Play Date

7 3 1
                                    

Ava's Pov

Tuesday, June 12, 2012

"Congrats! Ava" mga sari saring pagbati ng mga bisita sa aming bahay.
May kaunti kasing handaan dahil sa naka-graduate na ako ng High School. Kung mamarapatin ay okey lang naman sa akin na hindi na maghanda.

I feel uncomfortable kasi pag may mga bisita at kamag-anak sa bahay. Dahil sa pakiusap ni mama, Ine-entertain ko nalang sila.

"Anak? Parang hindi ka naman ganoon kasaya?" bulong ni mama sa akin

"Ma, Masaya ako. Pero gusto ko nang makapagtrabaho para naman makabawi na ako sa inyo." bulong ko pabalik kay mama

Nagulat ako dahil sa tinawanan lamang ako ni Mama
Akala nya siguro ay nag bibiro lang ako

"Ano kaba, Hindi naman kami nahihirapan ng papa mo na sustentuhan kayong magkakapatid" sabay tawa ulit ni Mama

Hindi na ako nakapagsalita, itinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga bisita.

"Congrats Ava"

"Salamat sa Pagkain!"

"Congrats Ava, College kana! Hahahaha!"

"Ava! Congrats"

Natapos nadin ang kaunting pagsasalo salo, nagsiuwian na ang lahat at si Mama naman ay nagliligpit ng pinaghandaan

Ako naman ay pagod ang papikit pikit na ang mata

"Ma matutulog nako, ipagpabukas mo nayan ma" ang sabi ko kay mama

Hindi nya ako pinansin, tila ba nag-iba ang mood nya, mukhang marami siyang iniisip at hindi nya ako napansin.

Hinayaan ko nalang si mama at umakyat nako papunta sa kwarto ko, balak ko nang matulog at magpahinga.

Ipinikit ko na ang aking mga mata at nakatulog agad ako dahil sa pagod ko.


"Projectile Completed"

Si Allen talaga ka aga-aga ang ingay nanaman sa kwarto nya, Kainis!

"Hoy Allen! Tumahimik ka nga may natutulog pa dito!!" Sigaw ko habang nakapikit pa ang aking mga mata

Kainis baka hindi na ako makabalik sa pagtulog yare ka talaga saken Allen!

"Projectile Confirmation Needed!"

Ahh! di ka talaga tatahimik!

"Alle—Huh? Nasan ako?" nagulat ako sa pagbukas ng aking mga mata.

"Allen your pranks are not funny! Tigil mo na to, ayoko na pagod ako!" sigaw ko

Nasan nga ba ako? sa aking nakikita para akong nasa kawalan na nakaupo sa aking kama
Tanging ang kama ko lang ang nakikita kong bagay, ang dulo ng kinalalagyan ko ay kawalan na

"Alert! Projectile Confirmation Needed!"

Lalo akong nagulat sa mga nangyayari tila ba ang tinig na narinig ko ay nasa isip ko lang nag sasalita.

Gulong gulo ako sa mga nangyayari, Its too far para sa prank, Panaginip lang ba ito?. No way! its way too real!!!

Tumayo ako at nag simulang libutin ang paligid, sa bawat hakbang ko ang tanaw ko sa aking kama ay unti-unting nag lalaho.

Naglakad lakad pa ako at napagtanto na nasa kawalan na ako. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko

Baka patay nako? eto naba yung afterlife? eto na ba ang katapusan ko? ni hindi ko man lang natupad ang mga gusto kong gawin sa buhay ko.

Full of regrets, fear, and questions

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa may biglaang lumitaw sa aking harapan.

Mga letra na prinoproject ng isang bagay. Ngunit hindi ko matukoy kung saan nanggaling ito. Bigla nalang itong lumitaw ng parang mahika

'Play Date?' ang sinasabi dito

"Hello!?!? Biro ba to? Play Date? What do you mean?" sigaw ko

Nagulat ako dahil may biglang sumulpot muli na mga letra

'Yes or Yes?' ang sinasabi dito

Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari. Sinubukan kong hawakan ang mga lumilitaw na letra na ito.

