Chapter 1

2 0 0
                                    

I still remember how everything looked like. And even how I felt the first time I saw the both of them.

March 7, 2001

Napatulala ako, hindi ko mapigilang matuwa dahil sa kauna-unahang pagkakataon, may kasama na kong kaedad ko. He's a boy, and he looks like a good and quiet boy.

"Kids, kids!" Tawag sa amin ni Ate Emma. "Gusto kong makilala ninyo ang bago ninyong makakasama, si James"

Hindi sumagot ang bata, ni hindi man lang ngumiti. Napansin ko ring mugto ang mata nya, marahil sa kakaiyak. Kaya nilapitan ko sya. Sa lahat kasi ng nandito, kami lang ang pareho ng edad. Ang mga kasama ko halos walong taon na pataas habang ang iba naman ay sanggol pa. Mga batang iniiwan na lang sa pintuan ng bahay ampunan.

"Hello" bati ko sa bagong dating. Nakatitig lang sya sa 'kin at mukhang walang planong makipag-usap. Ngumuso ako. Hindi ba ako magandang tingnan? Bakit nya ko sinusungitan?

Naglakad si James na para bang hindi ako nakita o narinig. Naupo lang sya sa isang gilid at tila walang planong makisama sa iba. Tumakbo ako palapit sa kanya at naupo sa tabi nya.

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka napunta rito sa ampunan?"

Hindi pa rin nya ako sinagot.

"Alam mo, wala kang ibang kaedad dito bukod sa 'kin kaya simula ngayon, ako na lang kaibigan mo ah?"

Tiningnan nya ako kaya ngumiti ako nang abot tenga pero agad ding naglaho ng samaan nya ako ng tingin.

"Okay ka lang ba? Or ayaw mo ng kausap? Gusto mo, bukas mo na lang ako kausapin? Tatahimik ako" nakangiti ko pa ring sabi pero hindi pa rin aya nagsasalita.

Natutop ko ang bibig ko dahil sa naisip. Hindi kaya---

"N-naririnig mo ba ko?" Kumunot ang noo nya. "Na-i-in-tin-di-han mo ba ang si-na-sa-bi ko?" Tanong kong muli habang nililinaw ang bawat bigkas ng mga salita. Sinamaan nya ako lalo ng tingin.

"Hindi ka bingi, tama ba? Or baka naman pipi ka?" Hindi nya ako sinagot bagkus tumayo sya at umakyat sa kwarto.

Mukhang ang kaisa-isang taong pwede kong makasundo, ayaw pa sa 'kin.

Pinanuod ko ang lahat ng nga batang kasama ko. Lahat sila nageenjoy kalaro ang mga kaedad nila. Lalo na sila ate Lianne na sampung taon na at malapit na ring maampon.

Alas otso na nang gabi at halos lahat ng bata sa ampunan ay nakakakain na maliban na lang kay James. Nasa isang sulok lang sya at tulala. Nag-aalangan man ay nilapitan ko sya. Masyado syang malungkot dahilan para ako mismo ay malungkot din.

"Okay ka lang?" Tanong ko pa sa kanya. Tiningnan nya ako sandali tapos ay humarap ulit sa labas ng bintana. Tiningnan ko ang buong sala at halos lahat ay nakaalis na, kami na lang ang naiwan.

"Jean, James, umakyat na kayo sa mga kwarto nyo" utos pa ni Mama Rose. Tumango lang ako pero hindi sumunod.

"Umakyat na raw tayo" tumayo ako at pilit na hinihila si James, "Masama magalit si Mama Rose baka paluin ka" dagdag ko pa pero hindi nya 'ko pinansin.

"Hindi ka ba talaga nakakapag-salita o nakakarinig? Gusto mo ibigay ko sa 'yo yung isa kong tenga?" Sinamaan nya ako ng tingin, ibig sabihin ay nakakarinig sya.

Tumayo sya at saka umakyat patungo sa kwarto. Iniwan ako mag-isa sa sala. Hindi ko maiwasang hindi isipin ang dahilan kung paano at bakit napunta rito sa bahay ampunan si James.



Ilang araw na ang lumilipas pero hindi pa rin ako kinakausap ni James, sa totoo lang, wala syang kinakausap na kahit isa sa mga kasama namin sa ampunan. Hindi ko pa rin alam kung anong tunog ng boses nya. Palagi lang syang nasa isang sulok, nagmumukmok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Count On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon