Chapter 05

5 2 0
                                    

#FARFChapter Chapter 05



Papasok ako sa entrance ng aming bahay habang nilalaro ang susi ng sasakyan ko ay may biglang lumapit at yumakap sa akin.



"Bella! Buti at umuwi ka na. Tamang tama at nakapag handa na kami ng agahan." kalas ni manang Charing ng pagyakap niya sa akin...



Si manang Charing ay matagal na sa amin nagtratrabaho. She is the mayordoma ng bahay namin. Since my sister and I were young, siya na ang naka mata sa amin pag nasa trabaho ang parents namin.



"Sila papa po?" tanong ko sa kanya habang patungo kaming dining.



"Ah eh kakatawag lang sa kanila Para magalmusal. Pati rin ang ate mo." naka ngiti niyang sabi.



"Nadito po si ate? Umuwi siya?" tanong ko.



"Oo iha noong biyernes pa ng gabi."



Tumango tango nalang ako at tumahimik. Wala pang ilang segundo ay nagpaalam muna sa akin si manang at iniwan ako sa dining.



Nung nakarinig na ako ng naguusap papalapit sa akin ay napalingon ako sa likuran ko. I saw Mama and Papa talking about something, maybe about business.



Agad ko naman silang tinawag at nilapitan kaya nanlaki ang mga mata nila nang nakita ako.



"Anak you're here!" gulat na yakap sa akin ni mama.



Pagkawala ko sa yakap ni mama ay lumipat naman ako kay papa para yumakap. "uhhh hmm, it's family day." galak kong sabi.



"Every Sunday is our family day anak"



"I know ma. I'm sorry and don't worry babawi po ako." ngiti ko sa kaniya.



Pagkatapos no'n ay narinig na naming pababa na si ate. "What's going on in here-... Oh, Bella?" gulat na nakangiting titig sa akin ni ate at bumeso.



"Let's eat?" si papa tsaka kami lumapit na sa dining.



Habang nag be-breakfast kami ay nagkukwentuhan lang kami about sa nangyayari sa amin this past few days, kung kamusta kaming magkapatid o kung okay lang ba kami...



We didn't talk about businesses in dining or in front of our food. Kung we are with business partners or some Co workers ay doon lang kami naguusap usap tungkol sa trabaho. Pero pag kami lang apat ay hindi, because it's our time or chance to communicate as a family.



I don't think it's a rule from my parents but maybe it is. Nakaugalian na rin namin na sabay sabay kumain. I can say that maganda ang paraan ng pagpapalaki sa amin ng mga magulang namin...



Magkakasama lang kami sa bahay ng buong araw at may kanya kaniyang ginagawa. I baked some cookies with the help of course of my sister. Si mama naman ay nag arranged at nagpalit ng mga flowers sa mga vases namin at si papa ay bumalik sa kanilang kwarto at piniling magpahinga.



Sa bandang hapon ay nagsimba kami kasama si manang Charing. Pagkatapos ay nagdiner na lang kami sa labas.



Pagkatapos ng lahat ng iyon ay umuwi na ako sa condo dahil may trabaho pa ako bukas. Sinubukan naman nila akong kumbinsihin na sa bahay nalang matulog pero alam kong pag doon nanaman ako natulog sa bahay ay absent nanaman ang aabutin ko bukas dahil pag humiga na ako sa kama ko sa kwarto ay pakiramdam ko ay nasa bakasyon na ako at tamad nanaman tumayo hanggang sa matulog nalang ang gusto kong gawin...



Kinabukasan ay maaga akong dumating ng office dahil nga sa tingin ko ay nakapagpahinga naman ako ng maayos kagabi.



Pagkalapag ko ng bag ko sa table ko ay napansin ko ang isang hot coffee na may note kaya agad ko binasa kong anong nakasulat



Happy Monday Morning! Coffee for you...



Agad akong napalibot ng tingin sa opisina at wala pa akong nahagilap na ibang tao doon kundi si Brian lang.



Siguro ay napansin niyang nakatingin ako sa kaniya kaya nilingon niya ako.



Nginitian niya ako at kinuha sa gilid ng table niya ang coffee niya tsaka iyon ipinakita sa akin.

Thank you. I mouthed to him then smiled.



You're Welcome. He nodded at me and mouthed back.



Hindi rin nagtagal ay dumating na iyong iba naming kasama.



Palapag palang ng mga gamit ni Tina ay lumingon na siya sa akin at binati ako.



"Good Morning 'te!" ngiti niya sa akin at lumingon rin Kay Brian "Good Morning kuya"...



Bumatin naman kami pa balik sa kaniya. "Maaga 'ata kayo ngayon? tsaka good mood." harap sa akin ni Tina...



"Nakapag pahinga lang ng hindi naman masyadong bongga" I giggled.



Natawa nalang din si Tina sa akin at sinimulan na ang kaniyang trabaho.



Wala namang masyadong nangyari ngayong araw bukod sa pagtapos na tinamba-tambak ulit na trabaho. Sa pag uwi ay nag offer sa akin si Brian kaya lang ay dala ko iyong sasakyan ko pati rin si Cali. Kwinestion pa niya ako kung bakit pa ako nagdadala ng sasakyan sayang lang daw pinang gagas, pag sa kaniya naman daw ay hindi daw big deal kayang kaya niya daw iyong kahit siya pa daw maging service ng lahat. Iyon talaga kahit kailan himdi malaman laman kong nagmamagandang loob o nag yayabang lang...



Days pasted ganon padin ang nangyayari sa buhay ko. Pumapasok ng office minsan maaga minsan late and every morning may nadadatnan akong coffee sa table ko from Brian.



Nagiisip pa ako kong paano ako makakapag thank you sa kaniya o makakabawi makabawi man lang sa kaniya. His gestures made me soft, gumagaan ang loob ko sa kaniya.



It's not the coffee, besides of giving me coffee in the morning he is also became gentle. He asking me every time if I'm tired, okay, hungry or if I need something...



Not that I'm assuming I just appreciate him...











<3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fault At Rain FallsWhere stories live. Discover now