CHAPTER 11. VISIT

1.7K 54 3
                                        

Alas singko ng umaga.
Wala akong pasok ngayon. Gusto ni Sir Drake na makapag-prepare lahat ng empleyado para sa birthday celebration niya mamayang gabi. Ayon kay Kath-isa sa mga ka-trabaho ko-marami raw talagang dumadalo tuwing birthday ng aming boss. Mga galing sa mayayamang pamilya, mga business partners niya, at kung sinu-sinong sikat na personalidad.

Kaya lalo akong kinakabahan.

Lutang ako buong gabi-iniisip kung pupunta ba ako o hindi. Wala akong matinong damit. Puro luma, puro simpleng kasuotan lang ang meron ako. Magastos ang gumayak. Kailangan maganda ang suot mo para hindi mapag-isipan ng masama, para hindi ka pagtawanan. Para hindi ako magmukhang kawawa.

Napatigil ako sa pagmu-muni-muni nang mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.

Nadia's calling.

Ano na naman 'to? Inis kong sinagot ang tawag niya.

"Oh, bakit ka napatawag?" tanong kong walang gana. Sigurado akong mangungulit na naman siya.

"Hoy, babae! 6:30 ang start. Dapat pagdating namin diyan, ready ka na ha? Sasabay ka sa amin ni Liana. Pupunta tayo sa birthday ni Drake!"

Sigaw niya iyon-parang wala na talaga akong kawala.

"Sige." Maikli kong sagot, malamig ang tono.

"Anong sige lang ha?! Dapat naka-"

Hindi ko na siya pinatapos. Pinatay ko na lang ang tawag. Wala akong energy makipagsabayan sa kasigasigan niya.


Tatlong buwan na akong buntis.

At kahit wala pang diretsong sinasabi ang mga kasama ko sa trabaho... ramdam kong may mga nakakahalata na. Tinatanong nila ako paminsan-minsan, at nginitian ko lang sila-pilit, para lang matapos ang usisa.

Pero alam ko, darating ang araw na hindi ko na ito maitatago. Lalaki ang tiyan ko. Lalabas ang sikreto ko. At kapag nangyari 'yon... paano na?

Wala ang ama ng batang ito.

Wala siyang alam. Wala siyang balak malaman.

At natatakot ako-na husgahan, pagtawanan, at talikuran. Dahil sa mata ng mundo, isa lang akong babaeng nagkamali. Isa akong estadistikang dagdag sa listahan ng mga iniwan at pinabayaan.


Tuwing naiisip ko 'yon, parang gusto kong itama ang lahat.

Pero wala akong magawa kundi tanggapin ang totoo.

Ito na 'yon. Ito na ang buhay ko.

Nakakapagod. Nakakasakal.

Parang gusto ko na lang maglaho. Tumigil ang mundo. Huminto ang lahat. Gusto ko lang humiga at magpahinga... kahit sandali lang.

Pakiramdam ko ako na ang pinaka-kaawa-awang tao sa mundo.

Parang pasan ko ang lahat-galit, takot, hiya, lungkot. Sumasakit ang dibdib ko kakaisip, pero walang nakakarinig.

Isa-isang bumagsak ang luha ko.

Tahimik. Mabigat.

Wala akong magulang na sasalo sa akin. Wala akong bahay na matatakbuhan. Wala akong yakap na makakapagsabing, "Anak, ayos lang 'yan. Nandito lang ako."


Mama...

Namiss kita.

Akala ko noon, kaya ko na-na kaya ko kahit wala ka.

Pero tuwing malungkot ako, ikaw ang unang pumapasok sa isip ko.

Naalala ko pa kung paano mo ako napapangiti tuwing nakasimangot ako. 'Yung boses mong palaging kalmado. 'Yung haplos mo sa likod ko kapag umiiyak ako sa gabi.

GOT PREGNANT BY THE CEOWhere stories live. Discover now