〖KABANATA 22〗

85 6 0
                                    

●・○・●・○・●・○・●・○・●

K A B A N A T A # 22
- COLD -

●・○・●・○・●・○・●・○・●

JOSH's

Ibinaba ko mula sa pinakataas ang box kung saan nag-lalaman ito ng mga dating mga ko. Hinipan ko ang mga alikabok dahil halos Apat na taon na rin itong naririto at makatago lamang.

Binuksan ko ang kahon at bumalik ang mga alaala ko noon. Nandito 'yung larawan namin noong hindi pa kami buong lima. Nandito rin 'yung larawan ng ilang mga trainees. Tsaka 'yung larawan ko nung Se'on pa kami.

Ang bilis ng panahon. Pfft.

Nabaling naman ang tingin ko sa Isang larawang nasa sulok ng Kahon. I picked it at napansin din ang papel na nakadikit sa likuran nito.

It's me and Kate. First date.

Napangiti ako ng kusa. Ang Jeje pa nung sinulat ko. Parang bumalik yung mga alalaala namin together.

Pero mabuti na't itapon ko na 'to. Ayoko ng mga bagay na nag-bibigay saakin ng sakit kahit na minsang nag-pasaya ito.

Inilapag ko muna ang larawan sa lamesa bago tumayo at nag-balak na kunin ang Basurahan. Kasabay naman nito ay ang pag-pasok ni Issa.

Sa mga oras na 'to kasi lagi syang nag-dadala ng kape every 4pm.

Inilapag niya ang Kape sa lamesa. "Kape n'yo po" ana niya bago nag-tangkang umalis. Teka ang Galang nya ha.

"Sandali! Intayin mo ko, sabay na tayo mag-meryenda" ana ko bago nag-madaling Bumalik sa lamesa ko ngunit napatigil ako noong nag-salita sya.

"Nag-meryenda na po ako" Malamig na sabi nya. Teka, Anyare do'n?

"Luh, 'di mo manlang ako sinabihan. Dahil d'yan ikaw mag-lilibre ng meryenda ko" Natatawang ana ko, She looked at me bago muling lumapit sa may lamesa at dinukot ang Wallet nya bago mag-lapag ng isang daan sa lamesa.

"Ayan nq po" sarkastikong ana niya bago lumabas ng Opisina na naging dahilan kung bakit ako nanlambot.

Anong nangyayari sakanya? Hindi naman nya ugali 'yon ah? Madalas kapag inaasar ko sya na ganon, Binubulyawan nya ko. Bakit parang nag-iba?

Dahil ba sa nangyari last week sa bahay nila?

Nahuli kasi kami ni Yan, mungtik na nga maisumbong ni yanyan kay Tito-Papa. Buti nalang napigilan ni Issa.

Kinuha ko ang mga larawan naming dalawa ni Kate bago ipinag-tatapon ito. Yung ilang mga regalo at mga gamit din na nag-papaala saakin itinapon ko na rin.

Parang ayoko nang alalahanin pa.

Grabe talaga mag-timpla si Issa ng Kape. Huling huli nya yung taste ko! Syempre, Ayoko ng Masyadong Matamis ayoko rin ng masyadong mapait. Kaya ang ginagaw niya nilalagyan nya ng gatas

Kasi walang makakatalo sa Alaska!

I grabbed the money bago lumabas ng opisina. Balak kong ibalik 'to kay Issa. Panigurado nasa rooftop 'yon.

Pansin ko kasi na lagi syang tumatambay sa rooftop these days. Pag-katapos nung muntik na kaming mabuking, Dito na sya laging tumatambay.

Mukhang may sama ng loob saakin. Pfft.

Isang hakbang nasa itaas na ko, Oo nandito sya. Kasabay ng bugso ng hangin ay ang pag-tibok ng mabilis ng puso ko.

Dahan dahan akong nag-lakad papalapit sakanya. Nakaharap siya sa Kawalan kaya niyakap ko sya patalikod na naging dahilan kung bakit nagulat sya.

"Anong Ginagawa mo?" Nag-aalangang tanong niya. Ipinatong ko ang ulo ko sa likod niya.

"Niyayakap ka, Engot ka ba?" Pang-aasar na tanong ko. Kanina ko pa inaantay yung tawa nya tsaka pang-aasar nya pabalik ngunit wala akong natatanggap ni-isa.

"Bakit" Malamig na tanong niya. Ano ba kasi talagang nangyayari?

"You've been cold lately" mariing sabi ko bago hinigpitan ang yakap ko.

"Did I? Anong ginawa ko para isipin mong Cold ako?" Tanong niya, ihinarap ko siya saakin bago sya tinitigan sa mata

"Oo, Ano namang nangyari sayo?" Tanong ko, ni-hanggang ngayon hindi sya makatingin ng maayos saakin.

"Ganito talaga ako, why? Are you going to hate me because I'm cold?" Ano bang nasa isip nito?

"Why would I hate you? Alam mo, Kung may problema ka pwede mong sabihin saakin. I'm ready to listen" ana ko bago ngumiti sakanya.

Hinawakan ko ang pisngi niya bago pangitiin ang kanyang labi. But her eyes, Ayaw makisama.

"Aba, Bastos talaga 'to. Ngingiti ka o ngingiti ka?" Pananakot na tanong. Then she smiled, pero alam kong peke iyon.

"Balik na tayo, Baka hinahanap na tayo"

TO BE CONTINUED. . .

✦ Love Against The Rules┋SB19 JOSH【✓】Where stories live. Discover now