❤️Chapter 26❤️

4.3K 118 0
                                    

Naalimpungatan lang ako ng maramdaman ang mabigat na braso ni Kalix sa akin.
Matapos ng insidente sa party kagabi ay inaya na ako ni Kalix na umuwi.

Malapit na mag alas singko dito sa Paris at ang aga kong nagising. Hindi pa rin ako sanay sa oras dito.

Kung nasa Pilipinas kami ay mag aalas dose na siguro doon, Isa sa normal na gising ko kapag weekends.

Babangon na Sana ako, ngunit humigpit pa Lalo ang yakap sa akin ni Kalix.

"Where are you going?" Namamaos niyang Saad, inaantok pa yata siya.

"I'll shower." Ani ko.

"It's still early, let's stay like this." usal niya naman, tinanguan ko na lang siya at pinabayaan sa gusto niyang mangyari.

Nilingon ko siya, Ang gwapo niya kahit tulog, napakaamo ng mukha.
I can't believe na narito kami sa iisang kuwarto at magkayakap pa!

Nagawa niya na din ba ito sa mga babae niya noon?

Uminit ang ulo ko dahil sa sariling iniisip.
Normal lang na nagawa niya na ito sa ibang babae after all he's Kalix Jace Monteverde, A filthy rich business man, bonus na lang 'yung kagwapuhan niya.

Makalipas ang ilang minuto ay Hindi pa rin siya bumabangon.

"Kalix, it's already 5." malamyos na tinig ang ginamit ko.

Dumilat siya at napansin ko agad ang namumungay niyang mga Mata.

Tumango siya, siguro napagtanto na niyang kailangan na naming mag ayos para sa mga plano namin ngayong araw.

Ako ang naunang bumangon ng pinakawalan na niya ako.

Nagshower ako at gumayak na.

I'm wearing a gray turtle neck, and loose pants, naka tuck in ito at mamaya ay isusuot ko na ang coat na black dahil malamig sa labas.

Lumabas na ako, napansin ko ang mga damit ni Kalix sa higaan.

Napansin kung parehas kami ng kulay ng mga damit.

Tumaas ang kilay ko at binalingan siya, nagkibit balikat naman Ito at nagtungo na siya sa shower.

Nakarating na nga kami sa Arc De Triomphe, Isa ito sa tourist spot rito sa Paris.

Kinuhanan ako ni Kalix ng picture at pinilit ko siyang kuhanan. Dadalawa lang ang nakuha ko sa kaniya, stolen ang Isa at naka busangot naman ang Isa. Ayaw niyang magpakuha sa akin ng picture!

"Come on Kalix, it's just a photo!" Pagpupumilit ko pa ngunit ayaw niya talaga.

"Then let's just take a pic together!" Ani ko, mabilis naman siyang lumapit sa akin.

Nagwacky pa ako pero si Kalix, normal facial expression lang ang ipinapakita sa mukha.

"Excuse me, Are you two a couple? I can take you a picture." Litanya ng ginang na kanina pa nanunuod sa Amin. I don't think she's a Pilipino though, mukhang Brazilian.

Masaya kong iniabot sa kaniya ang cellphone.

"Closer, hands intertwined please." Ani niya, mabilis namang kinuha ni Kalix ang kamay ko. Namumula ako, sigurado. Sana lang ay Hindi pansin iyon sa Camera.

"Now put your hands inside her waist!" Sigaw muli ng kumukuha ng picture sa Amin. Hindi na ako makangiti, naghuhurumentado na ang puso ko!

"Baby, smile please." nginisihan niya pa ako ng mapansin niya ang reaksyon ko sa ginagawa niya.

Ngumuso ako at sinubukang ngumiti.
Hindi ko Alam kung maayos ba ang ngiti ko roon, o ngiting mukhang kabado na.

"Another one! 3, 2!" Rinig kong saad ng kumukuha ng picture namin.

Bago pa ako makaayos ay hinila na ni Kalix ang bewang ko palapit sa kanya at marahan akong hinalikan sa labi.

Narinig ko ang pagclick ng camera kasabay din ng sigaw ng kumukuha ng litrato namin, "Perfect!"

Namumula kong tinignan ang mukha ni Kalix at nakita kong naaaliw siya sa reaksyon ko! Nakakairita!

"You two look very sweet together, I'll pray that you two get married soon!" Ani ng Ginang.

Nasa akin na ang cellphone ko, tinitignan ko ang mga litrato namin at bawat lipat ko ay namumula ako.

"Send me those picture." ani ni Kalix sa likuran ko.

"Paano ko isesend?"

"Instagram." maikling tugon niya.

"You have an account?!" Gulat pa ako, tumango naman siya.

"I'm not that active though." tumango ako at tinanong kung ano ang username niya.

Tinignan ko ang account niya at napansing Wala siyang post ni Isa pero ang dami niya paring followers!
300K?! Really?!

Ang profile niya ay siya ngunit naka side view lang, Kita ang kagwapuhan niya at ang maskulado niyang katawan.

Naka short lang siya rito at topless! Nainis agad ako, kaya andaming nag fa-follow sa kaniya eh!

"Change your profile pic!" Ani ko, nginusuhan niya naman ako.

"Why? I'm handsome in there." ani niya.

"Don't you get it, Riguel? Girls like those kinds of picture! Change it to your stolen shot I've Get!" Ani ko, tumango siya ngunit nakanguso pa rin pinipigilan niya ang sarili niyang ngumiti.

Tinignan ko muli ang profile niya at nakahinga ako nang maluwang na iba na Ito, sinunuod niya ang sinabi ko.

Nagulat din ako ng may pinost siya!
Ako 'yon at nakatalikod ako! Ang caption niya lang ay 'S'

Madami agad ang nag react roon at samot saring comments.

"Is she you're girlfriend?"
"Who's that?"
"You're in Paris?"

Ngunit Wala siyang pinansin ni isa roon.
Dahil nagpost na rin siya ay naisipan kong magpost din.

Pinost ko 'yung nakaharap ako sa Arc De Triomphe, Side view 'yon.

"You're in Paris?" - itsyourgirlamethyst.
Agad ko itong nireplyan.
"Yes." Sam.M.

Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon