"Ang tagal-tagal mo naman!"
Reklamo ni Elle na naka-simangot sa 'kin. Kararating ko lang kasi rito sa bar kung saan gaganapin ang birthday niya. Bakit kasi sa bar pa? Pwede naman sa bahay na lang, pwede rin naman mag-inom sa bahay.
"Sorry, I'm late," sambit ko sabay abot sa kaniya ng paper bag na regalo ko sakanya. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. "Happy birthday, Cassia!"
"Thank you!" Agad siyang natigilan nang mapatingin siya sa buhok ko na medyo basa na dahil sa lakas ng ulan sa labas. "Bakit basa ka? Hindi ka ba nagdala ng payong?"
"Siyempre hindi, kaya nga ako nabasa, 'di ba?"
Inirapan niya ako sa naging sagot ko. "Halika na, nando'n na sila Elle. Ikaw na lang naman ang hinihintay."
Agad naman kaming nagpunta sa pwesto nila Elle. Nang makarating kami, sabay-sabay silang napairap.
"Maya, hey! Buti naman nagpunta ka, akala namin hindi mo na naman kami sisiputin," nagtatampong ani ni Yassi na mukhang naalala naman ang hindi ko pagsipot sa lakad namin noon.
Umupo na ako at nginitian siya. "Huwag ka na nga magtampo! Nandito na nga ako, oh."
Nagpaalam naman si Cassia na pupunta muna siya sa kabilang table para i-entertain naman ang iba niyang bisita. Ako naman ay napalibot ang tingin sa buong bar, pero agad din akong natigilan nang mapatingin ako sa isang lalaki na nasa kabilang table.
What is he doing here?
Oh, right. We are in the same circle of friends, bakit ko nga ba nakalimutan 'yon? Pero ilang birthday na ni Cassia ang lumipas pero hindi naman kami nagkikita dati.
"Oo nga pala," sambit ni Ally na mukhang nakita kung saan ako nakatingin. "Cassia invited him, sabi ko nga huwag na, eh. Pero mapilit siya dahil kaibigan niya pa rin naman daw si Adi."
"Sorry hindi ka namin nasabihan, alam namin na hindi ka pupunta kapag nalaman mong nandito siya," nakangiwing sambit ni Yassi.
"No, it's okay," sambit ko at uminom ng margarita na nasa harapan ko.
Anong okay? No! It's not okay. After what happened, I don't think kaya ko pa siyang makita at maka-usap ulit. I am so sick of what happened. Ayaw ko na siyang makita pa.
"Girls!" Sigaw ni Cassia kaya napatingin kaming apat sakaniya. Sa lakas ng boses niya, napatingin din tuloy ang ibang nasa table sa kaniya at sa amin.
Hindi ko naman sinasadya na mapalingon ako gawi niya.
Gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko na nakatingin din siya sa 'kin! Our gazes locked, but he quickly averted his gaze, as if he didn't recognize me.
Agad din akong nag-iwas ng tingin dahil pakiramdam ko anumang oras ay masasampal ko siya, na hindi ko man lang nagawa noon.
Hindi ko na alam kung ano bang sinabi ni Cassia pero nakita kong tumayo sila Yassi kaya napatayo rin ako.
Lumapit ako sakaniya at bumulong. "Anong meron?"
Tumawa siya at hinampas ako. "Masyado na bang occupied 'yang isip mo? Mag b-blow na ng candle si Cassia," natatawang sambit niya.
Tumango na lang ako at binalewala ang pang-aasar niya sa 'kin.
Agad akong naglakad palayo dahil masyadong crowded kung nasaan si Cassia. Hindi ko nga alam kung debut ba 'tong pinuntahan ko dahil ang dami niyang bisita.
Mabilis akong naglakad pero agad din akong natigilan dahil may nakabunggo sa 'kin. Agad ako tumingin ng pagalit sa nakabunggo ko pero agad din akong natigilan nang makita ko kung sino 'yon.
This time, hindi na ako naka-iwas ng tingin.
He's wearing a black and white stripes polo with a pair of white pants. Naka-bukas ang dalawang butones niya kaya medyo nakikita ang dibdib niya. Nakatupi rin hanggang siko ang sleeves niya.
"I'm sorry," sambit niya at naglakad na siya pero naglakad din ako pa-side kaya muntikan na naman kaming magkabungguan.
Agad na bumalik sa 'king ala-ala ang mga nangyari noon.
Everything of I was afraid of happening, happened.
"Excuse me, you're blocking my way," he stated.
Agad naman akong tumabi at mabilis siyang lumakad paalis.
Just like what he did to me back then, he left.
Like maybe, he never loved me after all.
BINABASA MO ANG
The Endless Night Rain
RomanceIt Girls Series #1 After break up, Maya is trying to save her relationship with her long-time boyfriend. Little did she know, her plans will be ruined after meeting Adriel, an engineer.