Prologue

10 0 0
                                    

"Sam gusto ko lang malaman mo na, simula nong nakilala kita don nagsimulang magbago yung takbo ng buhay ko. Ikaw yung naging dahilan bakit tamang landas yung tinatahak ko ngayon, pangako hinding hindi kita lolokohin gaya ng ginawa nila sayo, hinding hindi kita sasaktan at paiiyakin. Mahal na mahal kita, hayaan mo akong patunayan sayo araw araw at iparamdam sayo araw araw yung pagmamahal na deserve mo. Sobrang tagal ko ng gustong itanong sayo tong bagay na to pero ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob."  Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko, nangingilid na din yung luha ko pero pinipigilan ko. hanggang sa lumuhod siya sa harap ko.

"Samantha Lopez will you be my girlfriend?" Nakatulala lang ako sakanya hanggang sa nakita ko yung naghalong kaba at takot sa emosyon niya.

"I-f h-hindi kapa h-handa ayos lang walang pressure" Ngumite siya ng pilit.

Tinitigan ko siya sa mata ng ilang segundo at tumango ako.

"Is that a yes??" naniniguradong tanong niya.

"Yes, yes, yes!"

"Woahooo!! Girlfriend ko na si Samantha Lopez! yes yes yes!! I love you so much Sam :*" para siyang batang nabilhan ng gustong gusto niyang laruan sa sobrang tuwa tuwa niya.

"I love you baby!" bulong niya habang nakayakap sakin.

"I love you too Gio"

-----------------------------------

"Sam"

"Sam, gising nanaginip ka"

Nararamdaman at naririnig kung ginigising ako ni chelsea pero hindi ko minumulat ang mata ko. Gusto ko pang namnamin yung pinaka masayang araw namin ni gio nong mga panahong ako pa yung mahal na mahal niya.

"Sam, alam kung gising kana. alam kung mahirap pero hanggang kelan ka makukulong sa nakaraan mo?" Ramdam ko yung hagod ng kamay niya sa likod ko. Isa din yan sa mga tinatanong ko sa sarili ko, hanggang kelan nga ba?

"Okay lang ako chelsea" Bulong ko.

"Gusto kung mapagisa, iwan mo mona ko."

Time HealsWhere stories live. Discover now