Tss. Sana naman nagloloko lang to. Baka mabigla ako at magpa transfer na lang sa ibang school.
Bumaba na ako at dumeretso sa dining room at naupo.
"Ma. Wala pa po si ate?" -tanong ko kay mama.
"Ahh anak di daw sya makakauwi. Kasi andami nyang inasikaso ngayong araw. So bukas, uuwi sya dito para mag impake na lang ng gamit nya."
Tumango na lang ako at nagsimula ng kumain.
"Nga pala anak. Ready ka na ba para sa entrance exam mo bukas? Dapat galingan mo dun para makapasa ka ha? Kapag ikaw nakapasok dun. You may have your three wishes!"
"Talaga ma?"
"Of course. Anything you want basta magsipag ka lang sa studies mo ha?"
"Yes ma!"
Tuwang tuwa ako sa sinabi ni mama. Kailangan talaga maipasa ko yun. Then i have my three wishes na! Yes.
"Alam mo ma. Yan si Sophia. Maipapasa nya yun! May inspirasyon sya eh! At makakaschool mate nya pa."
Nagulat naman ako sa sinabi ni kuya. Tinignan ko sya ng masama. Habang sya at si mama nakatingin at ngiti sakin. Haissst. Alam ko na yung ngiting mga ganyan eh. Tss. Ayan na naman sila. -_-
"Talaga?! Sino naman yun? Pogi ba anak? Sino nga ba? Kevin, anak! Sino ha?" -exited na tanong ni mama.
Tsk. Hay. Eto na nga ba ang ayaw ko eh. Basta usapang lovelife mas exited pa si mama sakin.
"Mama naman!"
Hindi man lang nila ako pinansin. Lumapit si kuya sakanya tapos may binulong.
Pagkatapos nun. Nawalan ng expression yung mukha ni mama.
Sana hindi nya gusto. Sana hindi nya gusto. Sana hindi. Sana...
"Ma?"
"Anak! Naku Im so happy for you! Go go go! Dapat mag pa impresa ka sa kanya ha?" -tuwang tuwa na sabi ni mama.
Wala na kong nasabi. Tinuloy ko na lang yung pagkain ko.
"Tapos na ko. Ma akyat na po ako sa taas matutulog na ko."
ECHO'S POV
Gabi na pero ayoko pang matulog.
Fvck. Enrollment na naman bukas. Stupidents here, stupidents there. Tss. Amboring. Alam ko na.
Maasar nga si miss mumu. Haha.
Nag log in ako sa account ko. At tinignan yung mga notification ko.
Aba. Di pa rin nya ako inaaccept ah. Pakipot pa sya. Hindi nya rin matitiis ang poging to! Wala pa kayang tumatanggi dito sa mukhang to. Haha.
Nagmessage ako sa kanya.
To Sophia Grace..: Hi miss mumu. Ang pogi ko noh? Haha. :*
Haha. Siguradong maaasar na naman yun sa sinabi ko.
Naghintay ako ng ilang minuto pero wala parin syang reply.
Haissst. Antagal naman nyang magreply. Huh. Pasalamat sya sakin. First time kaya na ako yung naghihintay ng reply. Sa dinami dami kaya ng nagmemessage sakin, ni reply na "okay" hindi ko sila nirereplyan. Tss. -_-
Biglang nagbeep yung cellphone ko.
Akala ko sya yun. Kuya nya pala.
Kevin..: labas ka bro.
Hindi ko sya nireplayan. Bumaba ako ng kwarto tapos lumabas.
"Ahmm.. Young master, di pa po ba kayo matutulog?" -tanong nung isa naming maid.
BINABASA MO ANG
A Bad Boy's Feeling
Teen Fiction"THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE." Yan ang qoute ng story na'to. Kadalasan kasi, kung sino pa yung kinaiinisan natin, sila pa yung mga taong hindi natin aakalaing mamahalin natin. Pero, maiba tayo. Paano nga ba magmahal ang bad boy? Hi! :))))...