Byahe [KenTell]

648 27 4
                                    

"Byahe"
Stell One Shot AU Ft. Ken
Written By: Zeileex_Writes

Total Words: 986 Words

Warning: ERRORS AHEAD. Typographical & Grammatical Error.
PLAGIARISM IS A CRIME. Don't copy and Re-post.
READ AT YOUR OWN RISK.

Follow Me Here For More!

Facebook Page: SB19 FanFic Stories | Road to 800 na!

Facebook Fan Account: Zeileex Writes

Enjoy!

_____

Hindi ka bibitawan sa'n man mapunta ang byahe nating dalawa~

Hindi kita bibitawan, hindi ko bibitawan ang pangako kong makakasama ulit kita sa panibagong byahe ng ating pagmamahalan...

Pangako mahal ko, babalikan kita...

Ken's Point Of View

"Ken. Pangako babalik ako, babalik ako.." Hawak hawak niya ang kamay ko habang sinasabi ang mga katagang iyon. Bumalik ka...

Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sa'kin ang puting kisame. Kinapa kapa ko ang pisngi ko at may luha nanamang tumulo rito.

Napanaginipan ko nanaman ang lalaking 'yon, sino ba kasi siya? Bakit lagi lagi ko nalang siyang napapanaginipan? Anong koneksyon ko sa kaniya?

Ang dami dami kong tanong na hindi ko man lang malaman laman ang sagot. Sigh.

Napatingin naman ako sa lalaking kakapasok lang dito sa loob ng kwarto ko.

"Oh buti't gising ka na. Kain na tayo naghanda na ako ng breakfast." Nakangiting wika ni Josh. Nginitian ko naman ito pabalik at tumango tango.

"Susunod ako." Ani ko naman sa kaniya.

Tumango lang rin siya at sinara na ang pinto ng kwarto ko.

Bumaba na ako sa kama at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Nang matapos akong maghilamos ay lumabas na ako sa kwarto at nadatnan naman na kumakain na sina Josh at Justin. Napangiti na lamang ako at nakisalo sa kanila.

Inamoy ko muna ang pagkain bago ako nagsandok ng kanin at kumain.

"Kumusta tulog mo?" Tanong ni Justin.

"Okay naman. Gaya pa rin ng dati may lalaki akong napanaginipan at siya ulit 'yon. Hindi ko nga alam kung bakit ba hindi pinapakita ng panaginip ko ang lalaking 'yon." Napakamot nalang ako sa ulo tapos ay sumubo ng kanin na may tocino.

"K-kahit anong mukha hindi mo nakita?" Tanong ni Josh. 'Di ko alam ba't lagi siyang utal tuwing pinaguusapan namin panaginip ko. Pati si Justin gano'n din.

"Hindi talaga tanging boses niya lang ang malinaw sa'kin. Siguro nga kung maririnig ko yung boses niya sa kung saan malalaman kong siya 'yon. Pero imposible naman na totoong tao yung nasa panaginip ko 'no?" Tanong ko sa kanila.

"O-oo imposible nga kaya kumain ka nalang diyan.." Ani naman ni Justin. Ang weird talaga nila tuwing pinaguusapan 'yon. Napailing nalang ako at sumubo nang muli ng kanin.

Nang matapos kaming kumain ng agahan ay ako na ang naghugas ng plato dahil sila naman ang nagluto haha. Tsaka kailangan pa nilang magpraktis para sa audition nilang dalawa mamaya.

"I love you."

"I love you."

"I love you."

Napahawak ako sa sintido ko nang sumakit ito at umalingaw-ngaw ang boses na 'yon

"Hoy Ken." Inalalayan ako ni Justin na umupo sa upuan. "Ayos ka lang?" Tanong nito.

"Sakit ng ulo ko dre." Sagot ko naman sa kaniya habang hinihimas ang ulo kong masakit pa rin.

