19

46.2K 1.3K 187
                                    

AGNELLA TELESE


Tiningnan ko maigi ang sarili kong repleksyon sa malaking salamin. Kuntento na ako sa itsura ko. Naglagay lang din ako ng light make-up at nagsuot ng off shoulder white dress na hanggang hita ko lang ang haba. Ayos na siguro itong suot ko kaysa magmukha akong dugyot.

Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan. It's just a dinner date, humingi lang naman ng pabor si Ales. Wala akong dapat ikabahala o ikatakot. Hindi naman niya siguro ako ipapa-salvage.

At isa pa, pagkatapos ng dinner date namin ay pwede na akong umuwi. Wala namang problema kung pagbibigyan ko siya sa kanyang kahilingan. Maybe he just wants to be with me or just to bond even just tonight bago ako bumalik sa Washington.

"Talagang pinagbigyan mo siya sa hinihingi niyang pabor?" salita ng kaibigan kong si Angelica sa kabilang linya kaya na tauhan ako.

Muntik ko na makalimutan na kausap ko nga pala siya sa cellphone. Kung saan-saan na naman kasi lumilipad ang isip ko.

"Yup. Hindi naman kasi ako madamot para hindi ko siya pagbigyan sa hinihingi niyang pabor. Wala naman sigurong masama kung pagbibigyan ko siya, 'di ba?" sagot ko habang sinusuklay ko ang mahaba kong buhok.

Alam ni Angelica ang totoo at na kwento ko sa kanya ang tungkol sa hinihinging pabor ni Alessandro. Binigyan din ako ni Ales ng kaunting oras para mag-ayos ng sarili. And Ales wants this night to be special.

"Are you serious, Agnella Telese? Baka nakakalimutan mo na 'yang makaka-dinner date mo ngayong gabi ay ang stepfather mo. Magiging asawa ng Mommy mo. Kung hindi lang kita kilala baka inisip ko na baliw ka na."

Naging dahilan iyon para matawa ako ng mahina. Ititigil ko na rin ang mga plano ko sa kanya at kay Mommy.

"It's just a dinner date. Hindi ko binibigyan ng malisya 'yon. At isa pa, simula bukas ay hindi na kami magkikita. Makakalimutan ko na rin lahat ng pinaggagawa niya pati ang kahibangan ko. Magsisimula ako ng panibagong buhay sa Washington. Hindi na ulit magku-krus ang landas naming dalawa," mahaba kong sabi.

Mabilis kong binitbit ang aking sling bag. Lumabas ako sa banyo at agad chineck ang orasan na nakasabit sa dingding, 8 p.m na. Baka kanina pa naghihintay si Ales sa sala.

"How about Kylier? Nasabi mo na ba sa kanya 'yung tungkol sa dinner date n'yo ng lalaking 'yan?" Angelica asked, so I stopped.

Nabanggit ko na nga rin pala sa kanya ang tungkol kay Kylier. Masyadong mapilit itong si Angelica, kaya no choice ako kung 'di ikuwento sa kanya ang mga nangyari sa akin dito sa Pilipinas.

Hindi ko rin pa pala nababanggit kay Kylier ang paglabas namin ngayong gabi ni Ales. Nangako ako kay Kylier na hindi na ako magtatago ng kahit na anong sekreto sa kanya lalo na kung pagdating kay Alessandro.

And I don't want to break my promise to him. Pinagsabihan niya rin ako na huwag na akong makipagkita sa kay Ales at baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon. Pumayag naman ako dahil para na rin sa kapakanan ko 'yon, pero masyadong matigas ang ulo ko.

"Sasabihin ko rin sa kanya mamaya. I need to go, baka naiinip na si Alessandro sa sala," tangi kong sagot.

Tatawagan ko na lang si Kylier mamaya para ipaalam na kasama ko si Ales.

"Wait, what? Alessandro? Iyan ba ang pangalan ng stepfather mo? What is his surname by the way?"

Tumaas ang isa kong kilay. Bakit bigla siyang na curious  kay Ales?

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon