"Do you have a lighter?"Masama ang tingin na nilingon ni Cornelia ang katabi niyang may hawak na isang kaha ng Virginia Slims na halatang bukas na dahil may isa nang piraso ang nakaipit sa bibig niya.
"Do I look like I have one?" Inis na sagot naman niyang patanong. "And how much longer do you plan on keeping up your smoking habit, huh, Lilith?" Dagdag pa niyang tanong.
"Why? Ngayon na nga lang ulit, eh," nakangusong depensa niya na napilitang ibalik ang stick ng sigarilyo sa kaha nun saka itinago sa back pocket ng pantalon niya.
Hindi napigilan ni Cornelia ang mapangiti nang palihim sa inasta niya. Stubborn as always, she thought.
"Hey."
Sabay na napalingon ang dalawa dahil sa narinig nilang boses. The newly-wed couple.
"Hi," nakangiting bati ni Ice na agad namang ikinalawak ng ngiti ni Cornelia nang makita nila ang mga ito.
"Hello, hello. Kamusta?"
"We're good," sagot naman ni Ice na ibinaba ang hawak na paper bag sa lamesang katabi nila. "May dala kaming snacks."
"Laxus, may lighter ka?" Singit ni Lilith dahilan para sikuhin siya ng asawa.
"Kadarating lang namin, lighter agad ang hinahanap mo? Saan mo gagamitin? Akala ko ba hindi ka na naninigarilyo?" Sunod-sunod na tanong ni Laxus sa kapatid niya saka pahabol na napatawa. "Mabuti na lang, ibang yosi ang sinisindihan ko. Mas nakaka-adik pa," dagdag niya na ngumiti't kumindat kay Ice pero sabunot lang ang napala niya.
"That's what I thought too," saad ni Cornelia na inikutan ng mata ang esposa. "But your sister is a hard-headed bitch."
"Puwede ba, huwag niyo akong pinagkakaisahan. Sabihin mo na lang kung meron o wala, hindi yung kung ano-ano pang sinasabi mo diyan," irap niya kay Laxus.
"Meron. Lagi akong handa, eh. Sakto kaseng magbabakasyon rin kami rito ng isang linggo."
"Bakit? Saan mo gagamitin at naghanda ka pa ng lighter?" Kunot-noong tanong ni Cornelia.
"Siyempre, pansindi ko ng kandila," nakakalokong tawa niya ang nagpatalim sa mata ni Ice. "May gagawin kaming mga rituwal kapag gabi."
Kahit na naguguluhan ang dalawa at walang ideya sa sinasabi ni Laxus ay hindi na lang sila sumagot. Kinuha agad ni Lilith ang lighter at agad na lumayo sa kanila.
Napabuntong hininga na lang din si Ice at inutusan si Laxus na ilagay sa refrigerator ang dinala nilang ice cream at chocolate brownies. Napakamot ng batok na tumalikod ang huli na halatang gustong magdabog.
This day was purposefully set aside for their family to enjoy together, some quality bonding time. Makalipas ng isang buwan matapos ng kasal nina Ice at Laxus ay nagplano ulit sila na magsalo-salo sa family house nila- together with their parents- kaya nandito silang lahat. Medyo male-late lang sina Ace dahil galing pa silang Tagaytay.
Kahit na busy si Laxus at Lilith sa kani-kanila nilang trabaho ay nagawan pa rin nila ng paraan para magkaroon ng free time. Laxus being the chief executive officer of his own engineering company and Lilith as the boss of Damone Group of Companies. Yes, mas mayaman ang ate niya kaysa sa kaniya. Also powerful, mentally and physically.
"Oo, nga pala, kasama niyo ba ang anak niyo?" Tanong ni Ice na naupo sa kabilang rattan chair sa tabi ni Cornelia.
"Yes. Look, nandoon sila sa garden."
Napunta ang tingin niya sa itinuro ng daliri nito at saktong natanaw nila pareho ang mga bata sa may damuhan. Knowing Nixus was already there with her son, too.
BINABASA MO ANG
Strawberries and Cigarettes - BOOK II of FILWMBTB [ON-HOLD]
Random"Lit up my cigarette and I'll lick your berries." ••• Nixus and Charlie met under extraordinary circumstances and found a connection that goes beyond mere coincidence. As they forged their friendship, they learned an unexpected truth--- they are cou...