You're on the phone with your girlfriend, she's upset
She's going off about something that you said
'Cause she doesn't get your humor like I do
Shay's POV
"Shay bilisan mo na ang kilos mo mali-late na kayo ng kuya mo!"
"Saglit na lang po, Ma!"
Haynako! Kainis naman kasi yung phone ko! Bakit naman kasi 'di ko narinig yung pag-alarm?!
Pabara-bara ko na lang isinuot yung uniform ko. Kinuha ko na yung bag at laptop ko. Bumaba ako ng hindi man lang natignan ang sarili sa salamin dahil sa pagkainipin ng napakabait kong kuya --- please note the sarcasm.
Pagbaba ko ng hagdan sumalubong ang nakabusangot na mukha ng kapatid ko. Nakaayos na siya at hawak na yung susi ng kotse.
"Nagpuyat ka na naman manuod ng K-Drama 'no?"
"Hindi kaya! Tinapos ko yung report ko kay Ms. Romero." Totoo naman kasi 'yun. Stress na nga ako sa dami ng pinapagawa saming activities lalo na sa mga major subjects. Hayyy! Hirap talaga maging college student.
Kinuha niya yung bag at laptop na hawak ko. "Tsk. Tara na nga!"
Napairap na lang ako ng palihim. Ang aga pa pero napakainit na ng ulo.
Inabot sa'kin ni Mama yung sandwiches, lunch box ko at baon kong pera bago humalik at yumakap sa kanya.
"See you later,Ma! Love you po!"
"Ingat kayo! Shayne ingat sa pagda-drive!" ani pa ni mama.
Dali-dali na akong pumunta sa garage at sumakay backseat sa kotse ni Kuya. Yes backseat always 'yon.
"Yow! Bro!"
Tumango lang si Kuya Shayne at nagmaneho na papuntang school.
"Good morning Shay!"
"Morning, CJ"
Siya ang reason. Si Casper Johan Mariano aka. CJ ang laging nasa passenger seat, lagi siyang sumasabay sa'min ni Kuya sa pagpasok at pag-uwi dahil sa iisang university lang kami pumapasok na tatlo. Ako 20 years old at nasa 2nd year na ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino. Same age sila Kuya Shayne at CJ which is 22 years old. Parehas silang graduating this school year sa kursong Bussiness Management. Kababata namin ni Kuya at nag-iisang kaibigan kong lalaki na siyang lihim ko 'ding minamahal.
BINABASA MO ANG
You Belong with Me
Teen FictionYOU love her, I love you. I hope you'll know that YOU BELONG WITH ME... This is inspired by the song ' You Belong with Me" by Taylor Swift