This was the last day of my last sem in this University. After this, graduate na ako. Malamang, alam niyo na. Graduation ko na ngayong araw na toh, ito na yung araw na kukunin ko yung diploma ko at graduate na ng college. Ito na yung araw na yun. Kung san tuloy tuloy ko nang maaabot ang mga pangarap ko. Eto na, eto na yung araw na yun. Grabe ang pagpoporma ko para lang sa araw na ito. Ilang buwan ang preparation time ko para lang sa araw na ito. Kaya sulit na sulit ang pagkuha ko ng diploma ko.
Eto na, tinatawag na ang mga pangalan namin. Excited na ako, sobra. Kanina pa nga eh. Naguumpisa yan malamang sa A, eh ang dami naming estudyanteng gragraduate ngayong taon. Nakita kong umakyat ng entablado ang pinsan ko, yung mga ka-bloc ko, and definitely yung mga naging naclose ko. Tumingin ako sa likod ko kasi feeling ko may nakatingin sa’kin. Wala naman.
“Miss Valenzuela, Sheila Bridgette…”
Tinawag na nila yung pangalan ko. Oh MY GOSH! THIS IS IT. Aakyat na ako ng stage. Kukunin ko na rin sa wakas yung diploma ko na nagpapatunay na isa na akong graduate student.
Nang nakababa na ako ng stage, una kong pinuntahan yung best friend ko. Yinakap ko siya at umiyak sa sobrang tuwa.
“Best, umiiyak ka na naman. Hindi naman ikaw yung grumaduate ah? Ako.”
“Kasi naman best, naunahan mo pa akong grumaduate. Di mo man lang ako hinintay no.”
Sabay naman kaming tumawa. Wala na talagang tatalo pa sa araw na ‘to. Andito ang buong pamilya ko. Andito lahat ng taong mahalaga sa’kin. Except sa kanya.
Niyakag na ako ng mga kapatid ko na umalis na kami. May after party kasi kami eh. Graduation party para sa mga friends ko, pinsan ko, at malamang, para rin sa’kin. Eto na kasi yung last day namin na magkakasama-sama. Ang barkada ko na nakilala ko nung tumuntong na ako ng college. At ang turing sa kanila ng pamilya ko, parang pamilya na rin.
Nang dumating na kami sa party, ang daming tao. Ang daming taong nagcongratulate sa’ming mga bagong dating. Grabe lang. For the formality of a party, malamang may MC kami diba? At malamang, hindi ko kilala yung MC namin. Di naman ako yung nag-ayos nung party eh. Ang sa’kin lang naman ay FOOD. At dahil ako ang nakatoka sa food, magtiis sila kung ayaw nila nung nasa menu.
“Good evening ladies and gentlemen. Andito na ang mga star ng ating get-to-together, ang mga graduates…” Nagpalakpakan silang lahat, di ko makita yung MC, pero napaka-familiar nung voice niya, “Ngayon na nandito na sila, we can get this party started.”
I never got to know the MC kasi busy ako to even look his way. Marami kasing tao ang gustong kumausap sa’kin. Yung pinsan ko, yung mom ko, yung best-friend ko, yung iba sa mga relatives ko. They were all there. Grabe lang, bago kami kumain, mga 30 people na ang nakausap ko. Pero lagi ko namang kasama yung bet-friend ko. Best-friend nga eh, diba?
“Chi,” Chi ang tawag nila sa’kin because of my name. Minsan yung iba, Shi pero nagiging Chi na rin kasi, medyo mahirap naman kung Shi diba?
“Bakit Leen?”
Si Darlene, or known as Leen, ang best-friend kong maganda. Hindi ko to sinasabi kasi best-friend ko siya, maganda lang talaga siya. She has own quirkiness pero kasama na yun sa mga features kung bakit maganda siya. She sets the trend without knowing it. She’s practical about her life. And once she made her mind up, there’s no changing it.
“Yung MC natin, kakaibiganin ko. Hindi ko sya kilala pero nakakacurious yung past niya. Ngayon ko lang kasi siya nakita dito eh.”
“Sino bang nakatoka to prepare the venue and for the MC?”
“Si Charles…”
Si Charles, isa sa mga kabarkada namin ni Leen. Let’s say na mabibighani ka talaga sa mga mata niya. Lalo napag ngumiti siya, matutunaw ka.
“Yung past nung MC o yung past ni Charles?”
Lagi ko siyang binibiro kay Charles, bagay kasi sila. Plus, I have a feeling na type ni Leen si Charles. Ewan ko, kahit di niya kasi sabihin sa’kin, nararamdaman ko na matagal na niyang napupusuan si Charles. Five years pa lang naman kasi kaming magkakilala ni Leen. At five years ko pa lang kasama ang mga friends ko ngayon. Medyo marami pa akong hindi alam sa past nila.
“Chi, wag ka ngang ganyan. Wag mo nang ipagpilitan si Charles sa’kin. Magtatapos muna ako bago ako magkaboyfriend noh.”
At iniwan na ako ni Leen para makilala yung MC namin.
I didn’t want to know him. I have a feeling na kilala ko siya pero ayokong tingnan kung sya nga talaga yun. Baka kasi mamya, assumera na naman ang dating ko. Getting my hopes up and then realizing na hindi pala sya yun. Nakakadissapoint kaya yung ganun. Kaya hindi ko na pinagpilitan pang makilala siya. Kung makilala ko man siya o hindi, hindi na importante yun. Ang importante ay makasama ko ang mga kaibigan ko ngayon kasi ito na ang huli naming pagkikita.
Hindi na ako college student. I’m not classified as a student anymore. But that doesn’t mean na kakalimutan ko na ang mga naging kaibigan ko sa University na pinasok ko. Magkaron man ako ng mga bagong set of friends, my loyalty will always be with them, the friends I have that trusted me, believed in me and, most of all, cared for me.
