Prologue

289 14 4
                                    


"Miss sasakay ka ba o hindi? Kanina ka pa nakatayo diyan"



Yan ang tanong sakin ng konductor ng jeep. Kanina pa pala nakapara ang jeep mabuti nalang maaga pa at wala pa masyadong tao kaya hindi sila nagmamadali. Kung ano pa kasi pumapasok sa isip ko eh



"Ah, sorry po kuya may iniisip lang kasi. Sasakay po ako" Agad akong umakyat sa jeep. Yung driver chill lang sa harap habang nakikinig ng music. Napansin na niya na sumakay na ako kaya umalis na kami.



Lumingon ako sa labas, ang ganda talaga tingnan ng sunrise. Napakatahimik talaga basta umaga eh, kaya nga gusto ko talaga mag biyahe ng 5:40 am papunta ng paaralan.



Hindi maalis sa isipan ko na malapit na talaga ako papasok sa senior high, ilang buwan nalang ay makakaalis na ako sa pagiging junior high student. Hindi ko pa pinagisipan kung ano na strand ang kukunin ko kasi masyado ako nalilito kung stem ba o humss ang kukunin kong strand.



At dahil maaga pa, wala pa yung traffic kaya madali lang ako nakarating sa paaralan. Nagmamadali akong pumasok sa paaralan kasi gusto ko nang matulog sa room, sana ako pa yung tao doon para makatulog ako ng mahimbing.



Sino ba kasi hindi gusto matulog matapos umakyat ng ground floor hanggat 6th floor diba?



Tapos yung elevator hindi mo ma access kasi kailangan staff member ka para makasakay ka dun. Napaka-unfair! Nagbabayad naman din kami, eh. Ba't ganon?



Kahit araw-araw ko pa inaakyat yung hagdan pa punta ng 6th floor hindi ko parin masanay sarili ko, nakakapagod, pota.



"Oh, Tal nandito kana pala"



Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Lylia, yung pinsan ko, na kumakain ng sandwich as usual hindi talaga yan mawawala yung pagkain niya.



"Hindi ka ba nag almusal? Grabe bat may lima kang sandwich dala?" Tanong ko sa kanya sabay turo sa mga sandwich na nasa kamay nya, mabuti pa siya, kahit kumain siya ng kumain ay never talaga siyang tumataba.



"Oh come on, sino ba kasi hindi magugutom habang umaakyat papuntang 6th floor? Sabihin mo nalang kasi na gusto mo rin ng isa, sus nahihiya ka pa. O kunin mo na to" Sabi niya sabay bigay ng ham and egg na sandwich. Ito talaga siya eh, hindi naman lahat parehas sa kanya na gutomin bawat oras.



"Ay oo nga pala, have you heard? Tayo in charge sa graduation ball, dahil talaga to sa mga lalaki eh napakaingay pati tayo nadamay sa kalokohan nila" Inis niyang sabi sakin.

Paano Mag Mahal?Where stories live. Discover now