Kasalukuyan akong nasa taping ngayon, may pelikula kaming ginagawa ngayon at ako ang bida sa palabas na 'to.
Hindi na din naman nakakagulat, hindi na nga sila nagpaaudition para sa leading lady dito. Never pa ako nakakuha ng supporting role sa mga series and movies na nagawa ko, lahat ay bida.
Pero to be honest, sa mga movies na about love na nagawa ko never ako pumayag sa mga kissing scene, pinepeke lang namin.Hindi sa maarte ako, hindi kasi ako yung tipo na hahalik ng kung sino sino. Para sa akin sobrang mahalaga nun sa'kin, gusto ko kasi na yung unang mahahalikan ko ay yung taong mahal ko at mahal ako.
"Savannah, scene nyo na." tawag sa akin ng manager ko.
"Wait, lemme fix my hair." Maarteng tugon ko sa kaniya at inirapan siya.
Hindi naman ako maarte at mataray. Sadyang dito sa showbiz meron kaming iba't iba pagkatao, kailangan mong ingatan ang sarili mo lalo na sa mga nakakasalamuha mo dito kung ayaw mong mapahamak.
Hindi lahat ng nandito ay totoo, iba ang nakikita ng tao sa kung ano kami sa likod ng camera.
Kailangan kung anong gusto ng mga taong makita sa'yo ay ganon ka, kasi once na ayawan nila yung kahit maliit na bagay na hindi pasok sa tingin nila kung ano ka, huhusgahan ka nila na para bang alam nila yung buong kwento at ikot ng bituka mo.
Para kang isang robot na kailangang sumunod sa kanila, dahil kung hindi? Talo ka.
Sa totoo lang ay ayoko naman talagang mag artista, pero gusto ni daddy na maging artista ako. Palamunin lang naman nya ako sa bahay so I have no choice but to follow what he wants me to become at isa pa I'm earning my own money, hindi ko kailangang dumepende sa kaniya and malaki na din yung savings ko sa bangko.
He's a good dad, pero medyo nagfofocus sya sa kapangyarihan na meron sya. He's a politician, I came from a politician family.
He's one of the senators here in the Philippines ngayon. And I have an older brother and sister na nasa politika at showbiz din. Ang alam ko ay kahit noon palang ay pamilya na namin ang namumuno sa bansa.
Gusto ni daddy na mag artista kaming magkakapatid para mas lalong makilala ang pamilya naming para sigurado ang pwesto tuwing election, wala sa plano kong pumasok sa politika dahil alam ko kung gaano karumi maglaro ang ilan sa kanila.
Kilala na din naman yung family namin dahil gaya ng sabi ko, pamilya na namin ang namumuno noon pa man. Inayos ko na ang buhok ko at sumunod sa kanila.
Mabilis kaming natapos, last day na namin ngayon at makukuha ko na rin yung phone ko.
Almost two months din akong puro trabaho at hindi nakumusta sila mommy dahil hindi kami pinapahawak ng gadgets habang nasa taping, idagdag mo pa na nakalock-in taping kami kaya hindi din ako makakauwi at wala akong choice kung hindi ang tumunganga dito kung break.
Yung manager ko din yung humahawak ng mga soc media accounts ko nung nagstart kami magtaping para daw maupdate yung mga fans sa ganap at mga nangyayari dito.
Maya maya lang ay makakauwi na ako, nag aayos na kami ng gamit ng Personal Assistant ko. Tinutulungan ko sya para mas mabilis kami, hindi naman ako yung tipo na tutunganga lang sa kanya habang sya nag aayos. Ako naman yung gumamit ng mga 'to at hindi sya.
Habang nagliligpit kami ay biglang pumasok si Direk Lara sa tent naming kasama ang mga artista, isa sya sa magagaling na direktor sa industriya at ilang pelikula na din ang nagawa ko na kasama sya.
"GUYS! GUYS!" pag agaw nya sa atensyon naming kaya naman napunta sa kanya lahat ng atensyon namin.
"I'm not sure how to express my gratitude for your assistance with the most recent project, but I consider myself quite fortunate to be working with you all. You guys are fantastic to work with, and I appreciate all of your time and effort. In the last few months, I've had the pleasure of getting to work directly with you." Tahimik lang kaming pinagmamasdan sya habang nagsasalita.
"Thank you for being such an important member of our team. Every day, I am glad for the opportunity to work with you guys. Your ongoing support and all of the assistance you guys offered on our project were quite helpful." kailan ba sya matatapos magsalita? Charot.
"It means a lot to me. It's a fantastic piece of workmanship. You all did an excellent job! And don't forget to take a break." Naiilang naman siyang tumingin sa akin at ngumiti ng mapait bago umalis.
Weird.
May onting salo salo pang naganap kanina. Hindi ko alam kung bakit hindi pa binibigay sa akin ng Manager kong si Lucas yung gadgets ko. Kasi yung mga kasama kong artista eh nakuha na nila yung kanila.
Naging mabilis ang takbo ng oras at nasa van na kami. Medyo matagal pa ang magiging byahe naming kaya matutulog muna ako dahil pagod na ako.
Nang ipikit ko ang mata ko naalala ko na hindi ko pa pala nakukuha yung phone ko kay Lucas.
"Lucas...." pagtawag ko sa kanya
"Yes?" malumanay na tugon nya
"Where's my phone?" matamlay na sabi ko sa kaniya
Para naman syang nakakita ng multo dahil sa sinabi ko at napatitig sa tinatahak naming daan pabalik sa manila.
"LUCAS!" sigaw ko sa kanya
"I said where's my phone?" inis na sabi ko
Napatingin lang ito sa akin at parang kinakabahan na ewan. Nawala ba nya yung phone ko? Hawak nya naman yun kanina ah.
"Aahhh.. ahhh... kaasi...."
"WHAT THE FUCK LUCAS?! GIVE. ME. MY. FUCKING. PHONE. NGAYON. NA! I NEED TO UPDATE MY MOM THAT I'M ON MY WAY HOME NA" inis na sigaw ko sa kanya kaya naman kinuha na nya ang phone ko sa isang pink na pouch na nasa tabi nya at iniabot ito sa akin.
"Good." malumanay na tugon ko sa kanya at binuksan na ang phone ko
Excited na akong makausap si mommy kasi ang tagal na naming hindi nag uusap. Miss na miss ko na sila, sobrang close namin ni mommy at hindi ko talaga kayang mahiwalay sa kaniya ng matagal.
Actually wala talaga sana akong balak na tanggapin yung project na 'to kasi nga lock-in taping. Pero dahil nga bida bida 'tong manager ko eh sabi nya G daw ako at isa pa pinupush din ako ni daddy kasi malaki yung project na 'to at mas lalo daw makikilala yung pamilya namin.
Nang mabuksan ko yung phone ko ay may nakita akong 100+ na unread messages. Ang dami naman neto, sino sino ba 'to?
Ay artista nga pala ako, nakalimutan ko hehe.
"Ba't di mo binasa yung mga messages ko dito? Baka mamaya may importante dito" gulat naman siyang napatigin sa akin at hindi sumagot.
Hinayaan ko nalang siya at binuksan yung mga messages. Nagulat naman ako dahil puro condolence yung mga messages dito and a month ago pa. Napatingin ako sa manager ko na halatang kinakabahan na ngayon.
Iniscroll ko yung mga messages at para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa isang message na nabasa ko galling sa best friend ko.
From: Rachel mukhang tuko -_-
Hey Ry, I am truly sorry to hear of the loss of your mom. I'll never forget tita Rhianne's kindness. I know that you love her so much and alam ko na sa kanya umiikot yung mundo mo. Be strong! I'm always here for you! Please accept our condolences, luv u! ☹(
Parang gumuho ang mundo ko after ko basahin yung message na yun.
Nananaginip ba ako?
Kasi kung oo...
gisingin nyo ako please.
BINABASA MO ANG
Trapped in 1886
Historical FictionPaano kung isang araw ay magising ka nalang sa hindi ganon kapamilyar na lugar, mga bagay at tao. Paano kung isang araw ay mapunta ka sa isang panahong imposibleng mapupuntahan mo. Sa panahong nakalipas na. Sa panahong hindi mo alam ang pamumuhay at...