February 14 2015.
Sa loob nang mall nato. Sobrang daming koreano yung nakikita ko.. pero kahit anino niya hindi man lang nagpakita. Tuwing sinasabi nang kaibigan kong "Oy korean oh!" palagi akong naaalarma at napapalingon. Pero unfortunately, wala siya.Nakapangalumbaba ako habang sinisipsip yung McFloat na nilibre sa akin nang kaibigan ko. Actually.. nandito ako ngayong valentines na ito para huntingin siya. Alam nyo na? Gusto ko ulit siya makita at gusto kong mabuhayan na hindi lang ako basta ilusyunadang palaka. Pero eto nga, wala siya at hindi siya lumilitaw.
Sigh. Magpakita ka na please? Napanghihinaan na ako nang loob na baka umuwi na siya ng korea. Wag naman sana! T^T Ni hindi ko man lang siya nagawang kausapin o ma'approach. Baka nga.. baka kaya antagal niyang magpakita ay dahil wala na siya rito sa pilipinas. Baka nagbakasyon lang siya rito at umuwi na. Hindi malabong mangyari yun hindi ba? Uwaaaaah! T^T Enebeyen! Wala man lang akong naging chance! I pout.
"Oh? Valentines ngayon hindi holy week."
Sabi ng kaibigan kong kararating lang galing ng comfort room. Tinarayan ko siya at humalumbaba ulit. Sigh.
"Baka umalis na nang bansa si koreano! Hala. Tingin mo?"
"Malay ko. Try mong maglagay ng malaking banner dito sa loob ng SMFairview na may nakalagay na 'HAVEYOUSEENTHATKOREANO?' para malaman mo."
"Wag na. Gumagawa na siya ng ingay sa wattpad eh wag naman pati ipagsigawan sa lahat na inlove ako sa isang stranger."
Nagshrug lang ulit siya at nagsip sa float niya. Ano ba naman to.. nakiki-paghabulan ba ako sa kanya? Para akong nakiki-pagpatintero sa tadhana.When will i meet him again? How? Sana.. sana talaga nagkaroon ako nang chance na kausapin siya noon para hindi ako mukhang tangang naghihintay ulit ng pagkakataon.
Magkikita pa ba kami ulit? Nakakapagod hanapin yung koryanong yun ah. Nasaaan kaya siya?Hey! Can i ask you? Haveyouseenthatkoreano?
BINABASA MO ANG
HaveYouSeenThisKoreano?
Short StoryI have a logic for you guys. Basahin ninyo ng mabuti para matandaan ninyo. May pera akong bente pesos tapos habang naglalakad ay nakapulot ako nang another bente pesos, bumili ako nang tubig sa halagang bente, tapos habang naglalakad ako ay nakakita...