Simula
"Hello! Nasan kana ba?" Bungad sakin ng kaibigan kong si Mira sa kabilang linya. Inilayo ko ang telepon sa aking tenga. Ang ingay naman.
Inilapit kong muli sa aking tenga ang telepono. "Wait lang eto na papunta na" Agad kong sabi.
"BILISAN MO!" Dinig kong sabay sabay nilang sabi. Mukhang kasama na niya ang dalawa.
Magkikita kasi kami ngayon. Napag desisyunan kasi nilang ngayon na kami magkita kita dahil busy sila sa kani kanilang trabaho at ngayon lang sila free na tatlo. Kauuwi ko lang din kasi kahapon galing ibang bansa, doon ako nagtrabaho sa nakalipas na dalawang taon.
Nag drive ako papunta sa napag usapang lugar. Doon kami magkikita kita sa milktea shop malapit sa dati naming school nung college. Malapit lang din naman doon ang bago naming bahay kaya hindi ako matatagalan.
Nang makarating doon ay naisip kong sa convenient store sa tapat ako magpark dahil wala namang parking sa harap ng milktea shop. Nasa gilid lang din ito ng kalsada kaya hindi pwedeng mag park lalo ang four wheels na sasakyan.
Maliit lang ang tea shop na iyon pero may iilang upuan sa loob kaya pwede ring tambayan.
Tinanaw ko ang milktea shop sa tapat kung nasaan ang mga kaibigan ko. Mukhang nandoon sila sa loob.
Bago ko pumunta doon ay naisip kong bumili muna sa convenient store. Ginugutom ako gusto ko ng siopao at wala namang ibang makakaing tinda sa milktea shop kundi milktea... syempre. Bibilhan ko na din siguro sila para di uminit ang ulo dahil sa tagal ko HAHA
Dirediretso ang lakad ko papasok sa convenient store ngunit nang makapasok ay agad tumama ang mata ko sa isang pamilyar na tao... taong hindi ko inaasahang makikita ko agad pagkabalik ko galing ibang bansa.
Parang tumigil ang paligid ko ng magtama ang aming mga mata. Natigilan din siya ng makita ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kaya nagiwas ako ng tingin. Hindi ko rin kinakaya ang blangkong titig niya sa akin ngunit ramdam ko ang bigat. Hindi ko maipaliwanag.
Nang lingunin ko ulit siya ay naglalakad na siya papunta sa mga kasama niya. Namukhaan ko pa ang ilan sa mga ito. Mga kasama niyang minsan ko na ding nakasama.
Nang makarecover ay naglakad ako papunta sa parte ng store na di ako mmasyadong kita, kahit nanlalambot pa ang aking mga tuhod. Kinalma ko ang aking sarili.
Hindi ako makahinga ng maayos... dalawang taon na ang nakalipas ngunit ganoon pa rin ang epekto niya sa akin.
Mula sa kinatatayuan ko o sabihin nating pinagtataguan ko ay kita ang pinto ng store kaya naagaw ang atensyon ko ng may pumasok doon na isang magandang babae, mukhang college student dahil naka uniporme pa ito. Naisip ko tuloy ganon kaya ako kapresentable tignan noong college ako? Parang hindi.
Masyado siyang maganda at dalagang dalagang tignan sa ayos niya. Samantala kami noon ay parang batang naligaw sa kolehiyo, madalas kasi kaming mapag kamalang mas bata sa edad namin noon.
Nakakatuwang isipin ang nakaraan. Nung panahong wala pa kaming ganon iniisip kundi ang mga requirements na ipapasa sa bawat subjects na meron kami. Hindi katulad ngayon na madami ng responsibilidad na kailangang intindihin at isipin. Hindi na pwedeng sarili mo lang ang iisipin mo.
Napabuntong hininga nalang ako at kumuha ng iilang pagkain. Pupunta na sana ako kung saan nakalagay ang siopao na sinadya ko ng maagaw ng atensyon ko kung sinong papalabas... yung magandang babae kanina kasama nila Mavi at... at nakaakbay pa siya dito.
Napatulala nalang ako sa pintuan sa nakita ko. Siya ba yung bago niya? May bago na pala talaga siya.
Hindi ko mapigilang masaktan sa nakita. Hindi ko mapigilan dahil kahit dalawang taon na ang lumipas ay wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ko.
Hindi ko inaasahan na magiging ganito kasakit ang pagbabalik ko ngunit wala akong dapat sisihin kundi ang sarili... dahil ako naman ang may gusto nito. Ako ang nag desisyong umalis dahil sa mga responsibilidad ko.
At kahit ibalik ang pagkakataon ay alam kong iyon pa din ang magiging desisyon ko.