Limang Baliw

121 1 3
                                    

"Wrong turn!"

"Sige dalhin kita sa gubat. Mailigaw ka. Nang- ma-wrong turn ka do'n." basag ni Jecca kay Ron.

"Saw na lang."

"Di ka naman mahilig sa brutal at nakakadiri noh. The Grudge na lang!"

"Isubsob mo lang yung mukha mo sa harina at takip mo lang yung buhok mo dyan. Mukha ka ng the grudge. Ba't pa natin panunorin?" basag naman ni Ron.

Kanya-kanyang suggestion ng movie ang mga baliw.

Kami nga pala ang Crazy Five, C5 for short, in tagalog Limang Baliw. Hindi naman gaanong halata kung bakit yun ang pangalan ng grupo namin noh.

Si Bry, ang pinakamatanda sa'min, 19 na siya. Ako at si Jecca 17. Si Ron at Lissy 18 na. Sa iisang subdivision lang kami nakatira at iisang school lang din ang pinapasukan namin kaya huwag na kayong magtaka kung paano nagkasamasama ang mga baliw.

"Ayaw nyo sa horror ahh? Mag-isip naman kayo ng bago. Puro luma naman yang sina-suggest nyo eh." reklamo ko.

"Hoy, Lissy, tamang yaya ka. Ano ba kasing balak mong panuorin?" baling ni Bry kay Lissy.

"Aba malay ko, ako na ngang nagyaya, ako pa mag-iisip ng panunuorin? Ako lang ba may utak dito? Mag-isip din kayo?"

Binatukan ko si Lissy. "Hoy, feeler. So anong pagpifeeling yan? Ikaw lang ba gumagamit ng utak? Akala lang namin kasi may specific movie kang gustong panunuorin, kaya ka nga nagyaya eh."

"Kayo ng mag-isip. Kahit ano lang okay na sa'kin. Gusto kong lang naman maki-aircon dito sa threater room nina Bry eh. Nasira yung sa'min eh."

Ayh baliw!

"Langyah, gusto lang pala ng libre aircon, dinamay mo pa kami?" reklamo namin ni Jecca.

"Ayaw nyo no'n, nae-aircon-an din kayo. Saka hindi naman talaga ako ang nakaisip mag-movie marathon. Si Bry naman talaga."

Napalingon kami pare-pareho sa pwesto ni Bry.

"Makareklamong tataas ang kuryente nila, pagkatapos siya naman pala talaga 'tong nag-aya." komento ko.

"Dami nyong reklamo. Ano?! Manunuod ba tayo o magtititigan na lang? Sayang naman yung biniling pagkain ng pinsan ko." basag ni Bry.

"Thank You, Carl huh." kausap ni Jecca sa pinsan ni Bry. Syempre tuwang-tuwa siyang maraming pagkain.

"Magpakabait kayo sa pinsan ko huh. Lalo na yung isa dyan." Parang may gustong ipahiwatig si Bry sa sinabi niya. Ako bang pinariringgan niya?

"Hoy, Bry may gusto ka bang ipahiwatig ahh? tanong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaibigan langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon