Kabanata III

5 1 0
                                    

Isang araw matapos ang pagbagsak ng Strata,

Kaharian ng Atem,

Sa ibayo ng lupain ng Cerubia ay ang napakalawak na karagatang naghihiwalay dito sa makapangyarihang kaharian ng Atem.

Sa gitna ng napaka-abalang araw para sa kaharian ay isang pulong ang nagaganap sa Punong-himpilan ng sandatahang-lakas ng Atem

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sa gitna ng napaka-abalang araw para sa kaharian ay isang pulong ang nagaganap sa Punong-himpilan ng sandatahang-lakas ng Atem.

Dumalo ang ilang matataas na opisyal ng militar at hindi mawawala sa pagpupulong ang hari nito, si Haring Aris, ang binatang hari ng Atem.

Tila naka tutok ang mga dumalo sa araw dahil sa kintab ng gintong korona gayun din ang kasuotan ng hari. Pati na rin ang kaniyang nakababatang kapatid na si Prinsipe Porto na kasali sa pagpupulong. Halos magkamukha ang dalawa liban sa balbas ng nakatatandang kapatid.

Sila'y nagpupulong sa isang malaking bilog na lamesa na may mapa ng buong kalupaan ng mga kaharian at may mga piraso ng mga tore, kabayo, at mga kabalyero na tila ba isang laro ng tses.

Habang nagaganap ang pulong ay may isang kabalyero ang patungo sa silid na kinabibilangan ni Haring Aris at ng mga opsiyal.

"Kahit gaano ka-estratehiko ang heograpiya ng ating kaharian, kapag dumating ang araw na sasalakay ang lumalaking imperyo ng Cerubia... mataas ang posibilidad na tayo ay matata-"

Giit ng isang opisyal.

Napatigil ito sa pagsasalita nang magambala ang lahat dahil sa biglaang pagbukas ng pintuan at pagdating ni Heneral Constantine, dala-dala ang isang mensahe para sa lahat na dumalo sa pagpupulong.

"Bumagsak na ang Strata!"

Ang pag-uulat ni Constantine.

"Anong sinabi mo!? "

Laking gulat ng isang heneral at napatayo sa kinauupuan nang hindi makapaniwala nang marinig ang masamang kinahinatnan ng kaalyado nilang kaharian.

"Hindi maari!"

Bulong ni Prinsipe Porto sa sarili nito na may halong pagkasindak.

"Imposible!"

Siya ring pagkasindak ni Haring Aris at napatayo sa kinauupuan pati na rin ang ibang opisyal.

"Ayon rin sa ulat na aking nakalap ay namataan din ng ilang mamamayan ng kaharian ng Weelo ang laki ng bilang ng mga kabalyero mula Rangarde na naka destino sa Cerubia, mukhang may nangyayaring kalakaran sa dalawang iyon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ParagonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon