SALAMIN! SALAMIN!
Isang napakaginaw na hangin ang bumungad sakin. Pagkaapak ko sa aming tahanan. Puno ng kasinungalingan ang bumabalot sa tahanang ito. Hindi mo alam kong ano ang katotohanan sa kasinungalingan. Hindi mo alam kong sino ang dapat paniwalaan.
"Alexa! Linisin mo ang kwarto ko! Alexa napakatamad mo talaga!!" sigaw ng aking kapatid.
"Alexa labhan mo itong mga damit!!" sigaw ni Ate.
"Alexa!! Magsaing ka na dun!!" sigaw ni Ina.
Sabay-sabay nilang sigaw sa akin. Kaya, hindi ko malaman kong ano ang uunahing gagawin.
Papalapit na sa aking si Ina na parang nagliliyab sa galit at may dala syang latigo.
"Alexa!!! Napakatamad mo talagang bata ka!!! Sana hindi nalang kita naging anak!! Halika dito sa kwarto mo!!!"
Sabunot sa buhok. Sampal sa magkabilang pisngi. Latigo sa katawan. Yan ang palageng ginagawa ni Ina sa akin. Kaya nasanay na ko at naging manhid sa sakit na dulot ng kanyang pisikalan nyang pananakit sakin.
"Darling! Tama na yan! Kawawa naman ang bata!" sigaw ng aking ama na aking tagapagligtas, subalit may nakatagong sekreto sa likod ng kanyang maskara.
"Pagsabihan mo yang anak mo Jonas!!!" mga salitang ihinabilin ni Ina bago umalis. Mas mabuti nalang sana yung nilalatigo ako. Kung saan mawawala din naman ang sakit sa susunod na araw. Pero mas masahol si Ama kay Ina.
"Maligo kana may pupuntahan tayo!"
"Ayaw ko po. Ama ayaw ko na po! Pagod na ko!"
"Anong ayaw!!! Gusto mo bang mamatay?!"
"Sige na maligo ka na don!! At may naghihintay na sayo sa bayan!!"
"Ayaw mong maligo? Baka gusto mo yung mga kapatid mo nalang?"
"Maliligo na po ako." hindi na ko nakapalag at naligo nalang. Ayaw kong maranasan ng aking mga kapatid ang buhay ko.
Makalipas ang ilang minuto, natapos na ko sa pagligo.
"Ang bango mo naman!" halakhak lang ni Ama ang narinig ko. Halakhak na alam kong gagawin na naman nya ang kanyang mga ginagawa sa akin. Ang pambababoy sa sarili nyang anak.
"Ama wag po!!! Palayain nyo na ko sa bahay na ito!!"
"Tumahimik ka dyan hindi kita anak!"
"Hi-hin-di n-nyo k-ko a-anak?" hikbi kong tanong sakanya. Kaya pala ganito ang trato nila sa akin. Kaya pala walang pagmamahal.
"P-paano?"
"Dami mong tanong!! Oo hindi ka namin anak. Dahil binenta ka samin ng mga magulang mo. Kahit ano pwede daw naming gawin sayo. Kahit ano! Kahit pa paglaruan, wala silang pakealam!"
Napahagulhol nalang ako sa aking nalaman. Kalungkutan. Kasakitan. Galit. Tatlong salita na aking nararamdaman. Ang sakit na mismong mga magulang ko ay walang pakealam sa akin, na binenta lang nila ako. Sana ay hindi nalang nila ako binuhay kong ito naman ang buhay na ibibigay nila.
"Kaya bagay lang sayo ang mga ito!"
May dalang kutsilyo ang aking kinilalang ama, at sinubukan ako saksakin. Nanlaban ako sakanya subalit malakas sya. Hindi ko sya kayang pantayan. Subalit tila niligtas ako ng mga butil ng tubig, kaya siya ay natumba at tumama ang ulo sa sahig. At parang may mahika na nagpagalaw sa kutsilyo dahil sa pagbagsak nya'y tumarak ito sa kanyang tiyan.
Dumaan ang ilang mga minuto. Sumisigaw ako ng tulong. At pilit na pinipigilan ang pagdurugo ng sugat ni Ama. Hindi ko alam, dapat na sana akong umalis. Dahil pagkakataon ko na ito subalit naawa ako kay Ama.
"Darling!!! Asawa ko!!! Alexa anong ginawa mo sa iyong ama?!!! Ba-bakit mo sya pinatay?!! "
"Ipapakulong kita Alexa!!"
Sana pala umalis na lang ako. Sana pala hindi ko na sya sinubukang iligtas. Sana pala naging matigas nalang ako. Gusto kong sabihin sa aking ina na hindi ako ang pumatay. At pilit ko syang binuhay. Pero sino ba maniniwala sa akin? Wala.
Tinawag nya ang aking mga kapatid. Paulit-ulit akong nanlaban subalit mas malakas si Ina. Kaya wala akong nagawa, hanggang sa nagapos nila ako.
Dumating na ang mga pulis na tinawag ni Ina kanina.
"Siya si Alexa! Ang taong pumatay sa aking asawa! Nakita namin ang pagsasaksak nya. At nakita ko rin syang nagnakaw ng aming pera. Mabuti nalang at nahuli ko sya, at hindi nakawala!!"
"Hayop ka talaga Alexa!! Wala kang utang na loob sa ating pamilya!!!" paulit-ulit nilang sigaw sa akin.
Sinabunutan nila ako. Pinagmumura. At pinagdidiin sa krimeng hindi ko naman nagawa.
"Hi-hindi po yan totoo!!" sigaw ko sa kanila at pilit na ipinagtatanggol ang aking sarili. Subalit, tila sila ay mga bingi at walang naririnig galing sa akin.
"Sa presinto ka nalang pagpaliwanag Miss."
Sumama nalang ako sa kanila at hindi pumalag pa.
"Guilty!" sigaw ng judge sakin.
Isang hatol na hindi ko naman nagawa. Isang hatol na kamatayan ang kabayaran. Isang hatol na hindi makatarungan. Isang hatol na puro kasinungalingan.
Salamin! Salamin! ikaw lang ang may alam ng lahat! Ikaw ang nakakita ng mga pangyayari sa buhay ko. Magsalita ka at ipagtanggol ako. Salamin! tulungan mo ko. Hindi ako ang may kasalanan. Hindi ako ang nagpatay. Hindi ako! Salamin! Paano ko ba ipagtatanggol ang aking sarili? Kung ikaw lang ang nakakita ng mga kahayupang pinanggagawa nila sa akin? Salamin ikaw na nasa kwarto ko, ikaw ang may alam ng katotohanan. Hindi sila!
BINABASA MO ANG
Mirror Mirror (One shot)
AléatoireMGA TAONG MAPANGHUSGA. HINDI ALAM ANG TOTOONG NANGYARI. ANG SALAMING NAKAKITA NG LAHAT . MAPAPATUNAYAN BA ITO?