Nung una palang kitang nakita
Di agad napansin ang ngiti sayong mukha
Ngunit sa sumunod na araw ay nabighani na.
Sapagkat ika'y ngumiti at tumingin saking mga mata.
Mga mata mong kay sarap tingnan
Mga kilos mong aking hinahangaan.
Tinig ng boses mong parang langit pakinggan,
at ugali mong di ko maintindihan.
Ilan lang yan sa mga dahilan
kung bakit lubos kitang hinahangaan
Ngunit bakit nga ba malayuan
ang lugar at lebel na'ting tinatayuan?
Dahil ba hindi para sa isat isa?
at mali si kupido sa pagpana?
Pero kung ano man ang mali o tama
isa lang masasabi ko bahala na si tadhana.