Kambal

131 2 2
                                    

Ako nga pala si Ryan 21 year's old.

Dati hindi ako naniniwala sa mga multo,maligno o mga kababalaghang bagay . Pero nag iba ang mga pananaw ko dahil sa sarili kong karanasan na may roon talagang di mapaliwanag sa mundong ito.

Bumalik tayo sa ako pa ay 7 years old.

Sa Village kami ng Dasmarinas Cavite nakatira.

Bandang hapon ako naglalaro sa daan dahil ito lang ang time na papayagan ako makalabas ng bahay matapos matulog ng tanghali.

Sayang-saya kami nag papatentero at nag hahabulan ng mga kalaro ko sa tabing kalsada. Habang hinahabol niya ako ay lang hiya kay ilangan kong tumawid ng kalsada para di ako maging taya ng bigla kong narinig ang malakas na break sa gilid ng tenga ko at nakita ko sa side ng Mata ko na may bata na anyong hangin na nag tulak sakin at namalayan ko nalang na may tricycle na nakahinto sa dapat na kinatatayuan ko na sabay sigaw sakin na "toy, okay ka lang?"

Marami pa sinabi ang drayber pero di ko na pinansin dahil sa takot.

Nakita ko rin yung kalaro ko na humahabol sakin sa opposite side ng kalsada na bakas din sa takot.tinanong ko siya kung siya ba ang nagtulak at sumagip sakin "hindi! Ang layo ko nga sayo tapos akala ko nga nasagasaan ka na" sagot niya. Ang kinatatakahan ko hanggang ngayon kung sino ang bata na nagtulak sakin na nagligtas sakin na muntik na akong Masagasaan.

........................

"Ang taas ng lagnat mo! "sabi ni mama.

Habang nakatingin siya sa thermometer sa kanyang kamay.

Nilagyan niya ako ng basang bimpo sa noo matapos niya ko painomin ng paracetamol.

Ang feeling ko ay ang bigat ng katawan ko at ang init ng hininga ko,na nanglalamig habang nakahiga sa sofa. Nanuod ng noon time show ang papa ko at ang mama ko ay bumalik na sa kusina para magluto.

Nang bigla kong narinig na may malakas na kumakatok sa pintoan namin, ang pinagtatakahan ko ay parang ako lang ang nakakarinig sa malakas na katok samantalang nasa uluhan ko naka upo ang papa at si mama ay imposible ding di niya marinig dahil di kalayoan ang kusina namin sa Sala. Huminto ang malakas na katok at bigla bumukas ang harapan na pinto ng bahay at may napakaliwanag na liwanag na nangagaling sa pinto at may pumasok na bata na kasing laki at tangkad ko. Tumingin ako sa papa ko at parang wala siyang nakikita patuloy parin siya sa panunuod ng TV.

Tatanungin ko sana ang bata na nakatayo sa pintoan nang bigla nalang ako nakatulog.

Pag gising ko mga gabi na dahil madilim na sa labas.Wala na rin ang lagnat at masamang pakiramdam ko.

Tinanung ko sa mama at papa ko kung sino yung bata sa liwanag kanina sa pintoan.

Sagot naman nila ay "Wala! Sinong bata? Mga kapatid mo ay nasa school lahat kanina"

.................

"Kumain ka na. Buong araw ka nang di kumakain! "sigaw ni mama na may halong pangamba sa boses niya.

Nilalagnat ako at ayaw ko talagang Kumain.

Ilang minuto ay para akong naduduwal at dali-dali akong tumakbo sa banyo at sumuka sa bowl. Agad naman tiningnan ako sa loob ng aking auntie at sumigaw nang " Ate si Ryan may dugo yung suka niya!"

At dali dali nila ako dinala sa hospital.

Nang nagkamalay ako uli ay naka upo ang papa ko sa side ng hospital bed at sabi ko " papa san si mama? Gusto ko po humiga sa sahig"

Agad naman akong nahiga ng pakaob sa sahig. Kami lang dalawa ng papa ko sa admittion room ko. Nagsquat na umupo sa haparap ko si papa at sabay sabi " nak.wag ka jan marumi sa sahig"

"Pa bat maraming tao dito? "tanung ko

Dahil marami ako nakikitang paa sa paligid ko. Yung iba naka ospital gown. Iba2 may babae at lalaki.ang iba marumi ang paa. Pero hindi sila nakatingin sakin. Nakatayo lang sila ibat-ibang direction.

" Pa bat marami akong bisita? "tanung ko ulit.

" wala. Tayo lang tao dito nak. "sabi ni papa sabay dampot sakin at inihiga ako sa higaan.

Isang Kisap Mata ko ay nawala bigla ang mga tao sa paligid ko at si papa lang ang natira na bumalik sa pagkakaupo

...............................

Minsan na kwento sakin ng papa at mama ko tungkol sa kakambal ko.

Mga 4 years old palang daw ako ay si papa nun nagdri-drive ng taxi.Mga Bandang hating gabi na site gumagarahe papunta sa amo niya.

Isang gabi nun ay gumarahe na si papa at yung amo niya anduon sa parking lot ng mga taxi niya.

Habang lumabas daw si papa

Tinanung siya ng amo niya na

"Ui.pare!bat mo sinama si Ryan na dis oras na nang gabi ehh nagdala ka parin ng bath. "ika ng amo ni papa

" ha? Di ko naman dala si Ryan.Ako lang mag isa ngayon galing biyahe"sabi ni papa

"eh, bat nakita ko si Ryan lumabas sa back seat tapos tumakbo.?" sabi ng amo

"Alam mo pare. May kakambal si Ryan. Namatay after 3 days ng labor niya, baka nakabantay parin sa amin."paliwanag ni papa

                   .....................

Fast forward tayo nung first year collage ako. Typical na sakin kung tanungin ako ng mama, papa o mga kapatid ko na kung pumasok ba ako sa loob ng bahay galing sa labas kahit nasa kwarto lang ako o pumasok ba daw ako sa banyo kahit nasa labas ako naglalaro ng basketball.

May bestfriend ako. Roger pangalan. Kami lage kasama kahit sa room na parihas subject namin.

Sa canteen o gala sa mga mall.

Isang araw nun magkasama kami na nag study sa loob ng library sa school namin

Bale 3 kami nun sa table kaso nauna na pumasok sa klase niya yung isa, kasi di namin siya kasabay ng time sa next subject. Nagbabasa kami ng libro ni Roger nang tumayo siya at nag sabi na kukuha daw siya ng isa pang libro kasi nababagot na siya sa kasukuyan niyang binabasa.

Pagbalik niya 10 mins after sabi niya "oh ang bilis mo naman nakabalik ehh nakita kita na pumasok dun sa shelves na marikit at walang tao..?"

Sabi ni Roger.

" Andito lang ako Nagbabasa sa table. Di ako kumuha ng libro o tumayo."sabi ko

"Di men ikaw talaga nakita ko. Kumuha ka ng libro? "boses niya na sobrang taka

" Di nga. Ganto ha. Lahat ng kasama ko lage ay nakaka experience ng ganyan.,akala nila ako yun pero hindi. Kambal ko yun. Simula pa ng bata ako ay parang may nagsasagip sakin o nagbabantay  sakin kung may sakit ako. Alam ko siya yun. Namatay siya ng 3 days after pagpanganak samin. At first daw ako yung matamlay at maraming complicated, siya yung energetic.

After he died naging masigla daw ako. Kaya feeling ko nag give way siya para sakin at hangang ngayon feel ko parin anjan siya araw-araw nakabantay sakin"paliwanag ko.

Naka nganga lang ang kaibigan ko habang nakikinig sakin.

In The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon