°°Chapter 3: Dream°°

7 0 0
                                    

Hello readers. Sorry Kung ngayon  lang akong naka pag update. Busy sa thesis. Anyway babawi ako after ng hell week namin. Pangit po ba tong story ko. Hayy! So, this is it pancit. Vote. thank you.
-----------------------------------------------------------------------------------------

**CHAPTER 3: DREAM**

(SAM POV)


"Mama! Hahahaha! Wag mama may kiliti po ako diyan. Hihihihi! Hahahaha!"


"Ang cute talaga ng baby girl namin. Achuchuchu... ayieeehh! Ayokong tumigil baby girl. Ang sarap sa tenga ng tawa mo"


"Mama, tama na po. Hahahaha!" Biglang dumilim ang paligid.


"Mama? A saan po kayo? Mama?  Mamaaaaa! Huhuhu. Mamaa!......"


**


"MAMA!"


Ginising ako ng isang masamang panaginip.  Di ko alam na umiiyak na pala ako. Ano ba yung panaginip na iyon. Na mimiss ko na tuloy ang tunay kong Mama. Malabo yung mga mukha. Di ko kilala yung boses nung bata at nung tinatawag niyang Mama. Minsan yan ang palagi kong napapanaginipan. Hindi ko na lang pinapansin.

Napatingin ako sa langit. Hayy! Hinga ng malalim. Palubog na pala ang araw. Ang ganda kung titignan dito sa rooftop. May na realize lang ako na di dapat ako sumuko. Sa buhay maraming pagsubok na akong naranasan. Kabilang na lang yung nangyari kanina. Lalo akong nagiging matibay dahil sa kanila. Alam ko balang araw matatanggap din nila ako. At syempre salamat dahi .si a a g inspirasyon ko para makamit ang mga pangarap ko.


Ano ba naman ito, ang drama ko. Minsan kaya sumali ako sa theatre club baka madiscover pa ako. Hmm... ayy ano ba itong iniisip ko. Makauwi na nga. Siguradong nag-aalala na si Mama.

****


SA BAHAY

"Ma, nandito na po ako." Wala yata siya. Sniff..sniff..sniff. ang bango. Ano yung amoy na yun. Matignan nga sa kusina.


Dali-dali kong dinala sa sofa naming maliit yung bag ko at dumaretso sa kusina. Ang bango talaga amoy adobo. Hmmm... nagutom tuloy ako. Haha!

"Ma, ang sarap po yata niyan ahh" sabay lapit sa kanya. Nagmano ako at tinulungan siya sa kanyang ginagawa.

"Oh anak ginabi ka yata. Hulaan ko naka tulog ka na naman sa rooftop ng building niyo. Naku.. ikaw talagang bata ka. Sabi ko ng huwag magpagabi delikado sa daan."


"Sorry po Ma. Ehh! Di ko po namalayan ang oras e." Sabay kamot sa batok ko at smile sakanya. Nagpapacute ako kay Mama para bawas sermon. Haha! Ganyan ang strategy ko para di gaano masermon sakanya.


"Naku ikaw talaga nagpapacute ka na naman sakin para di masermon. Oh siya sige. Basta mag-iingat ka ahh. Alam mo namang ayaw kong napapahamak ka. Magbihis ka muna dun at ako ng tatapos nito para makakain na tayo. Dalian mo ahh."


"Opo Ma " ang bait talaga ni Mama. Tumalab talaga yung pagpapacute ko sa kanya. Haha!


Umalis ako sa kusina at pumunta sa kwarto ko para magbihis. After kong nagsuot ng pambahay. Bumaba na ako at kumain na kami ni Mama. Ang sarap talaga ng luto niya. The best! ☺☺

"Pahinga kana po Ma ako na pong magliligpit at maghuhugas ng plato.☺"


"Osha sige. Dalian mo at para maka pagpahinga kana rin."


At umalis na siya sa kusina. Dali-dali kong tinapos tong ginagawa ko at nagtungo na sa kwarto. Pani bagong araw na naman ang kakaharapin ko bukas. Sana maging maayos na...

To be continue...

---------------------------------------------------------------------------------------

Thank you sa.po paghihintay ☺
Please do vote and comment. THANK YOU!

WANTED: VOCALIST (Change title/on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon