Ngayon wala silang ginawa kundi manggulo sa bahay namin grabe para silang hayop na nakawala sa kulungan bakit? pinapahirapan ba sila ng mga magulang nila sa kanilang tahanan hahaha biro lang guys biro lang
" HOY! " nagulat ako kasi ginulat ako ni drake siguro naman po obvious di ba po?
"Ano ba kasing pinag iisip mo jan ha?" Takang tanong nya sakin akmang pasagot nako pero may sumabat sa aming usapan
"Wag mo akong masyadong isipin baby nakakapagod tumakbo sa isipan mo e hahaha!" Mayabang na pagkasabi nya ang kapal ng muka ha
"Muka mo! Lumayas ka nga jan!" sabi ko sakanya e pano umupo ba naman sa gitna namin ni drake at nakisiksik ng nakisiksik saamin
"Alam mo kasi baby dapat kanang masanay sa mga gantong bagay" ikinawit nya yung kamay nya sa balikat ko habang sinasambit nya yung mga mayayabang nyang salita
hinampas ko yung tyan nya dahil ako mismo di ko matanggap yung kayabangan nya
"ARAY KO NAMAN YUNG ABS KO BABY MASHAKET AH MASHAKET!" pacute na sabi nya
"Umayos ka muka mo!" sabi ko tsaka ako lumayo sakanila at nanahimik sa sulok tinawag nya ko pero di ko na sya pinansin pa kinuha ko yung iPad ko at sinaksak ko yung earphone at nagpatugtog na lang
Inistalk ko na lang yung real baby ko si Lee min ho babes! Grabe napaka pogi nya pag nakita ko talaga sya di pwedeng di ko sya mayayakap grabe talaga
Sinearch ko yung official account nya sa Facebook at minessage ko sya na mahal na mahal ko sya wala naman akong ibang sinabi sakanya kundi yun lang hay nako!
Dapat kasi pagmahal mo mahal ka rin dapat e be fair naman no minamahal mo sya tas binabaliwala ka lang duuuh ano to?
Nagulat ako kasi biglang tumahimik sa paligid ko inalis ko yung earphone ko at nilock ko yung iPad ko pag tayo ko biglang namatay yung ilaw anak ng talmuput limang tupa naman oo! Ano nanaman bang pakana nila ha!
"Guys itigil nyo na yang kalokohan nyo buksan nyo na yung ilaw ang dilim dilim oh!" inis kong sabi sakanila dahil yung ilaw na lang ng moon yung nagsisilbing liwanag sa nakaawang na kurtina.
Naglakad pako ng onti pero hindi parin sila tumitigil sa mga pakana nila mga to oo!
"Hindi nako natutuwa ha!" Sigaw ko pero wala pa ding nangyayari nakatayo lang ako dito sa tabi ng cabinet at di na humakbak pa ang dilim dilim na jusko paano?
"MANANG!!!!!" hindi ko na nakayanan at sumigaw nako at sana naman nadinig ni manang sa baba, please naman oh dinggin nyo naman nako! Alisin nyo nako sa mga taong to
Nagulat nalang ako dahil may kumaluskos malapit sakin at may sinasabi pero di ko marinig ano ba yoooon?
"Three GO!"
"HAPPY BIRTHDAAAAY CIEN!!!!" nagulat ako sa sigaw nila at sa mga nakita ko grabe napaka daming balloons na nasa kisame kasi yung lumilipad yung gamit nila na may picture ko tapos maliliit na balloons sa floor rainbowwww! ang ganda ano ba to naiiyak ako?
Birthday ko na pala kahit ako di ko na naalala grabe ganon na ba pag tumatanda? palimot na ng palimot hanep
Isa isa silang lumapit sakin at binati ako
With rose pa syempre inupo muna ako nila Lorreine and angel sa chair na parang upuan ng Queen omg! Wala manlang nag inform na ganto de sana nag gown ako hano hahaha!
"Happy birthday cien!" sabi ni lorreine sabay abot nung gift nya and rose itinabi ko naman sya sa table sa gilid ko mamaya ko na lang bubuksan
"Thankyouuuu" sabi ko
"Happy birthday pretty"
"Thankyou angel mas pretty ka!"
"Happy birthday bestfriend"
"Thankyou drake, bestfriend hahaha!"
Teka bat kulang? asan na si jayden.
"Ahm guys asan si jayden?"
Tanong ko sakanila pero hindi sila kumikibo at sabay sabay silang tumingin sa tapat namin ganon na din ako at nakita ko sya na may hawak na cake at binigay sakin
"Happy birtday baby thanks for being part of my life" Di ko maiwasang kiligin at sa malamang sa ngayon namumula nanaman ako
"tha-thankyou jayden" utal na papasalamat ko sakanya
"Tsk, kailan mo din ba ako tatawaging baby ha!" inis na sabi nya sabay kiss sa noo ko at parang batang umalis sa harapan ko ano yun na yon ha?
Tinignan ko yung design nung cake ang cute hahaha! #disisyete baby yung nakalagay grabe ha parang ang hirap naman Kainin neto
"Hoy mamaya kana manakam sa cake mo hindi pa tapos!" Pabulong na sabi nya sakin at tsaka sumenyas na timingin ako sa harapan ulit namin at di pa nga talaga tapos ang celebration
Pagkatingin na pagkatingin ko di ko naiwasang magulat at maiyak bakit sila andito?
Next update :)
Pls vote and comments guys thanks for reading hihi :>
BINABASA MO ANG
"I love it when you call me baby"
Novela JuvenilSi dhann jayden sevino at cien yassie smith ay magkaibigan actually marami silang magbabarkada hindi naman sila close e pero naging close sila dahil dumating yung day na nag biro si jayden sa pamamagitan ng pagtawag nya dito ng baby at dahil magkaib...