Perhaps Love 1

33 7 0
                                    

Not edited

******

"Seryoso ka ba?!"

"Seryoso nga ako kakasabi ko lang sa inyo eh."

"Weh? Kahit isumpa ko pa si Jeydon Lopez sa He's into her?"

"Gaga! Isang fictional character yun" pabiro kong binatukan ang nananahimik na si Shantel na ngayon ay natulala na.

Samantala napakagat naman ng labi si Farrah at napailing iling pa.

The two girls in front of me were obviously shocked as they heard the news that I will finally confess my love for Van, that hot chick basketball player in our campus.

It's not a secret anymore. I know. At sila lang dalawa ang sinabihan ko sa sekreto ko. Nakahanda na ang bulaklak at mga chocolates sa classroom which I will give to Van after their game exactly at 4 pm.

Wala nang masyadong tao sa campus sa oras na yun. I know confessing to someone is a nervous wreck pero once in a lifetime naman di ba?

I've heard before when we were classmates in elementary that he liked me. Siguro hindi ko pinagtuunan ng pansin yun because we were kids back then. Then I realized we have the same feelings now. Maybe it's time for us to cross that 'line'. Magkababata naman kami ni Van magkaibigan yung pamilya namin. Minsan nalang kami nagkikita kasi  dumadalaw lang sila sa bahay kung may okasyon o kung di naman kapag may importanteng pag-uusapan tungkol sa business.

He came from a rich family at balita ko nga malaki ang shares ng papa niya sa kumpanya. We're perfect for each other.

Nilapitan ako ni Farrah sabay yugyug sa balikat ko na animo'y umaasa siyang malinawagan ako sa pinagsasabi ko.

"Eh kung itarak ko kaya sa ulo mo itong chopsticks na hawak ko? Van Garcia yun eh. Isang sikat na gwapo dito sa university at kilala sa pamba busted ng ilang mga senior high school na katulad natin. Nasa college na siya ,gurl. Marami kang kaagaw especially na yung mga babae sa tourism." galit na galit siyang napaupo sa bleachers at pinagpagan ang nadumihan niyang palda.

Inikutan ako ng mata ni Shantel nung napatingin ako sa gawi niya.

" Wag mo ako idamay sa kalokohan mo diyan ah. Nananahimik kaluluwa ko alam mong may gusto ako kay Wayne pero kahit nandun pa oras na magconfess ka na..." She sighed. "Ayokong mapahiya like we're friends naman pero kasi maliit lang ang posibilidad mo na magustuhan ka ni Van. I'm telling you."

Napaekis ako ng braso ko. " Hindi niyo kasi ako naiintindihan eh."

"Naiintindihan ka naman namin look oh!" Pinakita niya sa akin ang pompoms niyang hawak. " Hindi kami mapupunta dito kung di ka namin naiintindihan."

Tinapik ni Farrah ang balikat ko. " Sabi mo di ba ichecheer lang natin siya? "

"Wala namang masama kung mag confess ako ah!" reklamo ko. Alam kong walang kasiguraduhan kung ikacrushback ba niya ako o irereject pero wala naman sigurong masama kong itatry ko di ba? Van is my first love ayoko namang itago nalang habambuhay itong nararamdaman ko para sakanya. Malaki na ako kaya ko ng tanggapin ang lahat ng mga rejections sa buhay.

"Dahan , dahan lang baka madapa ka!" paalala sa akin ni Shantel habang nakasunod sa akin.

Napalingon lingon ako sa paligid hinahanap ng mata ko ang jersey na may nakasulat sa likod na apelyidong Garcia. Nag-iisang Gracia lang si Van na sumali sa basketball team kaya madali lang siyang hanapin. Hindi ko na intindi pa ang sigawan at tilihan ng ilang mga babaeng nasa gym din.

Hindi ko inexpect na sobrang dami pala ng mga taong manonood sa game nila ngayon. Parang nung nakaraang taon lang kalahati lang ng gym na ooccupy ng ilang gustong manood sa laro nila. Pero ngayon halos magsiksikan na lahat buti nalang nakapasok kami kaagad at nakahanap ng mauupuan ,mahirap na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perhaps Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon