Chapter 41

62 8 1
                                    

[A/N: Hello po Sorry isang chapter pa lang nakayanan huhu ewan ko ba bakit wala sa hulog ngayon ang utak ko...But still hope you enjoyed ...para sa Valentines talaga dapat to eh kaso ngayon lang natapos huhu sorry ulit sa mga naganatay🤧🤧😭😭]

UMAGANG UMAGA PA LANG AY wala na agad sa mood si Tyler ....at alam nyang dahil iyon kay Rckey na mukang wala talagang balak pumasok ngayon...medyo nagaalala nga sya na baka dahil pa rin yon sa nangyari sa clinic ...hindi naman talaga nya kasi sinasadya para bang may sariling utak ang katawan nya nung araw na yon ...sya man ay totoong nagugulahan sa kung anong nararamdaman nya sa tuwing makakalapit, makakausap at makakasama nya ang lalaki.

"Ui Tyler alis na ako ah marami pa akong gagawin sa principals office baka mamayang hapon na lang tayo magkasabay paguwi" Nagpaalam na si Jhana at nakaalis pero hindi man lang nya yon napansin dahil sa sobrang lalim nang iniisip nya.

Break time na kaya naman naisipan nyang pumunta sa cafeteria ..magisa lang sya dahil may training ang mga basketball varsity ngayon isa na don si Denver habang si Jhana naman ay may duty as students secretary .

"Why are you alone?" Halos mapatalon sya sa gulat nang biglang sumulpot sa harapan nya ang nakapamulsang si Rckey ...hindi nya alam pero nakasimpleng Uniform lang naman ang lalaki pero bakit parang naguumapaw ang kagwapuhan nito sa paningin nya ...agad nyang iniiwas ang tingin dito na napapunta sa kamay nito...agad naman syang nangunot nang makitang may benda ang kamao nito.

"A-ah may ginagawa sila Jha...umh..a-akala ko hindi ka papasok ngayon." Mahinang aniya habang wala ang paningin dito ngunit ramdam nya pa rin ang mga titig nito na syang nagpapailang sa kanya .

"Ahh... let's go ." Nauna na itong pumasok sa Cafeteria...at katulad nang nakasanayan ay napunta na agad ang lahat nang atensyon sa lalaki.

"Omg! akala ko ba hindi pumasok si Rckey ngayon?! dumaan ako sa room nila kanina eh kaso wala sya !"

"Ang tangkad talaga nya shet ! ang pogi pa!"

" Pogi na yan sa inyo ? tsk.! kala mo kung sinong matino ...eh nakikipagrelasyon naman sa Principal!" agad syang napalingon sa isang lalaking nagsabi non ...sinamaan nya ito nang tingin... mukang kumakalat na sa buong Campus ang lihim nila Sam .

"What!? Huwag ka ngang imbento dyan Mark ...inggit ka lang kasi kay baby Rckey ko!"

"Ha! ayaw nyong maniwala ?! May nakakita pa nga dyan kila Rckey at miss Principal na magkasamang nag go grocery sa mall!"

Lalapitan na dapat nya ang mga ito pero nagulat sya nang pigilan sya ni Rckey .

"Tara na nakakagutom ." Anito kaya naman buntong hininga na lang syang sumunod dito para umorder nang pagkain .

Dumaan ang ilang minuto ng katahimikan pero sa tingin nya'y sa kanilang dalawa ay sya lamang ang nakakaramdam nang pagkailang dahil normal lang naman ang mga naging pagkilos ni Rckey mula nang bumili ito ng pagkain hanggang makaupo sila.

"Ehem!" Basag nya sa katahimikan..na agad namang ikinatingin nang kaibigan.

"Uhm! A-anong nangyari ?" Aniya sabay nguso sa kamay nito na mayroong benda.

"Nothing." nagpatuloy ulit ito sa pagkain.

Hanggang sa matapos sila kumain ay pinilit nya talagang alisin ang pagkailang at umakto nang normal..tutal naman ay mukang nagka amnesia na ang kaibigan at nalimutan na lahat nang nagyari sa clinic...which is good for him pero parang mas naiinis sya na wala lang dito ang lahat nangyari .

"Let's go" agad naman syang napatayo ng magakit na ito paalis .

"Uhm...teka. dito yung daan papuntang classroom." Aniya nang makita nyang lumiko ito papuntang parking lot.

He's a SheWhere stories live. Discover now