Kasalukuyan

2 0 0
                                    

           Ngayon dito na kami nakatira sa tita ko kapatid ng mama ko noong una nahihiya pa kami makipag-usap kasi minsan lang kami makapunta dito sa lugar nila tita. Napaka swerte namin kasi sobrang bait nila at maayos yung pakikisama nila sa amin. Lumipas ang araw medyo nakasanayan na namin kala tita at meron na din kaming nakikilala na bagong kaibigan. Ang lugar nila tita malapit lang sa ilog at highway kaya may place na pwede kang mag gala. Kaya naman uso din mag arkila ng bike 10 pesos per hour astig noh pero sa katunayan hindi pa ako marunong magbike kaya naman lagi nasusugatan yung mga tuhod ko at siko. Pero go pa din sa paglaro kasi masaya at nakakalimutan ko yung paglisan ng magulang namin dahil sa problema.

"Gab ano na laro naman tayo ng taya tayaan nayaya ko na yung iba " anyaya ng isa sa naging kaibigan ko dito.

" Sige game ako dyan " masayang pagsang ayon sa aking kaibigan.

Kaya naman kami ay puwesto sa dulong parte ng kalsada o daan na malapit sa highway at merong mga sasakyan ng nakaparada na nagdedeliver ng mga isda ayon kasi yung pinagkikitaan ng karamihan dito sa aming lugar. Nag-umpisa na ang aming laro pagkagalak ang aking nararamdaman sa oras na iyon na kahit may problema sa pamilya ay nadarama ko pa din ang maging isang bata.

Pagkauwi sa bahay ay puro sugat at dumi ang makikita sakin dahil nasobrahan ng laro di ko na napansin ang pinaggagawa ko. Pero atlis masaya ang araw na iyon.

" Oh anyare sayo ba't ganyan ang itsura mo naman Gab " bugad sa akin ni tiya pagkauwi ko sa bahay.

"Nag kasayahan lang po sa paglalaro ng taya tayaan doon po sa may dulo   " ngiting nagkakamot ng ulo aking nagawa.

" Ahh gano'n ba sige maglinis ka na ng katawan at malapit ng matapos ang niluluto ko"  at bumalik na sa kusina si tiya.

Kaya naman umakyat na ako sa itaas para kumuha ng pamalit na damit. Pagkatapos ko maglinis umupo na ako at itinabi ko sakin ang kapatid kong maliliit at nagsimula na kami kumain. Pagkatapos ng pagkain ay naghugas na ako ng kinainan dahil yun lang ang maitutulong ko kala tiya sa libre nyang pagpapatira n'ya dito sa bahay. Umakyat na kami at nag banig para makatulog na ang mga kapatid ko at nagtabi na kami sa higaan dahil di naman sobrang laki ng tirahan ni tiya kaya medyo masikip talaga pag oras na ng tulugan. Katabi ko ang maliit ko na babaeng kapatid at sa sunod ay dalawa kong batang kapatid na lalaki. Kinabukasan ay araw ng linggo kaya naman ay maaga kaming nagising para magsimba kumain muna kami ng agahan at inasikaso ko ang tatlong kong kapatid na maliit. Naglakad lang kami papuntang simbahan dahil ito ay malapit lamang. Sa misa ay payapa at nanalangin na sanay mawala at matapos na ang problema sa aming pamilya dahil miss na miss ko na sila mama at papa lalo na ang mga kapatid ko nangungulila na sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fear to called Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon