_____________
_____________________> DAY 1 <
--------------------------------------------------------------------------------------------
[12:47pm - S.M. University]
"Ikaw na tumawag, nahihiya ako." pagpupumilit ko kay Baekhyun. "Asaan ba muna? Ikaw na! Nahihiya ako andun din crush ko gaga AHKKK!!" kinikilig na tinulak ako.
"Sige na, bilis. Tapos ako tatawag sa crush mo" kinulit kulit ko siya hanggang sa napapayag ko siya. Tumalon talon ako habang inaalog si Wendy na kasama namin. Tinignan niya ako na para bang isa akong weirdo. kainis!
"Sizt omg kinakabahan ako. Nakakahiya andaming tao dito."
Lumingon ako at madaming grade 10 students ang nagkalat sa hallway. Kakatapos lang ng Christmas Party at base sa mga plano ko, ngayon ako magpapicture. Pinag-iisipan ko pa talaga ito kanina kung gagawin ko ba o nah pero sa tulong ng tropa ko, nakaipon ako ng tapang kahit pa na napakaissue ng mga studyante.
"Ako?! Hala bakit ako?? Sino? Totoo ba?" rinig ko ang pagkagulat mo mula sa kabilang hallway sa tapat ng classroom niyo.
Nakangiti ka na sumama kay Baekhyun habang nakikipag-apir sa iba mong tropa. Ganda mo kase hays. Agad naman akong hindi mapakali at nahihiyang ngumiti ng papalapit kana.
Nauutal kong sinabe ang salitang "H-hi po ate. Ano po... a-ahhh pwedeng magpapicture po haha" sabi ko at sa puntong iyon. Ito na ang pangalawang beses na nagtagpo ang mga mata natin. Hinding hindi ko makakalimutan ang una.
Nakangiti ka lang ng malawak at walang pagdadalawang isip na um-oo.
"Oo naman sige tara, saan tayo? ako ba talaga, sigurado kayo? bakit ako? nakakahiya hahaha" nahihiya ka na tumawa at nagtakip ng bibig. Napangiti ako at natawa rin ng bahagya dahil hindi ko mapigilan kiligin.
Ako lang ba? pero sa tuwing may hindi ako napipigilang kilig ay nagiging tawa ito na hindi ko mapigilan hanggang sa mamula ako?
Tumingin ako sayo at masayang tumango.
"Opo ate, siguradong ikaw talaga."
Nag offer si Baek na magpicture. Nagtabi tayo at hindi alam kung saan ko ipwepwesto ang sarili ko at ganun ka din. Nagulat at hindi makagalaw ng iniyakap mo ang kaliwa mong kamay sa aking bewang at yumakap pa ng mas malapit bago nagpose.
Bahagyang hindi kumportable ang kanan kong kamay kung saan ko ito ipupwesto. Sa likod ba or sa harap, ano na, Seulgi!?!?! Yakapin na rin ba kita??
Nasa gitna ako ng pag iisip ng magbilang si Baekhyun. "1...2...3!" biglaan na lang ako napangiti at tumayo ng tuwid bago nagpose din . Pagkatapos ng shot ay sinadya kong tumingin sa kanan ko ngunit sinilayan lamang talaga kita.
Parang wala lang sayo na yakapin ako at ngumiti sa picture samantalang ako dito. Nagwawala na ang buong sistema ko. Nagpicture pa ulit tayo ng konti bago nagpaalam.
"Ang cute niyo, Seulgi!" sabi ni Baek matapos tignan ang pictures at tinignan ako ng kinikilig.
BINABASA MO ANG
♡ Day 1 ♡
Fanfiction[seulrene] one-shot || fluff, tagalog It was a Christmas party on the last day before the holiday break when seulgi decided to take a chance. She had no idea it would turn out so well. PUBLISHED: June 06, 2021