Prologue

21 1 0
                                    

Mula sa pinakamagandang simbahan..

Sa araw ng kasalan..

Dito na magaganap ang pangyayari na kung saan ay mangyayari ang—

"Ba't ang tagal ng babaeng 'yon?!"

"Dali! baka magsisimula na! naiinip na siguro yung lalaking iyon hayst.."

Teka, ba't ba ako namomroblema?

Habang tumatakbo, ramdam ko pa rin yung kaba kanina papunta rito sa simbahan.

Sino nga bang hindi kakabahan?

Nang makalapit na ako sa lalaking papakasalan ko ngayong araw, hindi ko alam kung ano ang masasabi ko sa kaniya.

Parang nahihiya pa akong ipakita kung ano ako ngayon. Yung wedding dress ko, yung mukha ko, bahala na.

Tiningnan niya ako ng maigi na parang may iba sa akin.

"The heck? Ba't ganyan ang itsura mo? " sabi niya sabay angat ng kamay niya sa baba ko.

"Tss.. Pakielam mo! Tse!" sabi ko sabay sa pagtaboy ng kaniyang nakakadiring kamay. Wala akong pakielam kung di bagay sa'kin lahat ng 'to!

Nagulat nalang ako nang kunin niya ang kaliwang kamay ko at saka inilagay sa kaniyang kanang braso.

Hindi ako nakapagpumiglas kasi malakas naman talaga ang hinayupak.

Nang nasa pinto na kami..

"Handa na ba kayo? " sabi ng photographer sa'min.

Hinding-hindi! Ba't nga ba ako pumayag neto?!

Tumingin kami pareho sa isa't isa na parang alam namin na hindi namin gusto pero gora pa rin.

Naglakad kami pareho sa gitna. Parents lang yung umattend sa wedding namin. Private kasi.

Iyon na nga, skip tayo saglit sa walang kwentang wedding part na'to..

Dun na tayo nung mag-aano na kami.

Yung ano..

Alam niyo na yun..

Yung..

"You may now kiss the bride" sabi ng pari.

Pagkasabi ng pari nun, dali-daling hinawakan niya ang pisngi ko na nagpataas ng kilabot sa katawan ko.

Tapos..

Tapos...

Ito na nga yun....

Ayy shyet..

Hoo!! Parang..

Parang nabali yung likod ko ah..

" Put-, ba't naman ganyan!.. " sabi ko ng pabulong habang nahihirapan sa posisyon namin.

Yung parang nakahiga ako sa hangin pero yung kamay niya iyong umaalalay sa'kin.

Hinawakan niya ang beywang ko gamit ang kaniyang kanang kamay habang ang isa naman ay nasa pisngi ko. "Huwag ka nang magreklamo, just simply tilt your head to the side to give the impression that we're doing that thing, got it? " bulong niya.

At iyon na nga ang nangyari..

Ito na talaga ang pinakaworst at ang pinakamiserable na nangyari sa buong buhay ko!!!

Ano pa kaya kung nasa iisang bubong na kami?

Urgh!!!

Forced to be yours?

Luhh, pa'no ko nasabi??

Forced To Be Yours || Not CompletedWhere stories live. Discover now