Ella's POVNagising ako ng may narinig akong nagkakatuwaan sa baba. Ang lakas kase ng mga tawa. -______-
Considerasyon naman po sana! May natutulog dito! Agang aga ee!
Teka, ba't ang aga naman may bisita na si nanay.?!
"HAHAHAHA! Tita naman po. Wala talaga akong naging girlfriend mula nag break kami."
Wat da?!!!!? Andito siya?!
At dahil dun napilitan akong umupo sa kama para marinig ko talaga ang pinag-uusapan nila.
"Aba! Siguraduhin mo lang! "
"Oo naman tita! Seryoso ako tita. I want her to be my lifetime partner. Siya na talaga. "
"Hindi naman ako tumututol sa inyo dahil nasa tamang edad na kayo. Pero siguraduhin mo lang wag mong sasaktan ang anak ko! Dahil alam mo na mngyayari sa'yo!"
"Hindi na kailanman tita. Pangako. "
"Sige iho. "
"Salamat tita dahil pinayagan mo ako ulit. Sige po alis na po ako. Mukhang matanghalian po ng gising ang mahal ko. HAHA"
"Masanay kna sa tulog mantika iho."
"Hahaha. Sasanay na ako dyan. Sige po tita"
Si nanay talaga oh! Sinira an pa naman ako. Haha.
Nagulat ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ko at...
*BAAAAGGSSSHHH*
Shyeetss! 3 na to ha!
"Oh! Anak, ok ka lang ba? Tayo'tayo. Ano masakit sa'yo? " tatanungin niyo ba kung na pano ako? OO! Sheemss! Nahulog ulit sa higaan!
Nagulat kase ako ee si bed naman hindi ako sinalo :'''(
"Aah-o-ok lang ako nay. " tiiiiss lang >___
"O sha! Umalis na bisita mo. Himbing ng tulog mo ee.. Bumalik na pala siya ha.. " -nanay with the kelig-serious face.
"Oo nay. Alam ko. " poker.
"Oo. Alam ko rin nag kita na kayo kahapon. Kinuwento na niya lahat babe." Yan minsan tawag ni nanay sa amin ng kapatid ko.. Babe. Hahaha. Ang astig lang. Parang mag syota lang e nooh? Hahahaha
"Bibigyan mo ng chance?" -nanay.
Hindi mn siya excited nooh?
Supportive kase yung nanay at tatay ko sa lahat lahat ko. Lalo na sa lovelife ko..
I didn't mention before, yung tatay ko ay isang OFW. Sa Abu Dhabi.. katulad ko, isa rin siyang engineer. Pinapunta nga niya ako dun e, pero tinanggihan ko dahil naisip kong walang kasama dito si nanay.. kaya nag pa iwan ako dito.
"Hindi ko pa po alam. Ewan nay! Na tatakot na akong masaktan. "-ako
"Hindi na naman niya iiwan na ee. Isa pa anak, why not give him a chance to prove it to you na mahal ka pa niya. To be hurt is a part of loving because in this way you made yourself much braver than before. Brave enough to face life." -Nanay. Grabe! Napa agos naman ng nanay ko ang fountain !
"Eto lang tandaan mo babe, andito lang kami ng tatay mo para sa'yo. Sasaktan ka man niya ulit , huwag mong gantihan ha! Kami ng tatay mo gaganti! Hehehe, seryoso anak!"
-nanay.
BINABASA MO ANG
Chance [one shot]
Teen FictionNaghiwalay man kayo ng mahal mo ngayon, naisip mo bang magkikita kayo ulit kinabukasan? Bibigyan mo ba siya ulit ng chance? Lets see sa story na ito :)