Hindi ako naniniwala sa mga aswang nun o mga maligno. Alam mo kasi lumaking Manila boy walang uso yan sa amin.
Lumipat kami ng Cebu mga 12 years old ako nun. Gusto kasi ng lola ko na sama-sama kami lahat sa bahay niya.
Mga Bandang gabi na kami nakarating ng Cebu.
First day ko dun wala nanunuod lang kang papa nag lilinis ng auto namin.
Merun din mga bata nakikipagusap sakin kaso di ko maintindihan kasi bisaya.
Mga hapon na nang namalayan ko wala yung kuya ko.
So tinanong ko sa cousin ko
"Asan si kuya? "sabi ko
" Andun ata sa bakanteng lote naglalaro" sabi ni Nora cousin ko.
Agad naman ako nagpunta dun.
Sa malayo palang ay nakikita ko na maraming bata ang naglalaro.
Nagtatakbuhan at yung iba naman ay nagsasarangola.
Maganda ang bakanteng lote,napakalaki nito at sa gilid ito ng mga bundok.
Nang nakita ko ang kuya ko ay nilapitan ko siya para sumali sana sa laro nila kaso sabi niya
"Umuwi ka Ryan kasi bago ka lang bata rito, bawal ka muna maglaro kasi pag ganyan pag gabi ay may maraming aswang aaligid sa bahay natin"paliwanag ni kuya.
Umuwi nalang ako hindi dahil naniwala ako sa sinabi niya at natakot.Dahil kuya ko siya at dapat sumunod sa nakakatanda.
Gabi na nun. Tapos na kumain.
Sa kwarto ay may malaking kama Kung saan matutulog lola ko at tita ko.
Sa gilid naman sa may tabi ng naka screen lang na bintana ay may folding bed na duon ako at kuya ko matutulog.
Naka upo lang ako sa folding bed habang nag arrange na para matulog.
Ang auntie ko ay nag aayos ng pampaganda niya sa harapan ng salamin sa loob ng kwarto.
Ang lola at mga cousins ko ay nanuod ng TV.
Maya-maya pa habang naka upo ako
May sit sit ng sit sit sa labas ng bintana.
Psssst
Psssssst
Pssssst
Ayaw talaga tumigil akala ko tito ko pinagtritripan ako
Pagbukas ko ng kortina ay may tao maitim na naka scout na dahan-dahang tumayo sa harapan ko sa labas. Pulang-pula yung Mata at sa laking gulat ko ay lumagpas sa linya sa taas ng bintana yung tumayo. Nakatingin lang ako sa mga pula niyang mga Mata.
Di ako makagalaw o makasigaw.
Bigla naman siya bumalik sa pagkakasquat na pagkakaupo.
Nakatingin lang ang pulang Mata niya sakin habang sinusundan ko lang ang pagtingin ko sa Kanya.
Hangang sa makaupo siya ay Bigla lang nawala.
Nagtanong ako sa tita ko Kung nadinig biya niya o nakita ang nakita ko. Sabi niya hindi.
Nag I imagine lang daw kasi ako.
Wala daw lalagpas na tao sa bintana nang nakatayo kasi 7 feet + yung height simula sa sahig ng labas.
Sa mga na describe ko daw ay kapre daw nakita ko o Agta ang tawag ng mga Cebuano.
At yan ang simula ng mga nakakatakot na di ko inaakalang makikita at mangyayari sakin.