It was around eight o'clock in the evening but I am still here sitting while embracing the cold and dark atmosphere of the park where I was.
Ayoko pa umuwi.
Pinapakiramadam ko ang kantang pinapakinggan ko ngayon. Ito ung sikat na kantang mapanakit sa mga relasyong natapos ng hindi mo mawawari kung bakit nag kaganun.
Ganun siguro ang buhay lalo na sa pag-ibig. Dadating ito sa buhay natin pero hindi mo sigurado kung hanggang kelan mag tatagal. Realidad yun ng buhay.
Gaya ng nangyari sakin.
Hindi ko sinasadyang mapatingin sa kaliwang bahagi ng parke kung nasan ako.
Meron doon isang babae at isang lalaki na masayang kumakain. Nakita kong mga streetfoods yun, napansin ko din na kagaya ito ng streetfoods na kinakain ko noon base na rin sa lagayan nun. Sa gilid ng lalaki ay may tatlong malalaking sunflower, kaparehas ng gusto kong bulaklak.
Tiningnan ko ang babae at base sa suot nitong hairclip napansin kong parehas din kami.
At higit sa lahat parehas din kami ng lalaking nakasama. Yun nga lang ako tapos na, sila nag sisimula pa lang.
Ang kaninang gaan ng pakiramdam ko ay unti-unting bumigat.
Ganyan din kami noon, hangang gabi nag d-date. Hindi alintala ang oras kapag kasama ko sya, ngunit simbilis naman kapag kami ay masaya.
Ang saya-saya din namin noon kaya hindi ko alam kung bakit bigla yun natapos ng hindi ko namamalayan.
Nagulat ako ng mapansin kong napasulyap siya sa pwesto ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko pero, pinilit kong ngumiti. Napatitog sya sakin at kalaunan ay ngumiti ng maliit. Kasabay nun ang biglaan nyang pag iwas na akala mo napapaso syang tumingin saakin.
Hanggang ngayon palaisipan parin sakin kung bakit kami nag kaganito.
Tinitigan ko ang lalaking nag pasaya sakin noon, ang lalaking nag tatanggol at kasama ko noon. Pero noon yon...
...may iba na sya ngayon.
At kung ano ang ginagawa nila ngayon. Ay dati ko din naranasan at naramdaman kasama siya.
de javu kumbaga.
Malalim akong napabuntong hininga.
Uuwi na ako.
Marami pa akong kailangan tapusin. Marami pa akong kailangan gawin at patunayan. At hindi kasama dun ang patunayan ang sarili ko para mahalin at iwan din pag katapos.