko pagkapasok ko pa lang sa loob ng room namin.
"Anong meron?" Tanong ko sa katabi kong si Sarah.
"May pinatay na naman daw si "Lucia"," agad na sagot nito.
"Lucia?" nung nakaraan ko pa naririnig ang pangalan na yun ah, pero sino ba siya?
"Duh Lucy, si Lucia. Di mo siya kilala?" Sabi nito sa'kin habang nanlalaki ang mga mata, sa expression ngayon ng mukha niya parang gusto kong dukutin na lang bigla yung mata niya.
"Mukha bang kilala ko 'yang Lucia na yan ha?" balik na tanong ko sa kanya.
"Eto na nga eh, ikukuwento ko na nga sayo kung sino siya,"
Hindi ako sumagot at hinintay ko lang ang mga sasabihin niya.
"Ganto kasi yun, President Lucy. Last month may mga nangyayaring patayan dito sa lugar natin," simula niya.
"Oh tapos? Ano namang kinalaman ng Lucia na yon?" tanong ko bago kuha ng librong na kapatong sa lamesa niya.
Binuklat ko ang libro at nagsimulang tignan ang bawat pahina nito.
"Sa bawat pagpatay kasi laging may nakikitang "Lucia" sa tabi o di kaya sa mismong katawan ng bangkay at eto pa, sinusulat yun ng killer gamit ang dugo ng mga biktima niya,"
"Lucia? Pangalan niya ba 'yun? Ibig sabihin babae siya?" tanong ko ulit.
"Not sure pero may mga nagsasabi na baka nga babae siya or baka ginagamit niya lang yung pangalan na Lucia para manlinlang,"
Tinignan 'ko siya. Her face was full of fear.
"Ba't parang takot na takot ka?" natatawang tanong ko.
"Pano ako hindi matatakot? Tuwing gabi pumapatay siya at hindi lang yun parami na nang parami ang mga pinapatay niya. Nung nakaraan tatlo kagabi naman anim, at kahit nga preso na nakakulong na mismo napapatay niya pa,"
"Weh?" kuwaring curious na tanong 'ko.
"Oo, jusko Lucy. Kung sino-sino na napatay niya. Naglagay na nga ng curfew dito sa City natin e tas tuwing gabi–jusko sundalo na mga rumoronda. Hindi siya basta-bastang killer Lucy. At eto pa pala, kahapon nagkabit na ng mga cctv sa lahat ng lugar dito sa buong city natin..."
"Ohh may cctv naman na pala e, bakit hindi pa din siya nahuhuli?"
"Jusko! 'Yun na nga, may cctv na, pero alam mo ba kung anong ginawa ni Lucia? Hinack niya yung system keme na nagpapagana doon sa mga cctv," damang-dama 'ko na natataranta na siya.
Gano'n ba talaga kagaling na killer si Lucia?
"Wait– na-hack niya? Sure ba kayo na si Lucia lang talaga ang pumapatay? Baka naman may kasama siya?"
"Yun din 'yung hinala ng iba but for now "Lucia" muna ang tawag sa kaniya,"
"May case ba na ng rape si "Lucia" or something?" Tanong 'ko.
"Wala. Pumapatay lang siya tapos,"
Hindi siya rapist? Hindi naman nakakatakot mamatay.
"Hayst, wala naman pala akong sapat na rason para katakutan siya," walang ganang sabi ko bago ilapag sa mesa niya ang libro. Hindi narinig ni Sarah ang sinabi 'ko dahil pumasok na sa loob ng classroom namin si Ma'am Rissa.
BINABASA MO ANG
LUCIA
Short StoryA girl named Lucy was diagnosed with Dissociative identity disorder (DID). She is a normal high school student every morning but who will knew that she was a serial killer at night? (ONE-SHOT SERIES #1) The photo is not mine. Credits to the rightful...