"Pahinga ka nalang muna sa kwarto mo." Ani Josh na nakatayo na rin sa harapan ko.

" 'Di pwede sasamahan ko kayo mamaya eh." Saad ko naman sa kanila.

"Mas importante health mo kaysa sa pagsama sa'min. Kaya naman na namin mga sarili namin." Nakangiting wika ni Justin. Tumango nalang ako, wala na rin naman akong magagawa kung iyon desisyon nila. Siguro kailangan ko lang talaga ipahinga 'to.

Ano ba kasing problema ng ulo ko? Bakit lagi nalang sumasakit? Sigh.

Hinatid pa ako ng dalawa sa loob ng kwarto ko tapos ay lumabas na rin agad. Naupo na lamang ako sa kama at pinagmasdan ang puno sa labas ng bintana kung saan ako nakadungaw.

"Bakit ka ba naiilang? May feelings ka na sa'kin 'no?"

Muli akong napahawak sa sintido ko. Argh sino ba kasi ang lalaking 'yon? Bakit lagi siyang nasa panaginip at utak ko?

"Mahal na mahal kita.."

Napahiga nalang ako sa kama at pinikit nalang ang mata ko. Hindi nagtagal nakatulog na rin ako ulit.

Habang naglalakad sa kawalan may nakita akong isang lalaki na nakatayo at nakasandal sa kaniyang kotse

"Biyahe na tayo!" Nakangiting saad nito sa'kin.

Para bang hinihila ako nito pasakay sa kotse niya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagmamaneho ito.

"Ga?" Umalingaw ngaw ang boses nito sa buong paligid na ikinasakit ng ulo ko.

"Kasama mo 'ko sa lahat ng biyaheng pupuntahan natin... Ken." Ani nito.

Unti unti namang luminaw ang mukha nitong dati'y malabo. S-Stell...

Nagising ako at agad na napabangon sa kama. Naalala ko na, Stell. Naaalala na kita.

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo kila Josh at Justin.

"Josh, Jah. Na-na-naalala ko na lahat, kaya pala gano'n ko na lang siya mapanaginipan araw araw." Excited na wika ko sa kanila.

Lumapit silang dalawa sa'kin ng may lungkot sa mga mata nila. Bakit?

"Dre. Sigurado ka naaalala mo na?" Tanong ni Josh. Dahan dahan naman akong tumango sa kaniya.

"So alam mo na rin yung nangyari 6 months ago?" Tanong naman ni Justin.

Napatingin ako sa kawalan at inalala ang lahat.

"Ken. Patawad gusto ko lang malaman mo na. Mahal na mahal kita langga. Sa susunod na byahe ng ating pagmamahalan sinisigurado kong magiging masaya na at wala ng trahedya." Hindi ako nakapagsalita at hinihintay nalang na mabunggo ang kotseng minamaneho ni Stell.

And then all went black. Dumilat pa ako at tinignan siya na sa tingin ko'y wala ng buhay. Mahal...

Napaluhod na lamang ako at napaluha. 

"H-hindi" P-patay na siya. S-sorry Stell hindi kita nailigtas. No...

Nagsimula na akong humagulgol habang nakaluhod sa sahig.

Ngayon lang bumalik ang alaala ng kahapon. Mga masasakit na ala ala at ang mga masasaya. Mahal na mahal kita Stell.

__

Stell's Point Of View

Nakangiti ako habang nakatingin sa lalaking grabe umiyak. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito.

Patawad mahal ko kung iniwan kita. Inalis ng diyos ang ala-ala mo para kahit papa'no sumaya ka. Pero ngayon bumalik na lahat sana maging masaya ka pa rin.

Hindi ko bibitawan ang pangako kong makakasama ulit kita sa panibagong byahe ng ating pagmamahalan...

Pangako mahal ko, babalikan kita...

The End
________

Don't Forget To Press Vote!

SB19 STELL [ONE SHOT COLLECTION]Where stories live. Discover now