“Alam mo, Zayne, napakagago mo. I really don’t want to step in, pero bilang kaibigan mo, sumusobra ka na eh. Sobra na ang katangahan na ginagawa mo. Ang babaeng sobra-sobra kung magmahal sayo, pinagtatabuyan mo. Pati sarili mo pinapahamak mo nang dahil lang sa katarantaduhan mo. Alam mo, noong nariyan pa siya sa tabi mo, ang daming magagandang nangyayari sayo. Nakita kong masayang-masaya ka at totoong-totoo ang ligaya mo. Pero ngayon tignan mo sarili mo, pinagtatabuyan mo sya at sinisira mo ang buhay mo. Alamin mo naman kung ano talaga ang gusto mo, pre. Mangarap ka naman sa buhay. Wag yung puro YOLO ka lang. Nagkanda letche-letche na nga ang lahat sa’yo, mas pinapalala mo pa. Payong kaibigan lang, magbago ka na bago pa siya mawala ng tuluyan sa iyo.”
Parang sinapak ako nang paulit-ulit sa mukha sa sobrang sakit ng katotohanan na tumatama sakin sa bawat salitang binitawan ni Rico. Tama siya. Napakagago kong tao. Sinisira ko ang buhay ko at pinagtatabuyan ko ang babaeng nagbigay ng ligaya sa akin at minahal ako ng totoo. Ang tanging babae na tinanggap ako nang buong-buo at walang pagdadalawang-isip. Na kahit na dumating sa buhay ko ang panahon na walang-wala ako, hindi siya umalis. Nanatili siya sa tabi ko at mas minahal pa ako nang labis.
Ano nga ba talaga ang mga pangarap ko? What are my dreams? What did I wanted to become? What do I really want with my life?
Sa aking pagmumuni-muni biglang rumagasa na parang agos ng sapa ang lahat ng mga pangarap na ginawa naming dalawa sa tabing-dagat sa ilalim ng nakakabighaning liwanag ng buwan at nangniningning na mga tala. Sumikip ang aking puso. Umagos ang mga luha sa aking pisngi at sa paghahampas ko sa aking dibdib ay tuluyan akong humagulgol.

YOU ARE READING
This Time
Storie d'amore"I wanna make it up to you. I know naging tanga ako noon. Naging gago ako, hindi ko tinupad ang mga pangako ko... but please, give me a chance... I swear... I'll make it right this time..." Another promise... She risked it with him once... even thou...