Leanna POV
Absent siya kahapon, Kaya inagahan niyang pagpasok sa school today.. Namamaga ang mata niya ngayon but for hell I care... Nakwento ni Rose na hinanap daw ako ni EA kahapon. Malamang may kailangan na naman yon lalakeng yon. Masyado na siyang feeling close sa akin. At natatakot ako baka makarating sa boyfriend ko pagiging close namin. Speaking of my Boyfriend parang walang paki alam sa akin yon, he doesnt care about my feelings. Ni hindi ko nga naranasan na bigyan niya ako ng flowers,. At bakit ganon parang ako lang ang laging nag effort sa relasyon namin. Minsan nga parang gusto ko ng mapagod, pero mahal ko talaga siya.. Mahal na mahal.
"Hi Leanna" bati agad ni EA sa akin. "Okey ka lang ba?" kita sa hitsura nito ang pag aalala.
"Naman" pinilit kong ngumiti sa kanya. "Okey na ako, body and soul nilabas ko na lahat kahapon, So kailangan mo? Bakit mo ako hinahanap kahapon" usisa ko sa kanya.
"Wala lang, namis kita eh--"
"Shocks EA," napatili ako sa sinabi niya. "Isang araw lang miss mo na ako agad, Talo mo pa boyfriend ko sa pagiging possisive mo" Irap ko sa kanya. Inlove na ata sa akin tong tao na to. Ipinilig niya ang ulo.
"What the hell are you talking about?" napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. "Hindi pa nga ako tapos magsalita dumudugtong ka agad, assumera ka naman masyado" pagsusuplado nito.
Hindi ko naiwasan mapahiya, namula ata ako ng husto sa sinabi ng lalakeng ito.. Tangna sapol hanggang buto yon. Assumera pa daw ko. Nakurot ko ang tagiliran niya para lang mapagtakpan ang hiya ko sa kanya. Oo nga naman ano nga bang iniisip ko. Hinuli niya naman ang kamay ko at hinawakan yon. At ang paghawak-hawak ng kamay namin ay purely natural na sa amin dalawa yon.
"So bakit nga?" Namumulang ulit tanong ko sa kanya.
"Namimiss ko yong pangungupya mo sa akin sa Mathematics.. At saka may assignment tayo" at gusto ko na naman magpanic sa ideang yon. Kong magkataon mapapahiya na naman ako nito sa subject teacher na yon. "Pero wag ka mag alala pakokopyahin kita" bawi niya na ikinatuwa ko ng husto. Ito yon part na gustong-gusto ko sa kanya. Hindi ko na kasi kailangan pang hilingin kusa niyang sinasabi sa akin. Nakakahiya man pero kailangan kong kapalan ang mukha ko, kailangan kong maipasa ang subject na ito. At kahit pasang awa ay okey na sa akin.
"Talaga, ang bait mo naman, thank you" hinila ko na ang kamay ko. Hawak hawak niya pa rin kasi ang kamay ko.
"Anong Thank You?, Swerte mo noh. Igawa mo ako ng Loveletter may pagbibigyan ako" hindi yon paki usap, kundi pautos yon pagkasabi niya.
Napasimangot ako. Sabi ko na nga ba eh, May kabayaran ang lahat ng ito. "Sino na naman yan girl na yan?
"Yong nasa first year, shes really pretty, natitigan ko siya kahapon nalaglag kasi yong panyo niya kaya dinampot ko at binalik ko sa kanya." Napatitig ako sa kanya, naku may iba na naman bet tong tao na ito.
Ano pa nga ba. Papel ko sa buhay ng lalakeng ito ang taga gawa ng loveletter para sa mga babaeng natitipuhan niya. At syempre pa dahil hilig kong mag collect ng mga stationery, . Ako na nga ang magsusulat ng loveletter, akin pa ang stationery. Ngani-nganing sulatan ko ng pangit na mga words ang loveletter niyang yon. Pero syempre pa hindi pwede bago kasi ibigay yon binabasa muna ni EA ang laman ng gawa ko... At ang paggawa ng loveletter ay sisiw para sa akin. Ang galing ko kayang mangbola.
"Ok na ba yan?" inis na tanong ko sa kanya..kasalukuyan niya kasing binabasa ang sulat na yon.
"Sa palagay mo sasagutin niya ako" tanong niya sa akin.
Kulang nalang batukan ko ang isang ito. Nang-aasar ba ito? "Abay, Ewan nasa diskarte mo na yan noh"
"Sige na, bigay mo na sa kanya yan, Tapos sabihin mo sa kanya na makikipag-usap ako sa kanya sa likod ng classroom nila." utos ni EA sa akin
BINABASA MO ANG
What If's
RomanceLove can wait... But how?.. To who..? To my Bestfriend..? Paano nga ulit?? He's just my Bestfriend.. My Feeling na nag-umpisa sa Superman Stationery, Im her friend na taga-gawa lang ng mga loveletter para sa kong sino man magugustuhan niya.. May p...