𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 3

552 19 1
                                    

♡︎BLAIRE CATHERINE POINT OF VIEW♡︎

"Your late Ms. Castro I told you that be here at exactly 6:00 in the morning, what time it is?!" sabi ng boss ko habang pinapakita pa niya ang kanyag relo. Shit! kasalanan ko ba na ang hirap magdisguise.

"I'm sorry boss hindi na po mauulit na traffic lang kasi ako," usal ko sa kanya pero iniwan nalang niya ako para pumasok sa van na naghihintay kaya sumunod na lamang ako sa kanya.

Pagkapasok ko ay nakita ko pa ang mga make-up artist at iba pang staff, mga kabanda niya, and even ang manager na masama ang tingin sa akin kaya nag peace sign nalang ako sa kanila. Tsaka umupo sa tabi ng boss ko kung saan talaga ako nararapat na maupo.

"Next time Ms. Castro be responsible to your job, hindi iyong ikaw nalang ang hinihintay. Swerte ka dahil hindi pa sila ang sasabak sa intablado," sabi ng manager nila na ikinayuko ko lang tsaka tingin sa katabi ko na ngayon ay nakapikit lang, na parang walang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

"Don't look at me like you want to eat me Blaire is disgusting," sabi niya sa akin habang nakapikit parin kaya yumuko ako para itago ang hiya na aking nararamdaman ngayon.

"Ma'am Regina, huwag niyo naman pagalitan si Ms. Castro. Malay niyo po! marami siyang ginawa bago makarating kanina. Tsaka isa pa 6:00 nga ang umpisa na concert pero 9:00 kami masasabak doon. But look its 7:30 palang kaya we have time para makapag-ayos." depensa naman ni Frankneil ang gitarist ng banda. Na ikinatingin ko sa kanya pero kinindatan lang niya ako. Kaya yumuko na naman ako dahil ramdam ko na ang mukha ko ay pulang-pula na.

"'Yan ang sinasabi ko sa inyo, kapag talaga si Ms. Castro ang involved ng ganitong issue ay ipinagtatanggol niyo siya. Tsked! bueno tama nga naman ang iyong tinuran Neil kaya pagbibigyan ko siya," sabi ng manager pero rinig ko naman ang pagkabagot ng katabi ko.

"Tsked! mga walang kwentang usapin." rinig ko pang bulong niya tsaka niya kinuha ang headset tsaka sinalpak na niya sa kanyang tainga.

Kakaiba talaga ang isang ito, kaya siguro ako nahulog sa kanya ay mabait na suplado, maginoo pero medyo may pagkabastos, at misteryoso ang kanyang pagkatao. Hindi lamang 'yan dahil talentado pa siya. Kaya marami ang nagkakandarapang babae, binabae sa isang katulad niya.

Na late ako dahil sa disguise ko lang naman na dapat manang-manang na nerd ako, may salamin na medyo malaki, may scarf na nakapalibot sa aking leeg tsaka mahahabang palda at kinulot ko lang ang aking buhok. Like malaki ang pagkakaiba ang dati kung ayos.

"Bilisan niyo ang paglalakad, kailangan na natin makapunta sa cabin para makapag-ayos na kayong lahat!" bulalas ni manager ng makababa na kaming lahat dahil nandito na kami sa Araneta kung saan gaganapin ang concert.

Napakadami pang reporter na naghihitay sa arrival ng Band Of War kaya medyo hassle sa amin ang makapasok ng tuluyan sa loob ng Araneta. Kislap ng camera, maiingay na tao ang sumalubong sa amin kaya napapapikit nalang ako sa tuwin tumatama ang light na ng gagaling sa mga kamera.

"Damn that camera!" sabi pa ng boss ko tsaka ako hinila para protektahan ako sa mga lighting na nanggagaling sa mga reporter.

Kinikilig pa ako habang malapit siya sa akin. Like what the hell! gusto kung magdiwang kaso hindi pala pwede nasa gitna kami ng mga viruses. Viruses dahil lahat sila ay mapanghusga. Hinuhusgahan ang bawat galaw mo lalo na sa larangan ng mundo ng mga artista.

LO #6: My Other Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon