Disclaimer: Plagiarism is stealing, Typographical error(s) and sensivite words.
--
May kaibigan akoMay buong pamilya
May pera
May kotse
May bahay
At higit sa lahat may Boyfriend
Pero bakit ganon?Bakit parang may kulang parin?e halos nasakin na ang lahat?
Ang mga tanong sa isip ko na hindi mawala-wala..
Ano nga bang kulang sakin?
"Mamaya na kasi yan ako na muna" pag pupumilit ko sa boyfriend ko na walang ginawa kundi mag ml
"Sandali nalang to" sagot nito
"Okay.." nadidismayang sagot ko
..
"Ma,pwede akong gumala kasama tropa?"
"Ay Hindi pwede nak baka kung ano ano gawin mo"
..
"Hindi pwede"
"Ml muna ako"
"Next time nalang bes pag pinayagan kana"
"Bawal"
Lahat bawal..
Kinabukasan nakarinig ako ng matinding sigaw ng mama ko kaya dali dali akong pumunta roon.Nanlaki ang mga mata ko sa nakita
"Sinong walang hiya ang gumawa nito sa asawa koo!?" pasigaw na tanong ni mama kaya't wala akong nagawa kundi ang humagulgol habang tinitignan ang aking ama na naliligo sa sariling dugo at ang katawan ay puno ng saksak na tila'y pinanggigilan ito..
..
Ikalawang araw ng burol ng aking ama ay tahimik at mapayapa ngunit biglang may tumunog sa may kusina kaya't dali dali akong pumunta roon upang tignan ito
Napahagulgol ako at ang aking ina ng makita namin ang katawan ng aking kapatid na kinakain ng mga daga tila ba'y pinatay ito ng tahimik kagabi habang karamihan samin ay nagpapahinga,tulad sa aking ama tadtad din ito ng saksak sa katawan
..
Araw ng burol ng aking ama at kapatid,pinagsabay namin ang kanilang burol upang iisang sakit na lamang ang aking ilalakad
Kapansin pansin na wala ang aking ina kaya't tumakbo ako aming tahanan habang kinakabahan
"Hindi pwedeng sumunod si mama!" sigaw ko habang tudo ang bilis ng takbo
Ng makarating ako sa aming tahanan ay rinig na rinig ko ang hagulgol ng aking ina na nagmumula sa aking kwarto kaya't tumakbo ako papunta roon
Ng ako'y makapasok sa aking kwarto ay nakita ko ang aking ina at nobyo na magkaharap sa isa't isa habang hawak ng aking ina ang kutsilyong punong puno ng dugo
"Ma anon-" Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng biglang sugutin ng aking ina ang aking nobyo at tinadtad ito ng saksak...'Hindi maari..'
"Maaaaa" sigaw ko at saka sya tumingin sakin ng may galit sa mga mata
"Ito ba?ito ba ang gusto mo?ha?!"
"M-ma ano b-bang s-sinasabi m-mo!"
"Anak ginagawa ko lang ang trabaho mo"
"HINDI KO ALAM ANG SINASABI MO!" Sigaw ko at binato sya ng upuan
"Hindi ba't sya rin ang isusunod mo pagkatapos ay ako?"
"Wala akong alam sa sinasabi mo hayop ka!"
"Ikaw ang hayop dito!Pinatay mo ang asawa't anak ko! kaya't pinatay ko narin ang isusunod mong papatayin!Bakit?Bakit mo to ginagawa anak?"
Umatras ang aking luha,Nawala ang takot..Umayos ako ng tayo at ngumiti
"Oo,pinapatay ko ang asawa at anak mo,ano naman ngayon?HA HA HA salamat ha?pinapatay mo na ang nobyo ko para sakin HA HA HA"
"Bakit mo to ginagawa?!"
"Kalayaan,kalayaan lang ang gusto ko..bakit?simple lang.Kasi kayo yung humaharang sa gusto ko!"Sigaw ko binaril sa mismong noo ang sarili kong ina at pinanood itong maligo sa sarili nyanh dugo.
"Malaya na'ko" bulong ko sa sarili ko