I am walking in the middle of the night unsure of where am I really going. Sumulyap ako sa suot kong wristwatch.
It's already eleven in the evening. A very cold evening.
Bitbit ang isang duffle bag sa kaliwang kamay at hila ang isang malaking maleta sa kanan ay ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Habang naglalakad ay nag-iisip ako , nagmumuni-muni kung ano na nga ba ang gagawin ko sa buhay ko.
Funny because I was just a fifteen year old girl. Dapat ay hindi ko pa pinoproblema ang buhay ko. Dapat sa ganitong oras ay nasa loob na ako ng aking silid at mahimbing na natutulog. Ganon kasi yung buhay ko dati eh.
I was a normal girl before.
Before the tragedy that happens to my family.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa aking mga pisngi pero hindi ko na iyon pinagkaabalahang punasan. Wala namang makakakita sa akin ngayon kaya pwede akong maging mahina. Pwede kong ipakita ang totoong nararamdaman ko.
Napangiti ako ng mapait ng unti-unti kong maramdaman ang mahinang pagpatak ng ulan.
"Are you here to comfort me?" I whispered. I raised my face to the heaven to feel the rain.
And just like before , ang bigat na nararamdaman ko ay biglang gumaan. Ang ulan ang lagi kong karamay sa mga ganitong pagkakataon.
Nakangiting nagpatuloy na ako sa paglalakad. Tinatahak ang daan pabalik sa mansion. Sa mansion kung saan nagsimula ang lahat. Sa mansion na ayaw ko na sanang balikan.
But I have no choice. Iyon lang ang tanging lugar na kaya akong tanggapin.
It was located at a private village , sa pinakadulong parte ng Villa del Cielo. Medyo madilim na ang paligid dahil ang mga kabahayan dito ay inabandona na rin ng kani-kanilang mga may-ari.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Wala akong maramdaman ni katiting na takot. Siguro dahil mas nakakatakot pa ang naranasan ko kaysa sa kahit anong masasamang elemento na kinatatakutan ng mga tao.
Bago makarating sa mansion ay kailangan munang dumaan sa isang tulay. Sa ilalim noon ay isang manmade river. Maikli lang ang tulay pero mataas iyon.
Pwede na para sa mga suicidal na tao.
Katulad nalang ng lalaking nakatayo sa taas ng railings ng bridge ngayon.
Hindi ko mabistahan ang edad niya. Ang sigurado ako ay lalaki siya.
Humakbang ako palapit sa lalaki hoping na makumbinsi ko siyang huwag ng ituloy ang balak. I can't stand seeing another person wanting to throw away his/her life samantalang napakaming tao sa mundong ito ang humihiling na mas humaba pa ang kanilang buhay.
I walked towards him silently , careful not to make any noise na baka ikagulat niya.
Ng makalapit ay nagulat ako ng bigla siyang magsalita.
"Go away . . . leave me alone" mahina man ay dinig ko ang malamig niyang tinig.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at humakbang pa ng kaunti palapit.
"P-please , whatever you are thinking right now . . . wag mo nang ituloy . . . " I tried to stay calm kahit na nanginginig na ang katawan ko sa takot.
Hindi niya ako pinansin. Nanatili lang siyang nakatayo sa itaas.
Napakunot noo ako ng mapagmasdang maigi ang lalaki. He's wearing a hospital gown. Marahil ay pasyente siya ng Montegrande Medical Hospital na malapit lang sa lugar na ito. May benda siya sa ulo at pati na rin sa kamay. Mukhang wala siya sa katinuan.
I suddenly felt the need to save him. I don't want him to end up like my parents. I don't want to see someone took his own life right before my eyes again.
Never again!
That's why I will try to do my best to save this person. I must save him!
"I am all alone now"
Natigil ako sa pag-iisip ng muli siyang magsalita. Mahina ngunit puno ng paghihirap ang tinig niya.
"I am all alone too you know" I said as I took another step closer. Ngayon ay nakahawak na ako sa railings na tinutungtungan niya.
Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin kaya nagpatuloy ako.
"My parents took their own lives and even tried to kill me too. They put poison in my food. I mean . . . how can they do that to me? To their own daughter?" ramdam ko ang panginginig ng tinig ko. Unti-unting bumabalik sa isip ko ang mga nangyari. Hanggang ngayon ay malinaw pa sa balintataw ko kung paano binaril ng daddy ko ang mommy ko at pagkatapos noon ay saka niya binaril ang sarili.
It's funny how people say that I'm lucky dahil imbes na barilin ay naisipan nalang ng mga magulang ko na pakainin ako ng pagkaing may lason.
Should I really have to be thankful sa pagiging considerate nila? Nilason man o binaril , it's the same thing. They wanted me dead.
But I don't want to die. I don't want to waste the life that God has given me. I want to live . . . . and be happy.
"Y-you're parents tried to kill you?" natigilan ito.
Malungkot akong tumango. "Yes , it's all over the news. It's the Del Cielo family suicide case. I am the only survivor"
"H-how did you survived?"
"I think it's my will to live. And also because God had listened to my desperate prayers"
"Do you think God really listened when we pray?" mapait nitong tanong. "If He realy do listen then then why did He let my mom and my sister die?"
Napatitig ako sa kanya at kahit sa kadiliman ng gabi ay nakikita ko ang pagkislap ng mga luha sa kanyang mga mata.
"I prayed so hard you know . . . I begged him na ako nalang ang kunin niya but did He listen to me?" umiling siya. "No He didn't"
"Everything happens for a reason" mahinang sambit ko. Mahirap man ang aking mga pinagdaanan ay naniniwala ako sa kasabihang iyon. May rason kung bakit nangyayari ang lahat.
At may rason rin kung bakit ako buhay ngayon.
"Really?" sarkastikong saad niya. "What reason? Why? Bakit kailangang mangyari sakin to?"
Malalim na bumuntong hininga siya. "Hindi ko din alam"
Kahit ako sa sarili ko ay hindi masagot ang kanyang mga tanong.
Bakit nga ba?
YOU ARE READING
Meet You On A Rainy Day
RomanceNovelle Ramos aka 'L' is a famous novel writer. She writes stories that's full of hope love and happiness. Stories that does not reflect her life. In reality , Novelle was alone sad and miserable. But despite all that , Novelle wants to live. She...