Tama ang hinala ko isa lang itong ilaw na prinoproject ng projector. Ngunit hindi ko mahanap kung nasan ang projector.

"Projectile Confirmation Completed"

Bigla nalang akong inantok hanggang sa bumagsak nalang ang katawan ko.




"Gising na, Hello? You sleep like a log, damn it!"

"Gising na ba?"

"Ikaw nga gumising!"

"Maybe she dead? Hahaha!"

"Hoy tumigil ka nga! Ansama mo talaga!"

"Well pag namatay sya hati-hati tayo sa card nya"

"Idiot!"

"Ayan na gising na sya!"

"Hi! Bago ka din dito?"

Huh? Nasaan uli ako? sino tong mga to?!?!?!!

"Lmao she look confused, Cute!" Sabi ng lalaking isa sa mga gumising sa akin

What the fuck, am I being kidnapped?

"Yoohooo! Wake up sleepy head! I said Hi!" reklamo ng babaeng nasa harapan ko

"Magkano ba ang kailangan ninyo?!?" kinakabahang tanong ko

Nakita ko ang kanilang mga mukha, They look so confused

"Ano bang ginawa ko? para gawin nyoto? May ginawa ba ang pamilya ko? ha?" muling tanong ko

"Hahahahahaha!! What the freak, what are you talking about?" tanong sa akin ng isang lalaki

Ang mga dumukot sa akin ay lima, sa abot ng aking makakaya tatandaan ko ang mga mukha nila sakaling iligtas ako ng mga pulis!

Dalawang lalaki at tatlong babae.

"I was kidnapped, uhm...wasn't I?" naguguluhang tanong ko sa kanila

I was shocked.

Lahat sila ay nagtawanan, they didn't take me seriously. Annoying.

"Mukha ba kaming kidnapper sayo? Hahahaha!" sinabi ng lalaki sa akin

"Oo" taas noo kong sinabi sa kanya

Tumingin ako sa mukha nya, he look annoyed.

Deserve!

"Can someone tell me what is going on? Nasaan ako? Baket ako nandito? Sino sino kayo? Nasaan ang mga pamil—

"Whoa whoa! Chill mamaya namin sasagutin lahat ng tanong mo ang mahalaga gising kana" ang sinabi ng babaeng nasa harapan ko

Eh? Im speechless.

"Tara na" sabay inabo ng babaeng nasa harapan ko ang kamay ko

I just followed them kung saan nila ako dadalhin, Why? i have my faith, and sinabi din nila na sasagutin nila ang mga tanong ko, means they know something.

Napagalaman kong nasa isang mataas na gusali kami, masasabi nating maiihalintulad sya sa Condo ngunit mas advance ang teknolohiya dito at mas maganda ang desenyo dito.

Nakalabas na kami ng gusaling pinanggalingan namin ngunit wala parin silang sinasabi ni isang salita

Mas lalo akong naguluhan ng nasa labas na kami, where in the world am i???

Imposibleng may lugar na ganito! nasa future na ba ako?

Robots?

Flying Drones?

Technology Cars?

All I can say is that everything you see here is popular and advanced.

Everything is technology. That's it!

"Nandito na tayo" nalulugod na sinabi ng babae na hanggang ngayon ay hawak hawak padin ang kamay ko

Pumasok kami sa isang malaking gusali

Pagpasok namin ay maraming tao dito at mas lalo akong nagulat dahil sa sobrang laki at lawak ng gusaling ito.

"Nasan tayo?" tanong ko sa mga kasama ko

"Nasa Lobby tayo, We're here para mag attendance." tugon ng babaeng dala dala ang kamay ko kanina

"Attendance?" tanong ko muli

"Yes Attendance, bago ang lahat im Ally!"

Ally pala ang pangalan nya.

"Leo" banggit ng lalaking na offend ko kanina

Hahahaha! di ko naman sinabing pangit sila, ano bang required na itsura ng mga kidnapper?

"Justine" banggit ng isa nilang kasama na lalaki

"I'm Ali! Don't forget about me" pagpapakilala naman ng isa

"Axzel, silent Z" pagpapakilala naman ng last nilang kasamang babae.

They look fine, all black hair, same uniforms

Leo has a two block cut, Ally has a rebonded hair, Axzel has a curly short hair, and Ali has a short wavy hair.

"Ava, that's my name" pagpapakilala ko din sa kanila.

All of them, Axzel is the finest speaking of looks

Also im fucking scared kung paanong ang suot ko ay uniform din katulad ng sa kanila, im just overthinking sino ang nag bihis sakin??

"Then Ally explain me what is happening, sino sino tong mga taong to? anong meron?" tanong ko

"Well sa nakikita mo ngayon nasa lobby ka, lahat ng students ay nandito para sa attendance, nakikita mo ba ang mga robot na ito, they take attendance and they also check if ilang points and Play Date cards ang meron ka"

Wait, Play Date? Katulad ng...

"Play Date Cards? Points?" tanong ko muli kay Ally

"Yep! Basically ang mga bagong dating dito ay may tatlong Play Date cards, and about points, You need to earn points para sa rankings, you need to use Play Date cards sa kung sino man dito ang gusto mong maging kalaro, at kapag nagustuhan ka nya or nahulog ang loob nya sa iyo definitely magkaka points ka. If ikaw naman ang nagkagusto sa kanya then you need to surrender your Play Date card sa kanya, so madadagdagan ang Play Date cards nya" sagot nya

"Ano bang mangyayari if maubos ang Play Date Cards ko?" tanong ko muli

Sa tanong kong ito biglang nag-iba ang mukha nila

"Death" tugon ni Axzel

Nagulat ako, ngunit hindi ko maintindihan ang nais sabihin ni Axzel

"If naubos ang Play Date Cards mo you need to die, it means you're not belong here" singit ni Leo

"Death in such a cruelty way" seryosong sinabi ni Ali

This is ridiculous

"Ally, So we're students?" tanong ko

"Maybe?" tugon nya

"Well, a person who is studying at a school is what you call a student, but here its different, we don't learn about science, calculus, and all the learnings we learn at school" paliwanag ni Leo

"Exactly, we learn about how to Play Date, once you started it you need to finish it, there's no escape" sinabi naman ni Justine

"So as you can see, damdamin ang labanan dito, once na nagkagusto ka talo ka" ani ni Ally

"What if I don't want to?! Gusto ko nang umuwi, baka nag aalala na ang mga magulang ko" pagmamaktol ko

"No one knows, lahat kami dito walang maalala kung paano kami napunta dito, We just learn how to accept our fate in here, we play to survive" sabi sa akin ni Ally

"We dont even know kung anong tawag sa lugar na ito" ang sinabi naman ni Justine

"Basta ang tatandaan mo lang ay ingatan mo ang play date cards mo, anyone can stole it from you" paalala ni Axzel

"I can lend you one if isa nalang ang Play Date Cards mo" nakangiting sinabi ni Axzel

"Huh?! pano naman ako Axzel?" paawang sinabi ni Leo

"Shut up you already have 9" sagot ni Axzel dito

"Hahahahaha! Actually Axzel have 11 of play date cards kaya madali nyang nasasabing bigyan ka, dahil sya na ang pinakamatagal na nandito sa aming lima, si Justine naman ang pangalawa sa mga nagtagal dito and yet she only have 4 play date cards" ang sinabi ni Ally

"Hoy ally!! alam mo namang nbsb ako kaya wala akong alam sa mga date date na to!" depensa ni Justine sa kanya

"Hahahahaha! okay okay fine" natatawang sinabi ni Ally

"Ally only have 6 play date cards and she think she's safe Hahahaha!" pang-aasar naman ni Leo

"You! Shut up! You know what one day I'm gonna stole you're play cards so you can die in peace, sorry not sorry!" naiinis na sinabi ni Ally

"Ali has 7 play date cards if you want to know" bulong sa akin ni Axzel

"Uhm guys, so nasaan ang play date cards ko?" tanong ko sa kanila

Silang lima ay natahimik

"Err We don't know" makikita mong kinakabahan si Ally

I AM FUCKED UP

"Inspect Completed, Your play date cards are in your pocket"

Lahat kami ay napalingon isang robot ang nagsabi nito

Tinignan ko ang bulsa ko, naroroon nga ang Play Date Cards

"Attendance na" tugon ni Ally

Ang robot ay nagsagawa ng inspeksyon at inililista din nya ang mga inpormasyon, puntos at Play Date cards na mayroon ka sa pamamagitan ng kanyang Saved Data. Para siyang buhay na Computer

"Axzel—Female—11 PDC—80 PTS—Saved Data
Justine—Male—4PDS—10PTS—Saved Data
Leo—Male—9PDC—70PTS—Saved Data
Ali—Femaile—7PDC—40PTS—Saved Data
Ally—Female—6PDC—20PTS—Saved Data
Ava—Female—3PDC—0PTS—Saved Data" banggit ng robot

"Attendance Completed!" ang sinabi ng robot sabay umalis at nag tungo sa ibang grupong tao.

As i can see, may kanya kanyang group of friends ang bawat isa

May kakaunti, at may mga marami naman

"So, Paano kayo naging magkakaibigan?" tanong ko sa kanila

"Actually si Ally talaga ang friendly samen at siya ang nagrupo grupo samin, mas better nayon! Hahahaha dahil ang bawat isa naman sa amin ay walang kaibigan noon" sagot ni Justine

"True, Naalala ko noon kadadating palang dito ni Ally, Confused and Scared pero she still manage to get friends which is kami yon Hahahahaha" ani naman ni Leo

Nangingiti naman si Ally sa kanilang mga sinasabi

"And now, kaibigan kanadin namin Ava, I hope you dont feel out of place and uncomfortable" sabay yakap sa akin ni Ally

"We will survive in this kind of world, walang maiiwan!, lahat uuwi sa kanya kanyang bahay ng ligtas at buhay" dagdag ni Ally

I guess I can trust them

kahit ako hindi ko maintindihan kung anong klaseng mundo ang ginagalawan namin, how nonsense kung paano ang pamumuhay dito, Play Date? What kind of game is this, It can be compared to a children's game and yet our lives depend on it.



"Newbie?" tanong ng isang lalaki sa amin

May isang grupo ang lumapit sa amin, kung bibilangin 13 silang lahat

"So what? coward guy, anong kailangan mo?" masungit na sinabi ni Ally

"Shut the fuck up, Bitch hindi ikaw ang tinatanong ko" naiinis na sinabi ng lalaki

"Yes, I'm Newbie anong kailangan mo?" tanong ko dito

bigla akong hinila ni Leo patungo sa kanya

"His name is Zel, Rank 48, already has a 59 PDC and ang mga target nya ay mga newbie na katulad mo" bulong sakin ni Leo

"Mabilis siyang nakasama sa Top 50 dahil sa marami na syang pinanalong play date at halos sa mga natalo nya ay ang mga Newbie na katulad mo,iniisip nyang wala kang alam, pwede mo naman siyang tanggihan if he ask to Play Date" paalala ni Leo sa akin

so kilala nila tong lalaking to, Zel Top 50 and target nya is newbie na katulad ko

Pumupukaw ng atensyon ang pagpunta ni Zel sa amin, kaya may mga taong pumunta rin dito upang masaksihan kung ano ang nangyayari

"Is this Zel really that popular?" tanong ko kay Leo

"Not that popular, Actually kapag nakapasok kana sa Top 50 may mga taong nang nakakikilala sa iyo dahil kasama na ang pangalan mo sa Billboard na nasa labas" sagot nya sa akin

"Ava, right?" tanong ni Zel

Nagulat ako, nalaman nya agad ang pangalan ko ng di ko sinasabi

"Yes, what's your business here?" tanong ko kay Zel

"Obviously, I would like to play date to you" sabay ngisi ni Zel sa akin

Disgusting

"No!, Hindi sy—

"Ally right?, can you shut up? that's why no one asks you to play date because you're such a brat" naiinis na sinabi ni Zel

Natahimik nalang si Ally, siguro totoo ang sinabi ni Zel na walang nakikipag play date sa kaniya, pero who knows, ally was just being protective

"Ava, pwede ka namang tumanggi, gagawin ka lang nyang..." ang paalala ni Ali

ang lahat ay nag aantay sa desisyon ko na gagawin ko


Should I playdate?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Play DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon