Chapter 8 **I love you**

6.4K 67 7
                                    

***

Just For Christmas, Will You Be Mine 

A ShortStory by PollyNomial

***

8 --> "I love you"

 

KATHRYN’S POV

“Kahit na nagpapanggap lang tayo... Totoo ang nararamdaman ko… Mahal kita, Kathryn.”

 

 Nagpaikot-ikot ako sa kama nang marinig muli sa utak ko ang malungkot na boses ni Daniel at ang linyang iyon na nagpagulo sa magulo ko nang utak…. at puso.

Madaling araw na akong nakatulog kagabi at maaga pa rin akong nagising. Imbes na puyat ay iba ang nararamdaman ko. Kada maiisip ko ang mga sinabi ni Daniel ay nararamdaman ko na bumibilis ang pintig ng puso ko.

Mahal niya ako? Kailan pa? Totoo ba ang sinabi niyang iyon? O nagpa-practice lang siya para sa pagpapanggap namin? Baka gusto lang niyang maging perfect ang lahat kapag nakaharap na ulit namin si Quen.

“…totoo ang nararamdaman ko…”

 

Kung totoo nga iyon, bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang niya sinabi sa akin? Kailan pa niya itinatago ang nararamdaman niyang iyon? Kung matagal na ay ang galing naman niyang magtago. 'Di ko nahalata eh.

Tiningnan ko ang lamesa sa tabi ng kama ko nang marinig ang pag-ring ng cellphone ko.

“Hello, Julia.” sagot ko kay Julia sa kabilang linya.

“Kath! What happened?!” salubong sa akin ni Julia at hindi na nag-abalang mag-hello pabalik.

“Anong what happened? Ano bang nangyari?” nakakunot kong tanong kay Julia. Halatang nag-eexpect agad siya ng sagot sa akin. Kilala ko ang best friend ko. Rhythm palang ng hinga niya ay alam ko na ang ibig sabihin.

“May nangyari sa inyo ni Daniel. I don’t know what it is that’s why I’m asking you.” Diretsong sabi niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Kinabahan ako bigla dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa best friend ko ang nangyari sa amin ng pinsan niya.

“Can I just talk to you later, Julia?” pakiusap ko sa kanya. Napagdesisyonan kong 'wag munang sabihin sa kanya at linawin muna ang mga pangyayari. Ayokong magkwento ng mga bagay na malabo pa rin sa akin, kay Daniel. Sa aming dalawa.

Narinig ko ang malalim na hininga ni Julia. “Kailan naman yang later na yan?”

 

“After I clear things up. Pwede ba?”

“You know what, parehas na parehas kayo ng sinabi ni Daniel. Actually, kausap ko lang siya kanina before I called you. Akala ko may sakit lang siya o ano pero… may problema ata kayo.”

Just for Christmas, Will You be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon